Chapter 3

183 31 56
                                    

Habang sila ay nakasakay sa loob ng jeep, hindi maiwasang isipin ni Alishabeth kung ano ang mangyayari sa unang araw nila sa Norkin Academy. Normal na sa kanya ang makaramdam ng kaba, lalo na't unang araw pa lamang nilang papasok sa paaralang iyon at makakakilala pa lamang sila ng mga bagong estudyanteng mayro'ng iba't ibang ugali.

Mahigpit na napahawak si Alishabeth sa kanyang micro bag habang malalim ang nag-iisip habang si Madison naman ay hindi maipinta ang mukha dahil hindi nakakaramdam din siya ng kaunting kaba, at hindi rin niya alam kung ano ang mangyayari sa unang araw niya.

Nabaling ang atensyon ni Madison sa katabi niya at napansin din niyang tulala ito sa kawalan—ramdam ang panlalamig ng buong katawa nito kahit na mainit ang panahon. Hindi na ito ipinagtaka ni Madison dahil matagal na niyang kaibigan si Alishabeth at alam na niya ang ugali nito.

Lumapit ito sa tainga ni Alishabeth at bumulong. "Mas malakas talaga loob ko sa'yo..." nang masabi niya iyon, wala siyang sagot na natanggap mula kay Alishabeth.

Nang mapansin ni Madison na malapit na sila sa bababaan nila. Muli siyang nagsalita upang ipaalam na rin sa kasama niya. "Malapit na tayo. Maghanda ka na," paalala ni Madison at dali-daling inayos ang backpack niya. Narinig niya ang malalim na paghinga ni Alishabeth nang dahan-dahang tumigil ang jeep.

Mabilis silang tumayo mula sa pagkakaupo nila at bumaba ng jeep. When Alishabeth felt the scorching rays of the sun touched her skin, she immediately looked inside her bag to search for her umbrella—to protect them from the hot and flaming sunbeam.

"Ang layo pa pala ng lalakarin natin!" reklamo ni Madison sabay lakad nang mabagal kahit na tirik na tirik ang araw.

Kapansin-pansin sa dalawa ang paligid nilang napapalibutan ng mga puno at halaman. Ang kanilang eskuwelahan ay naroroon, kaunting lakad pa bago makarating sa Norkin Academy. Magaganda rin ang mga tanawin na makikita rito. Ang bahaging iyon na nilalakaran nila ay sakop na ng paaralang Norkin, at ang paaralang iyon din ang may ari ng route na iyon.

Ang mga halaman at puno naman na nakatanim malapit sa paaralan ay tanim ng mga estudyanteng kasali sa gardening club—kaya mas lalong naaalagaan ang paligid ng paaralan. Walang labis, walang kulang sa pag-aalaga, lalong lalo na sa kalikasan dahil ito ang pinakamagandang tanawin para sa mga estudyanteng nag-aaral doon

"Ang ganda talaga rito. Alagang-alaga nila ang kalikasan," wika ni Alishabeth habang pinagmamasdan ang mga halaman at punong buhay na buhay sa kulay berde. Nakakagaan ng loob at nakakaganda sa paningin.

"Pati 'yong uniform nila, sobrang ganda!" Madison exclaimed. May halong kilig at kagalakan sa tono ng kanyang boses. Ang mga mata nito ay taimtim na nakatitig sa uniform na suot niya.

They already wore their school uniforms for their first day of classes. May shirt sa loob, blazer at tie. Palda o skirt para sa kababaihan at trouser pants naman sa kalalakihan. Ang takong naman ng kanilang itim na sapatos ay may 2 inches na taas.

"Ang init tapos naka-blazer tayo..." sumbat naman ni Alishabeth, halata sa mukha nito na hindi niya nagugustuhan ang uniform nila dahil nga sa hindi ito bagay sa klima ng bansa.

"Ang cute kaya ng—" bago pa man matapos ni Madison ang kanyang sasabihin, nakarinig sila ng malakas na pagsigaw ng isang babae sa gitna ng kalsadang pagkainit-init.

"Ano 'yon?" Tanong ni Madison na may halong pagtataka sa boses niya.

Nang malaman ni Alishabeth kung saan nanggagaling ang sigaw, mabilis niyang nilapitan ang babaeng nasa gitna ng daanan at nagmumukmok na parang bata. Sumunod namang lumapit si Madison at tiningnan kung ano ang pangyayaring nagaganap. Hindi nila alam kung sino ang unang kakausap, kaya inunahan na lamang ito ni Alishabeth.

When Destiny Plays (Soon to be Published under Grenierielly Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon