Chapter 72

46 21 55
                                    

February had already approached. Since gusto ng students mag-celebrate ng Valentine's Day, pinayagan sila ng principal dahil ang dahilan niya ay minsan lang din naman ito mangyari at upang tuparin na rin ang kahilingan ng mga estudyante—lalong lalo na ang mga graduating students.

Kakapasok pa lang nina Alishabeth, Koeli at Madison sa school gate ay bakas na sa kanilang mga mukha ang pagkamangha nang makita nilang puro dekorasyon na ang kanilang school.

"Happy Valentine's po!" bati ng isang lalake kay Alishabeth nang lumapit ito sabay bigay sa kanya ng rose.

"Ay! Salamat po," pagpapasalamat naman ni Alishabeth at agad niyang tinaggap ang bulaklak.

"Walang anuman po," sagot ng lalake sabay lakad papaalis.

"Sana ako rin... mayro'n," inggit na sabi ni Madison habang nakasimangot sa mga kasama niya.

"Parang... inaantay mo ata si Blake ha?" pang-aasar ni Koeli sabay ngisi.

Madison's cheeks turned red. Kapag nasasali talaga si Blake sa usapan, parang iba ang dating sa kanya—parang nahihiya siya.

"Siguro..." bulong ni Madison.

The school's theme is love. Wherever they look, red and pink colors are always seen in every corner of Norkin Academy. Habang naglalakad sila papasok ng school building, marami rin ang mga estudyanteng naglalakad-lakad at may sariling ginagawa nang biglang may tumawag sa kanila. It was Carmine. She quickly approached her friends.

"Wow! Ang gaganda naman ng suot n'yo!" natutuwang sabi ni Carmine habang pinagmamasdan ang mga suot ng kaibigan niya, mga nanlalaban.

"Syempre! Minsan lang tayo payagan magsuot ng civilian 'no!" Madison answered and slowly twirled as she shows off her outfit to Carmine and the others.

"Ganda naman talaga, Maddie the baddie." Carmine playfully wiggled her eyebrows.

"Napaaga yata ang punta mo rito?" tanong naman ni Koeli sabay tingin sa relo niya.

"Hindi naman... tinulungan ko lang kasi si Paul sa decoration sa gym..." pahina nang pahina ang boses ni Carmine habang nagpapaliwanag sa kanila dahil alam niyang aasarin na naman siya ng mga ito.

"Ay wow naman, boyfie!" kinikilig na sigaw ni Koeli kay habang si Carmine naman ay patuloy na namumula ang pisngi.

"Alam ba 'yan ng mama't papa mo?" Carmine started to curl her hair when she heard Alishabeth's question, acting like she never heard it.

"Sumbong kita kay tita Bellamy ah!" Binantaan ito ni Koeli ngunit pabiro lamang.

"Hoy! Alam 'yon nina mama't papa kaya don't me!" mataray niyang sumbat.

Nagkatinginan ang tatlong kasama niya at natawa sa itsura niya at kung papaano siya sumagot kay Koeli. Carmine crossed her arms and rolled her eyes—not even mentioning a single word, but they could see in her eyes that she was really pissed off.

"Mga walang jowa!"

"Oh come on! We were just playing around." Koeli gave her a hug and tried to kiss her on the cheek, but Carmine slightly pushed her away.

"Uy 'wag! Lagot ka kay Paul," biro naman ni Alishabeth at bigla silang nakarinig ng phone call.

Napagtanto ni Madison na kanya iyon nang maramdaman niya ang vibration ng cell phone sa loob ng bulsa niya. She quickly unlocked her phone and saw that she has a phone call from Blake.

"Wait lang ha?" Agad siyang naglakad papalayo sa kanila upang makausap nang mabilis si Blake.

"Sige na, balik na pala ako ha? Kita-kita na lang tayo mamaya sa cafeteria... bye!" Alishabeth and Koeli waved back at Carmine and then she immediately walked away.

When Destiny Plays (Soon to be Published under Grenierielly Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon