Chapter 45

53 22 25
                                    

"Rina... hindi ka ba napapagod na maging masama sa ibang tao—" hindi pa natatapos ni Eunice ang sasabihin niya, napatigil siya nang tingnan siya ni Sabrina.

"A-alam mo 'yon?" nauutal na tanong ni Eunice kay Sabrina.

"A-alam ko naman din na wala ka nang magulang pero... sana 'wag m-mo... na ipasa 'yung galit mo... sa iba." Eunice ended her statement without any interruptions, but Sabrina immediately spoke.

"Lumaki akong naghahanap ng magulang na gagabayan ako. Magulang na mamahalin at pangangaralan ako..."

Sabrina sat down beside Eunice and took a deep breath while looking into the cerulean sky. Sinusubukang isipin ang mga panahong nakasama niya ang mga magulang niya ngunit walang lumalabas sa isipan niya dahil hindi niya sila nakasama.

"Nasasaktan ako... lumaki akong walang magulang." Napahawak si Sabrina sa dibdib niya na para bang iniinda ang sakit na nararamdaman niya.

"Hindi ko man lang nalaman kung ano ang pangalan nila, sino-sino ang mga kapatid ko," dagdag pa niya.

"Kaya naging gan'to ang ugali ko... kasi hinayaan nila akong masaktan at mawalan ng pag-asa."

Eunice carefully listened to her friend's rants in life. Her life without a family that provides love and care her like everybody does. Parents that will guide and teach her the right and good manners to do.

"Nand'yan naman ang lola't lolo mo para alagaan at mahalin ka," paalala ni Eunice.

Eunice tried giving examples to Sabrina, tried comforting her but it wasn't enough for her friend. She tried to bring her to the bright side of the world, where happiness and contentment exist.

"Intindihin mo na lang 'yung pangangalaga nila sa'yo simula no'ng bata ka hanggang ngayon."

"Sila na ang pamilya mo ngayon at kasama na rin ako. Alam mo naman na hinding-hindi kita iiwan."

Napatingin si Sabrina sa kanya, namumuo ang luha sa gilid ng mga mata nito at hindi makangiti. Pawang katototahan ang lahat ng nasabi sa kanya ni Eunice, ngunit para sa kanya, kulang pa rin iyon.

"Isipin mo ang sakripisyo nila para sa'yo, para lang magkaroon ka ng magandang kinabukasan."

"Kung hindi mo man naramdaman ang pagmamahal mula sa pamilya mo, naramdaman mo naman 'yon sa lola't lolo mo." Inakbayan ni Eunice si Sabrina at pinatong ang ulo niya sa balikat ni Sabrina.

"Hindi mo kailangang maghiganti para lang maging maayos ang pakiramdam mo."

"Don't let them experience what you've experienced in your life, but instead be a role model to them and let them be inspired by you and your story."

Ramdam ni Sabrina ang pagiging tapat at mapagmahal na kaibigan ni Eunice sa kanya. Napapansin niyang hindi siya pinapabayaan nito dahil binibigyan pa siya ng mga pampalubag loob na mga salita para sa ikabubuti niya.

"Lahat tayo ay may tinatagong hinanakit pero dapat mas piliin nating magpasaya ng kapuwa natin dahil tayo-tayo rin ang magkakasama sa mundong 'to," muling pangaral ni Eunice.

Eunice just kept giving advice to Sabrina. Gusto niyang mapabuti ang kalagayan ng kaibigan niya. She wanted the best for her, that's why she would always stay right by her side to guide her.

"Hindi kita iiwan... dito lang ako sa tabi mo... sa hirap man o ginhawa. Nandito lang ako para gabayan ka at pasayahin ka, hindi lamang bilang kaibigan..."

Huminga nang malalim si Eunice. "Kundi bilang pamilya na rin na hinahanap mo. Magiging sandalan mo ako sa mga pagkakataong nangangailangan ka ng masasandalan."

When Destiny Plays (Soon to be Published under Grenierielly Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon