Chapter 47

52 21 18
                                    

"Kuya? Kuya Glenn!"

"Ano ba 'yon?" tanong ni Glenn habang nakapikit pa.

Nagising siya dahil sa malakas na katok ni Blake sa pinto at sa pagtawag nito sa kanya nang ilang beses sa labas ng kuwarto niya. Ayaw pa niyang tumindig dahil tinatamad pang mag-ayos at medyo inaantok pa.

"Kuya, field trip ngayon!" Nang marinig ito ni Glenn, iminulat niya ang kanyang mga mata at agad siyang umupo sa kama habang tiningnan ang orasan na nakapatong sa mesa sa tabi ng kama niya.

"5:45 am!"

"Kuya—"

"Oo! Mag-aayos na ako!" sagot niya at agad nang binuksan ang ilaw sa loob ng kuwarto niya.

"'Buti naman, kuya."

Agad namang bumalik si Blake sa kuwarto niya para tingnan kung sino na ang nakasali sa group call sa group chat nila, kasama sina Eunice, Sabrina at Tori.

"Wow, gising na pala tayong lahat," sabi ni Blake sa mga kasama niya.

"Wala pa si Koeli, kakabangon lang ata." Kita ni Blake na abala si Carmine sa pag-aayos ng gamit niya, kaya hinayaan niya na muna silang lahat habang siya rin ay nag-aayos na.

***

"Nandito na ba lahat ng kailangan mo, anak?" tanong ng nanay ni Alishabeth sa kanya habang tinitingnan ang laman ng bag niya.

"Opo, mama. Naayos ko na po lahat 'yan."

"Gusto mo bang magbaon ng kanin? Ipinagluto kita ng almusal e." Napatigil si Alishabeth sa pagkilos at nag-isip.

She doesn't like wasting her mom's effort for her. So, she quickly nodded then her mom immediately went sdownstairs to prepare her breakfast in case she would get hungry on their trip.

"Ano'ng oras ulit tayo makakasakay?" tanong ni Eunice sa kanila.

"Sabi nila 7:00 daw," sagot ni Tori.

"Tinatamad pa akong umalis ng bahay e..." reklamo ni Koeli habang nagkakamot ng ulo.

Nang tingnan ni Alishabeth ang screen ng laptop niya, si Koeli ang unang napansin niya habang nakaupo ito sa kama at nag-aayos ng mga gamit. Doble-doble pa ang suot na jacket dahil nilalamig.

"Oh, come on. Promise, sisigaw ka talaga mamaya," biro naman ni Alishabeth sabay tawa.

"Anchor's away tayo, guys!"

Alishabeth gulped as her eyes widened after hearing Madison's suggestion. She tried to ride it before, and she remembered her horrific scream when she was riding anchor's away. That was two years ago, but she still couldn't move on from that experience. She was very afraid, but enjoyed it at the same time.

"Unang sumigaw, magsusuka. Sinusumpa ko," sabi naman ni Paul at itinaas pa ang kanang kamay niya.

"Sana ikaw 'yon, sinusumpa ko," biro din ni Koeli.

Nang tingnan ni Rei ang mga kasama niya sa group call, napansin niyang may kulang sa kanila. "O? Nasaan si Glenn?"

"Oo nga, nasaan si Glenn?" sunod namang tanong ni Sabrina.

Saglit na napatigil si Alishabeth sa pag-aayos nang marinig niyang magsalita si Sabrina at hinahanap si Glenn.

"Naliligo na siya, nagpuyat kasi 'yon kagabi e. Naglaro pa ng among us..."

Dinig nila ang malakas na tawa ni Paul nang marinig niya ang sinabi ni Blake. "Hina naman no'n, kalaro ko lang siya kagabi e—"

"Anak ng sanggol kayo ah, naglalaro pa kayo tapos kinabukasan field trip na?" tanong ni Carmine habang nakakunot ang noo.

When Destiny Plays (Soon to be Published under Grenierielly Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon