Chapter 13

78 23 61
                                    

Kakatapos lang ng pagsamba ni Alishabeth kasama ang kanyang buong pamilya dahil ang araw ngayon ay araw ng paglalaan ng oras para sa Diyos—upang makinig sa mga aral Niya sa loob ng kapilya, ito ay ang araw ng Linggo.

Kasalukuyang papauwi ang pamilyang Ly dahil naisipan ng mag-asawang kumain na lamang ng kanilang tanghalian sa labas dahil wala ng oras para magluto pa ang nanay nila. Habang nasa loob ng kanilang sasakyan, hindi mapigilang pagmasdan ni Alishabeth ang dalawang nakababatang kapatid niyang nasa edad 15 at 13. At kung tawagin nga sila ay Tres Marias.

"Mama, 'pag tumungtong na ako ng 18, pwede na po ba akong magtrabaho?" Tanong ni Alishabeth sa kanyang nanay at pati na rin sa tatay niya dahil dito siya kumukuha ng kanyang permiso kung papayagan ba siya.

"Bakit mo naman 'yan iniisip, anak?" Tanong ng tatay niya habang nagmamaneho.

Yumuko si Alishabeth at bumuntong hininga. "Gusto ko po kasing makatulong, minsan nahihirapan kayo kasi kulang 'yung sahod niyo para sa pagpapa-aral sa aming magkakapatid," paliwanag niya habang nilalaro ang kanyang buhok.

"Kulang po ang pera natin para sa pang araw-araw na gastusin... kaya sana payagan n'yo po ako."

"Kahit sa semestral break lang po namin... kahit temporary lang po," dagdag pa niya.

"Anak, kung 'yan ang gusto mo... ayos lang naman, pero ang gusto ko may kilala kang kasama mo para hindi ka mapaano."

Abot tainga ang kanyang ngiti nang payagan siya ng mga magulang niya ngunit may kondisyon. "May mga kaibigan po ako, pero tatanungin ko po sila kung gusto nila... saka alam ko naman po si Maddie lagi siyang pumapayag na samahan ako."

"Hmm, mabuti iyon... pero sana 'wag mo pababayaan ang pag-aaral mo dahil mas importante pa rin iyon para sa'yo." Agad namang tumango si Alishabeth at inilipat ang titig niya sa dalawa niyang kapatid.

"Kayo, 'wag kayo masyadong maluho kila mama dahil alam naman nating hindi tayo mayaman para maibigay nila ang lahat ng gusto natin," payo niya sa mga kapatid niya bilang nakatatanda.

"Alamin din dapat natin ang limitasyon natin sa mga materyal na bagay dahil inuuna nina mama't papa ang mas ikabubuti at makatutulong para sa atin, ayos ba?" Tanong ni Alishabeth sa mga kapatid niya. She received thumbs up from the both of them.

"Oo, ate. Syempre, hindi rin makakalimutan ang pinakagustong linya ni sa buong buhay niya." Tumingin si Atashalyn sa kanyang nakababatang kapatid na si Lara. Nagpapahiwatig na sabihin iyon.

"Wala munang magbo-boyfriend!" Humalakhak ang magkakapatid at nakitawa na rin ang tatay nila.

"Hanggang crush lang muna, lahat ng gustong manligaw dadaan sa masikip na butas ng karayom at 'yon ay ang mga pagsubok kasama na rin kami, ang inyong mga magulang." Muling naalala ni Alishabeth ang mga paalala ng tatay niya sa kanya bilang ate.

"Bilang nakatatanda sa inyong magkakapatid, ikaw ang magpakita ng kabutihan at respeto sa lahat ng bagay dahil ikaw ang magiging gabay nila balang araw."

***

Magkasamang nagpunta sina Carmine at Koeli sa mall upang mamili ng kanilang mga kinakailangan para sa pag-aaral nila gamit ang ipon nila. Habang nasa loob sila ng art store, hindi maiwasang tingnan ni Carmine ang creative pictures na nakasabit sa loob ng store na konektado sa fashion sketching. Mahilig din ito sa pagdi-disenyo ng mga kasuotan sa pamamagitan ng pagguhit.

Si Koeli naman ay abala sa pagkakalikot ng gadget sa loob ng store. Natuto siyang gumawa ng digital arts dahil nagkaroon siya ng interes dito simula nang tumungtong siya sa pagiging high school student. Kaya ngayon ay madali na lang siyang nakakagawa ng digital arts gamit ang mga gadgets niya sa bahay ngunit aminado itong kailangan pa niyang mag-improve.

When Destiny Plays (Soon to be Published under Grenierielly Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon