Chapter 27

59 21 49
                                    

"Ba't gano'n?" tanong ni Rei kay Koeli habang hawak-hawak ang papel na ipinapakita kay Koeli.

"A-ano 'yan?" nagtatakang tanong ni Koeli.

Her face looked very worried and completely puzzled. She wanted to find out what happened but she couldn't because she was mentally blocked. Pinangungunahan din siya ng takot at kaba.

"Nagtatanong ka pa? Hindi mo ba alam?!" Nanlaki ang mga mata ni Rei nang sigawan niya si Koeli.

Dahan-dahan namang kinuha ni Koeli ang papel mula sa kamay ni Rei at binasa ang nakasulat. Mahaba-haba ang nakasulat, kaya binasa na lamang niya kung hanggang saan niya kayang basahin. Nakasulat doon ang lahat ng mga kasamaan niya kina Eunice at Rei. Marami rin siyang nabanggit na masama roon patungkol sa dalawa—at pati na rin ang sama ng loob niya sa kanilang dalawa ay nasabi rin niya ro'n. Malinaw ang nakasulat doon, malinaw na malinaw kung babasahing maigi.

"R-Rei... h-hindi... hindi a-ako ang nagsulat nito." Her voice cracked but it was very calm.

"Ano'ng hindi mo alam?!" Dinig nila ang sigaw ni Rei kaya marami ang napatingin sa kanilang dalawa.

Ang atensyon ng halos lahat ay nabaling sa kanilang dalawa. Lalong lalo na kay Rei na kanina pa sumisigaw sa harapan ni Koeli habang si Koeli naman ay walang kamalay-malay sa mga nangyayari at hindi maintindihan kung paano iyon nangyayari sa kanya ngayon. Matagal silang nagkatitigan sa isa't isa, lumapit pa ang iba nilang kaibigan at sinubukang ipaglayo sila sa isa't isa sa inaakalang may hindi lang sila pagkakaintindihan. Sinusubukan ding pakalmahin ni Blake si Rei habang hinahaplos-haplos ang likod niya.

"Ano'ng nangyayari?" tanong ng nanay ni Rei sa kanila na pumagitna sa dalawa.

Ang tingin nito ay pabalik-balik kina Koeli at Rei, hindi malaman kung ano ang naging ugat ng kanilang pagsasagutan.

Lumapit naman si Carmine kay Koeli ngunit ang titig ay naroroon pa rin kay Rei. "Rei, ano ba ang nangyari?" tanong niya habang pilit na inilalayo si Koeli mula Rei.

Umiling si Rei at huminga nang malalim bago pa man niya ibuka ang kanyang bibig. "Hindi n'yo alam? 'Yang magaling niyong kaibigan... may tinatagong maruming sikreto?!" pasigaw na tanong ni Rei habang dinuduro-duro si Koeli.

Pilit niyang inilalapit ang sarili kay Koeli upang makausap ito ngunit nilalayo siya ni Glenn dahil hindi maganda ang kanilang sitwasyon at kailangan pa niyang kumalma. Ang tingin naman nina Alishabeth at Madison ay napunta kay Koeli, may namumuong luha sa kanyang mga mata, malapit nang tumilo at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin upang makapagpaliwanag.

"Ano namang sikreto 'yan?" tanong ni Madison habang nakakunot ang noo. Hindi pa rin naniniwala sa mga sinasabi ni Rei.

Lumayo si Rei sa kanila at naglakad papunta sa harapan ng maraming tao. Doon siya tumayo habang hawak-hawak ang mic na dinampot niya mula sa mesa. Doon ay nakikita siya ng lahat, nakatitig sa kanya at inaabangan ang ipapaalam niya at kung ano ang nasaksihan niya. Pati ang mga kamag-anak niya ay nagtataka na sa puntong iyon.

"Wala akong ginagawa..." bulong ni Koeli kay Alishabeth habang napapayakap na lang sa sobrang hiya niya.

"Ano kaya ang nangyari?" tanong naman ni Eunice kay Sabrina habang nakatitig kay Rei, nag-aantay rin ng sasabihin ni Rei.

Hindi na nagsalita pa si Sabrina. Tahimik lang niyang pinagmamasdan si Rei, he was already filled with so much rage.

"Hindi ko alam kung bakit gan'yan ka, Koeli," he started.

"Sa papel na ito, naririto ang lahat ng karumihan mo... lahat ng sikreto mong ngayon mo lang binunyag sa 'kin... sa lahat!" inis na wika ni Rei at mahigpit siyang napapahawak sa mic.

When Destiny Plays (Soon to be Published under Grenierielly Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon