Chapter 65

43 21 13
                                    

Lumipas ang madaling araw, muli na namang sisikat ang araw. A new day without seeing Alishabeth and Sabrina. Wala pa ring nakalap na balita ang mga kapulisan ukol sa insidenteng iyon ngunit sa araw na ito, nananalangin silang lahat na sana ay mayroon na.

They all gathered in the Ly's house. Naroroon ang mga kaibigan nina Alishabeth at Sabrina, ang lolo't lola ni Sabrina at ang mga magulang ni Alishabeth. Lahat ay nakabantay at nag-aantay ng tawag mula sa kapulisan.

"Kahit kailan talaga napakatagal ng serbisyo ng mga 'to..." Alishabeth's dad started to be disappointed as he let out a long sigh.

"Tito—tito Yongi... pasensya po..." malungkot na sabi ni Glenn habang nakayuko.

"Wala akong... nagawa no'ng a-araw na 'yon." Napalunok na lang si Glenn sa sobrang kahihiyan niya.

Ang nanay naman ni Alishabeth ay hindi na natigil sa kahihikbi, namumula ang mga mata nito at may hawak-hawak na tissue kung sakali mang muling bumuhos ang luha niya. Ang mga kapatid naman ni Alishabeth ay tahimik lang din sa isang tabi ngunit halatang malungkot din dahil sa pagkawala ng ate nila.

"Hindi mo 'yon kasalanan, hijo..." Alishabeth's father answered.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo." Umupo ito sa tabi ni Glenn at umakbay sa kanya.

"Sabrina? W-where is... Sabrina? Are w-we gonna... find my... granddaughter?" tanong naman ng lolo ni Sabrina na halata rin ang panghihina.

Hindi na rin ito gaanong nakakapagsalita dahil matanda na. Paul sat down beside Sabrina's grandfather and started stroking his back gently. Naaawa rin siya sa matanda dahil mas lalo pang lumalala ang kalagayan nito nang malamaman ang mga nangyayari. Imbis na nagpapahinga na't umiiwas sa gulo at pagod, naroroon sila, nag-aalala para sa kanilang apo.

"Mahahanap po natin sila, lolo. Pray lang po," sagot naman ni Eunice.

Hindi maiwasang isipin ni Eunice ang dalawa niyang kaibigan na hanggang ngayon ay wala pa ring balita tungkol sa kanila. Especially, her best friend, Sabrina. She asked herself if they were still out there wondering or not anymore, but she wanted to stay positive. Masamang isipin ang mga bagay na hindi maganda lalo na't ang mga bagay na iyon ay maaaring mangyari.

"Water?" tanong ni Madison kay Blake ngunit tango lamang ang naging sagot nito. Mas iniintindi niya ang pakana ng dalawa niyang kaibigan.

Kanina pa sila tahimik na magkakaibigan habang ang mga nakatatanda naman sa kanila ay nag-uusap. Si Koeli at Madison naman ay abala rin sa pag-uusap ngunit hindi gaanong masabi ang nais nilang ipaalam sa isa't isa dahil nililimita nila ang mga salitang binibitawan nila.

"'Di ko na alam kung... ano'ng gagawin ko 'pag 'di natin sila nahanap," Glenn said and took a deep breath.

"Pahinga ka na muna Glenn. Kanina ka pa maraming iniisip." Koeli gave him a pat on his shoulder and smiled faintly.

"Bakit 'to nangyayari? Hindi ko aakalain na mangyayari 'to sa buong buhay ng aking apo," sabi ng lola ni Sabrina sa kanila habang nagpipigil ito sa pagluha niya.

"May awa po ang Diyos. Makakaya po natin 'to at nila Alisha. Magtiwala lang tayo—"

Bago pa man matapos ni Carmine ang sinasabi niya, dinig nilang lahat ang tunog ng telepono. Agad naman itong sinagot ng nanay ni Alishabeth na kahit papaano ay nabubuhayan na ng dugo at paunti-unting bumabalik ang kanyang pag-asa.

"Hello?"

Habang nakikinig siya sa sinabi ng pulis, napapalunok na lamang siya at nanlalaki ang mga mata niya. She covered her mouth and shook her head while the others was waiting for her to end the call and tell them the news if it would be a good or bad news, but they were hoping for the positive one.

When Destiny Plays (Soon to be Published under Grenierielly Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon