Jasmine's POV.
*Princess Jassy .... Gising Naaaaaaaaaa!!!!!!*Alarm clock ko yan...Ganda no hahahahaha ..
4o'clock pa lang ng madaling araw pina alarm ko na yan gusto ko kasing mag jogging ngayon.
Pumunta nakong CR at kahit na sobrang lamig ng tubig ee naligo na ako.Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako at lumabas na ng bahay.
Nag paikot ikot lang ako sa subdivision namin,nung mapagod nako ay pumunta ako sa Park na mlapit lang din sa bahay.
Naupo ako dun sa may puno at isinandal ko ang aking ulo.
Kanina ko pa nararamdaman na may sumusunod sakin pero di ko na lng iyon pinansin imbes ay kinuha ko na lng ang aking cellphone at nilagay ang earphone sa aking tenga.Pagkatapos ay pumikit nako.
Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong tumabi sa kin.Di muna ako dumilat imbes ay nakinig ako sa kanila.
"Dalian mo nga ang pagkuha dyan baka magising itong Syota ko!" Kingina yan sinong syota nitong balogang ito.
Kahit gustong gusto ko ng dumilat ay pinigilan ko ang sarili ko.
"Isa pa Tol.Taena ang ganda ng Syota mo.Chixx!"Narinig ko pang sabi nung di ko kilala kasi nga nka pikit ako.
"Ito ayos na ba?"rinig kong sabi ng tumabi sakin.
"Syota mo ba tlaga yan?Ba't ayaw mong akbayan?
"Ee baka magising ee!"
"Walaaaaa akabayan mo na!!"
Naramdaman kong inakbayan ako nung tumabi sa kin kaya minulat ko na ang mga mata ko.Pag kamulat ko nakita ko pang nanlaki yung mata ng kumukuha ng litrato sa kin.
"O tol-----Araaaayyyyyy!!!" Di ko na pinatapos yung sasabihin nung nakaakbay sakin at agad kong pinilipit ang kamay nya tsaka ako tumayo at pwersahan ko ring pinatayo yung lalaking nkaakbay sa kin.
Dahil sa nakatulala pa rin yung lalaking may kumukuha ng litrato ee sinipa ko yung cellphone na hawak nya pataas agad na sinalo iyon.
Nakita ko pa yung sarili ko dun at itong lalaking hawak hawak ko parin hanggang ngayon.
"Alam nyo bang masama akong gisingin?" mahinahong sabi ko sa kanila"At alam nyo bang may bayad pag kinukuhanan ako ng litrato?"
"So-sorry po"sabi nung lalaking hawak hawak ko.
"Sorry din po kala ko po kasi syota ka nitong lalaking to"sabi nung lalaking nakatulala kanina sabay turo sa lalaking hawak ko.
At dahil sa mabait ako papatawarin ko ang mga ito pero sisiguraduhin kong hindi na magagamit ang cellphone nato.
"Ok apolozy accepted.But wait tulad ng sabi ko may bayad pag kinukuhanan ako ng litrato.Pero sa tingin ko wala kayong pambayad.Kaya akin na lang tong cellphone mo!" Pagkasabi ko nun binitawan ko na yung lalaking hawak ko at naglakad.Nakakatatlong hakbang palng ako ng pigilan ako ng lalaking hawak ko kanina.
"Miss may pambayad naman ko kahit magkano pa yun.Wag lang yang cellphone ko importante yan----" di nya na natapos ang sasabihin nya ng biglang mag ring ang cellphone nya na hawak ko.
Tinignan ko ang cellphone nya na walang tigil sa kaka ring at kabog ang ringtone Bang Bang ni Jessie J.
37-24-37 yung tumatawag walang pangalan i think sukat yun ng katawan ng isang babae hahaha.Play boy pala itong isang to.
"Miss akin na yan please"-pagmamakaawa nya.
"Ay naalala ko madami na pala akong gadgets kaya hindi ko na kailangan to"sabi ko sabay bato nung cellphone sa may pond na malapit lang sa kinatatayuan namin ignoring what he said.
Sumigaw pa sya nung tinapon ko yun.Naglakad nako pagkatapos nun narinig ko pang nagsisisigaw pa sya.
"Taena kang babae ka pag nakita kita uli taena mo talaga!!!!Bwisit ka!!!" Yan palagi nyang sinisigaw at naririnig ko pang inaawat sya nung kasama nya na parang natatawa pa.
Umuwi na lang ako sa bahay.Pagkadating ko sa bahay wala ng tao tinignan ko yung cellphone ko at...
"Sh*t"Quarter to 7 na nakaisang oras ako ng tulog dun sa may puno?
Kaya nag madali akong magbihis tsaka bumaba kumuha na lang ako ng dalawang sandwich at inilagay sa bag..
Pumunta agad ako sa motor ko ayko mag kotse matatraffic lang ako.
Dahil sa MASWERTE ako!!!!!Natraffic pa din ako!!
Pagdating ko school pinark ko agad ang motor ko.Pagtingin ko sa relo ko napamura na lang ako 20 minutes late na ko kaya nagmamadaling tinahak ko ang building nmin.
Pagdating ko sa tapat ng room namin antahimik ngayon ko lang naalala na yung terror pala nming teacher ang magtuturo sa min.
Binuksan ko na yung pinto at as expected.
"Your 25 minutes late Ms.Park!"sigaw ng teacher namin sakin pero kahit sinisigawan ako nyan gusto ko yang maging teacher kasi kahit alam nyang anak kami ng may-ari nitong school ee wala syang pakialam pag nasa harap sya ng maraming estudyante pero pag kami kami lang nagsosorry agad sya.
Kilalala na rin kami ng mga teacher dito nung sinabi ni papa na yung first subject teacher lang nmin ang nakakakilala sa min ay hindi totoo lahat ng teachers kilala na kmi ng hindi namin alam.
"Aa,Sorry po mam"napakamot pako sa ulo ko pero way lang yun para tumingin at kindtan si Jaime at Jovie na kanina ko pa nararamdaman ang mga tingin na tagusan hanggang buto.Alam ko na nmn kung bakit sila ganyan.
"Ok you may sit now!"umupo na agad ako sa upuan ko.Tinignan ko yung dlawa pero nasa harap lang sila nka tingin hahaha ayaw nila akong pansinin sorry sila pero mas mataas ang pride ko.
Naramdaman kong sinipa ni Charlie yung upuan ko kaya humrap ako sa kanila.Tiningnan ko si Jobim at kinindatan ako.Si Maverick naman nginitian ako.At to my surprise nginitian ako ni Charlie anung nkain nito?pakiramdam ko uminit yung buong katawan ko kaya tumalikod nako sakanila.Napamura na lng ako.Ba't ba kasi ako nagkakaganito.
BINABASA MO ANG
Like A Fire
ActionAnnyeonghaseyo po sa inyo lahat.. This is my first time na gumawa po ng story na di ko alm kung mgugusthan nyo.Pero sana po ay magustuhan nyo. Ang story po na ito ay dedicated po sa lahat ng mga Kaibigan,crushes at sa pamilya ko. Yan lamang po,sana...