Chapter 5

126 27 50
                                    

"Ingat ka anak," pagpapaalam ng nanay at tatay ni Alishabeth habang siya naman ay abala sa pag-aayos ng buhok niya sa harapan ng salamin.

"Opo. Mauna na po ako." Bago pa man siya makaalis ng bahay, tiningnan niyang mabuti ang cellphone niya kung may reply na si Madison ngunit wala siyang nakita ni-isa at hindi rin sinagot ang tawag niya.

Bumuntong hininga siya. "Okay, papasok ako mag-isa..." sabi niya sa sarili niya nang pabulong, dismayadong nakatitig sa salamin.

Nagtatampo at bakas sa mukha nito ang lungkot habang naglakad papalapit sa pintuan, ngunit nang buksan niya ang pinto, nakita niya roon sa labas sina Carmine, Koeli at Madison na nakatayo at nag-aantay para sa kanya.

"Hello!" bati sa kanya ni Carmine ngunit nakatulala lamang si Alishabeth sa kanila.

Hindi ito makapaniwalang naroroon si Madison kasama pa ang dalawa nilang kaibigan. Binalik niya ang tingin niya sa kanyang mga magulang na abala sa pag-aayos ng gamit ng mga nakababata niyang kapatid, ngunit kita sa mga mukha ng magulang niya ang tuwa.

"Surprise ba 'to?" Tanong ni Alishabeth na may halong pagtataka sa boses niya.

"Kung na-surprise ka. Surprise nga," Madison answered with a delight on her voice.

"Una na po kami Mr. and Mrs. Ly! Aalagaan po namin si Alisha!" pagpapaalam ni Koeli sa mga magulang ni Alishabeth habang kumakaway, at nang maisara ni Carmine ang pinto, nabaling ang atensyon niya kay Alishabeth.

She slowly went towards her and started whispering. "Ang ganda pala rito sa village niyo."

Alishabeth's face brightened. "Salamat, ilang taon na rin kaming nakatira dito kaya marami na kaming kilala rito," masayang sagot ni Alishabeth.

"Araw-araw ko kaya siyang sinusundo kasi lagi kaming sabay pumasok sa school," kuwento naman ni Madison.

"Bakit nga pala ang Norkin Academy ang napili niyong school dito?" Tanong ni Koeli sabay dila sa ice cream na hawak niya. Kanina pa niya binili ngunit hindi pa rin nauubos at mukhang wala pa sa kalahati ang nakakain.

"'Yon kasi ang alam naming malapit na school maliban sa school namin dati. Kaya sa Norkin Academy kami ngayon nag-transfer," paliwanag naman ni Alishabeth.

Lumapit si Carmine kay Madison at inakbayan ito. "'Buti na lang at sa Norkin Academy kayo nag-aral... kasi kung hindi... baka hindi namin kayo kilala ngayon."

"Oo naman, thankful din kami kasi nakilala namin kayo ni Koeli. Ang hirap kaya mag-aral nang walang kaibigan or squad," tugon ni Madison habang ang mga mata ay nakatuon sa kanyang nilalakaran.

"Pa'no n'yo pala nakilala si Koeli?" Carmine asked with eagerness on her voice. She was interested to know the story.

Nang muling maalala ng dalawa ang nangyari kahapon, hindi nila mapigilang ngumiti. "Sumigaw siya nang malakas kaya nilapitan namin siya." Tiningnan ni Alishabeth si Koeli habang siya ay nagku-kuwento.

"Tapos?"

"Tinanong namin kung bakit siya sumisigaw, 'yon pala... buhol-buhol daw earphones niya." Carmine burst out laughing.

Her eyes met Koeli's who had been glaring at her. "Gan'yan talaga 'yan... music lover. She won't be able to call her day perfect unless she has her earphones with her to listen to different songs."

"Tama ka, Carmine! May tama ka!" Koeli pointed her index finger towards her best friend and scoffed.

"Hoy! Alisha..."

When Destiny Plays (Soon to be Published under Grenierielly Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon