Chapter 34

59 21 22
                                    

Sabado ng umaga, agad nang kumilos sina Alishabeth, Atashalyn at Lara dahil wala ang kanilang mga magulang. May pinuntahang importante kaya naman naiwan ang magkakapatid sa bahay.

"Bilang ate n'yo dapat sundin n'yo 'ko." Napakapamewang pa nang sabihin iyon sa mga kapatid niya.

"Ate, ano ba ang gagawin namin?" walang kabuhay-buhay na tanong ni Atashalyn.

"Atasha, maglalaba ka ngayon. Si Lara naman ay maglilinis ng bahay," utos niya sa kanila. Sumimangot si Lara nang marinig ang utos ng ate niya sa kanya.

"At bakit ka nakasimangot?" mataray na tanong ni Alishabeth.

"Ate, iba na lang ipagawa mo sa 'kin—"

"Hindi pwedeng tumanggi kay ate. Sige na, gawin n'yo na," utos niya.

Pumasok si Alishabeth sa loob ng kusina ngunit bago pa man niya mabuksan ang ref, muling nagsalita si Lara habang si Atashalyn naman ay agad na nagtungo sa banyo upang simulan ang paglalaba niya.

"E, ate? Ano naman ang gagawin mo?" makulit na tanong nito.

Ang tingin ni Alishabeth ay muling napunta sa ref, agad niya itong binuksan at inilabas ang mga sangkap na kakailanganin niya.

"Magluluto ako, tanghalian na mamaya. Sige na."

Walang nagawa si Lara kundi ang sumunod sa ate niya dahil kung hindi siya susunod, malamang ay isusumbong siya ni Alishabeth sa mama't papa nila—masesermonan na naman siya nang napakahaba.

Utos ito ng kanilang mga magulang, lalo na ang nanay nila dahil balang araw, lahat sila ay magkakaroon ng asawa at magiging nanay rin. Kaya ang mga pinapagawa sa kanila ngayon ay tiyak na makatutulong sa kanila pagdating ng panahon upang malaman din nila ang dapat nilang gawin dahil mga babae sila.

Napatingin si Alishabeth sa orasan, 10:50 a.m. Maya-maya ay darating na rin ang mga magulang nila kaya dapat ay makapagluto na siya bago pa man sumapit ang alas dose.

"Madali lang pala lutuin ang sisig e..." bulong ni Alishabeth sa sarili niya habang inaaral ang procedure na nakasulat sa papel.

Iniwan ito ng nanay niya dahil iyon ang gusto niyang ipaluto kay Alishabeth para sa kanilang tanghalian. Kaya sinulat nito ang procedure kung paano lutuin ang sisih upang hindi maligaw ng landas si Alishabeth habang siya ay nagluluto.

Patuloy siya sa pagluluto hanggang sa matapos ang sisig at sinimulan naman niyang lutuin ang pinakbet, ang paborito nilang magkakapatid.

"Ate!" sigaw ni Lara.

Mabilis itong tumakbo habang hawak-hawak ang cell phone ni Alishabeth. Dali-dali naman niyang inabot ang cell phone kay Alishabeth.

"Ate ha, si kuya Glenn na lang lagi mong kausap kahit bago matulog," asar ni Lara sa ate niya.

Namula ang mga pisngi ni Alishabeth nang marinig ito mula sa bunsong kapatid at bago pa man niya sagutin ang tawag ni Glenn, pinalayo na muna niya si Lara at inutusang muling bumalik sa paglilinis.

"Glenn, napatawag ka?"

Ibinaba ni Alishabeth ang cell phone niya sa counter ng kusina at agad na nagtungo sa taas at hinanap ang airpods niya para mas maging komportable siyang makausap si Glenn dahil abala siya sa pagluluto. Nang mahanap niya ay mabilis siyang bumalik sa baba at itinuloy ang pagluluto niya.

"Gusto sana kitang tanungin," she heard from Glenn.

"Tungkol saan?" tanong ni Alishabeth habang pinaghahalo ang mga gulay.

When Destiny Plays (Soon to be Published under Grenierielly Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon