Chapter 7

90 24 28
                                    

"Good morning!" masayang bati ni Koeli sa mga kaibigan niyang nagsisilakihan ang mga eyebags dahil sa pagpupuyat.

Sa loob ng cafeteria, kung saan sila nakatambay, naroroon ang ibang estudyanteng pinagmamasdan ni Koeli. Nag-aalmusal at may iba't ibang ginagawa.

"Bakit ang tamlay n'yo naman?" Tanong ni Koeli sabay subo sa strawberry yogurt niya.

Alishabeth closed her eyes and sighed. "Inaantok pa ako," matamlay na sagot niya.

"Kung gan'yan kayo... nako, baka may zumba na naman tayo kay sir Dimionsa." Sinubukan pang magbiro ni Koeli ngunit wala siyang natanggap na sagot mula sa kanila. It made her disappointed at that moment.

Maya-maya ay may nag-abot ng papel sa harapan nila. Nang iangat ni Carmine ang ulo niya, nakita niya si Paul na napakaganda ng ngiti sa kanila, lalong lalo na kay Carmine. The paper was really given for Carmine. Hinawakan naman ni Carmine ang papel na inabot sa kanya at binasa ito.

"Ah, good morning sa inyo. Iniimbita ko kayong sumali sa music club. Buong puso ko kayong tatanggapin sa club na 'yon bilang leader," malugod niyang pag-aanyaya sa kanila ngunit nakatunganga lang ang mga ito sa kanya.

Koeli slowly shook her head and stared at him. "Sabihin mo na lang na si Carmine talaga ang gusto mong isali ro'n—saka siya lang naman binigyan mo ng papel e." Nginisian ito ni Koeli at pinandilatan ng mata.

Paul's sight travelled and shifted to Carmine, caused him to scratch the back of his head. "Saka hindi ba buong kamay 'yon instead of buong puso?" Tanong ni Madison kay Paul, nanatiling nakatulala si Paul sa kanilang lahat at natawa. The awkward and weird laugh everybody does when they are in the middle of embarrassment.

Napakamot na lang ito sa kanyang ulo at muling nagsalita. "Ah, sorry. Hindi naman sa gano'n. Inaasahan kong may sumali sa inyo. Salamat sa oras n'yo, Car mine and friends." Kumaway ito sa kanila bago pa man naglakad papalayo.

Ang ibang leaders ay tuloy pa rin sa pag-aanyaya pa ng ibang students upang may sumali sa club na nila. It was very exhausting, but they were all determined just for their clubs.

"Dito naman ako laging sumasali kasi ito... ito talaga 'yung gusto ko," sabi ni Carmine habang tinuturo ang papel na hawak niya at para bang may pinapahiwatig sa kanila, lalong lalo na kay Koeli.

"Magaling kumanta si Carmine. Magaling na magaling," masayang inilahad ito ni Koeli habang nakatitig sa best friend niya, iniiwasan ang parinig nito sa kanya.

"Ikaw rin naman. Magaling ka rin naman... pero sa ibang larangan."

"Lahat naman tayo may iba't ibang talent at interest kaya hindi dapat tayo nagkakaroon ng inggit sa iba," dagdag pa ni Carmine. A motivation for her friends.

Nang marinig naman ito ni Alishabeth, huminga ito nang malalim. Iyon ang nagpangiti sa kanya dahil sumasang-ayon siya sa nabanggit ni Carmine.

"Drama club! Sa mga maaarte riyan... sali na kayo! Perfect 'to sa inyo! Charot!" maarteng pag-aanyaya ng isang leader sa pamamagitan ng pagsigaw. Nagbibigay rin ito ng mga papel at pinapakalat pa sa ibang estudyante upang makakuha ng members para sa club niya.

Alishabeth covered her face using both of her hands as she felt frustrated and upset. "Hindi ko pa alam kung saang club ako sasali." Alishabeth sighed, hoping that they would notice her.

"Hello sa inyo! Sana sumali kayo sa gardening club, malaking tulong ang pagsali n'yo rito."

Isang mala-anghel na boses at mukha ang humarap sa kanila ngunit iba ang naramdaman ni Koeli nang makita niya ito dahil ang una niyang napansin ay magkasama sina Eunice si Rei, at tinutulungan pa nito ang dalaga na mag-anyaya ng maraming estudyante.

When Destiny Plays (Soon to be Published under Grenierielly Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon