Chapter 44

54 21 31
                                    

Sunday, everyone went to the restaurant and while having their conversation about their upcoming field trip this coming Wednesday, making a plan is a must for the squad.

"Plano na, ilan ba ang destination ang mapupuntahan natin?" tanong ni Carmine.

"Sa pagkakaalam ko tatlo... tapos lahat nasa malalayong lugar," tugon ni Koeli ngunit nakarinig sila ng tawa mula kay Madison.

""Grabe naman sila maghanap ng destinations."

"Gano'n ba talaga mag-isip 'yung school ng mga pupuntahan?" nagtatakang tanong ni Alishabeth sa kanila.

"'Di naman daw malayo," sabi ni Paul.

"Malayong-malayo lang naman daw," biro ni Glenn.

"Gano'n talaga ang Norkin Academy, baka next year, sa ibang bansa na 'yung field trip."

Muli silang nagtawanan nang madinig ang sinabi ni Blake ngunit si Rei ay tahimik lang na nakikinig sa kanila sa isang tabi, hindi gaanong nagsasalita at nagpapakita ng emosyon dahil hindi pa gaanong maayos ang pakikitungo niya sa iba.

Napansin ito ni Alishabeth. She quickly nudged Koeli, signaling her to speak to Rei. Siya lang naman ang inaantay ni Rei simula nang magpunta sila sa restaurant na iyon ngunit hindi rin siya binabati ni Koeli, and it became worst when she ignored him.

"Bakit?" bulong ni Koeli kay Alishabeth.

"Kausapin mo na... second chance naman," bulong ni Alishabeth dito ngunit parang utos ang dating kay Koeli.

Koeli raised an eyebrow and shook her head, but Alishabeth insisted. Saglit silang nagkatinginan at napabuntong hininga na lamang si Koeli, paunti-unti niyang inilapit ang upuan niya kay Rei. Agad naman itong napansin ng binata kaya tiningnan siya nito at nagbigay ng ngiti.

She casually started a conversation. "Kumusta? Hindi ka gaanong nagsasalita ah."

It was a bit awkward for Koeli to start the conversation with Rei. For her, it should be Rei who should approach and speak to her first. Hindi niya ugaling makipag-usap lalo na't sa taong hindi na niya gaanong pinapansin.

"H-ha? Ano kasi... nagugutom na ako," Rei smiled faintly while rubbig his tummy.

Tumango naman si Koeli ngunit alam niyang hindi iyon ang dahilan, alam niya ang totoong dahilan kung bakit hindi nakikihalubilo si Rei sa kanila. He wanted her attention, simple as that. Simula nang iwasan siya ni Koeli, mas lalo siyang napaisip at nagsisi sa mga nagawa niyang kamalian.

Hinding-hindi niya inaasahang ang taong humahabol at nagpapapansin sa kanya noon ay mawawalan ng interes sa kanya at ngayon ay kabaliktaran ang nangyayari—siya naman ang nagpapapansin at naghahabol kay Koeli. Each day, he kept blaming himself for the things that made his life miserable.

"Gano'n ba? Parating naman na rin 'yung order natin, huwag ka mag-alala." Koeli smiled back and patted his shoulder.

"Kumusta kayo ni Eunice?" muling tanong ni Koeli.

She desires to know more about them—not because she's investigating. She just wanted to know what is currently happening between Eunice and Rei since she is a concerned friend of Eunice. Kung ano ang ikasasaya ni Eunice—tiyak gano'n din para sa kanya.

"Kami? Wala namang kami..." natawa si Rei sa naging tanong ni Koeli.

"Teka... akala ko ba... nililigawan mo na siya?" tanong ni Koeli na medyo kinakabahan sa magiging sagot ni Rei.

She was nervous, dahil alam niya sa sarili niyang may part pa rin sa kanya na gusto pa rin niya si Rei. She might get triggered by his answer, realizing that she still has feelings for Rei. Nagparaya lang siya dahil napagod siya.

When Destiny Plays (Soon to be Published under Grenierielly Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon