LikeAFire<3:Chapter 28

18 1 0
                                    

Jasmine's POV.
    "Haaaaaaayyyyyy" nakakailang buntong hininga na ako kakaantay doon sa dalawa kanina pako dito sa office ko sa school maaga pa at ngayon nagkaklase na,kami na lang ang hindi pumapasok.

Takte yan mag tatatlong oras nako dito 5 am pa lang andito nako ee sa di ako makatulog kainis talaga umaatake na naman kasi yung sakit ko...

   Yung di maka tulog?Insomia ba yun?basta yun na yun....

.

.

.

.

.

Nag-antay pko ng ilang minuto at 30 minutes lang nag vibrate ang cellphone ko.

   Agad agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang nagtxt and shoot si Jaime.

From:Jaime

  Jassy pnta ka d2 park blsan mo aa.Naiinp nko knina pkmi d2!!!Asn kba?

Napaisip ako bigla di naman ganto mag txt si Jaime ee.Jejemon kaya mag txt yun.

Diko na lang pinansin baka nag matured na pagdating sa txt,at agad na lng na nag reply.

To:Jaime.
    Ee anu pangsilbi ng pagkikita natin dito sa office kung andyan pala kayo?!!Mga tanga kayo ang pumunta dito naiinip nako aa!!!!

Mga Ten minutes pa akong nag antay pero di na nagreply si Jaime.

  Biglang nag ring ang phone ko kaya agad kong sinagot  ito nung makita kung sino ang tumtawag.

"Hoy Jaime anu-----!!"di ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang magsalita ang nasa kabilang linya...Bigla akong naginig.Malapit na malapit ng malaglag ang phone.

"Pumunta ka dito sa park ikaw lang wag kang magsasama ng kung sino hawak namin ang dalawa mong kaibigan.Kung wala ka pa within 6 minutes.Goodbye."

  Pagkatapos nun ay pinatay na agad ng nasa kabilang linya ang tawag..

   Ilang minuto pa bago ko  naalala kung kaninong boses yun.Hindi kay Jaime kundi kay.....

"Sh*t"Inayos ko agad ang P.E'ng suot ko at pinulot ang cellphone ko na nalaglag dahil bglang  nanginig ang kamay ko ng marinig ang boses  ng lalaking sumagot.

    Umalis na agad ako sa office at kumaripas ng takbo.

  Nagagalit na nga sakin ang mga estudyanteng nababangga ko pero wala akong pakialam.

   Takbo lang ako ng takbo nung malapit na ko sa gate bigla naman akong natumba dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga ko takte yan sakit ng pwet ko..

    Inangat ko ang ulo ko para makita ang lapastangang bumangga sa kin.

    Pagkaangat ko isang napakagwapo at napakasarap ihampas ang mukha sa pader na nakangiti pa na si CHARLIE at ang dalawang damulag sa likod nya!!!!Tengene wala akong panahon sa kanila ngayon tumayo ako kaagad at aalis na sana ng bigla nyang hawakan ang braso ko.Tumingin ako sa kanya ng matalim nagulat sya pero agad naman itong ngumiti.

   "San ka pupunta?"nakangisi nyang tanong.

 

"Bitawan mo ko may pupuntahan ako"mahinahon kung sabi pero nagpipigil na tlga ako tatlong minuto.....tatlong minuto na lang ang natitira.

"San ka nga pupunta?"sabay taas baba pa ng kilay nya.Halatang iniinis ako.

"Sabi ng bitawan mo ko ee"pilit kong hinahatak ang braso ko pero humihigpit lang ang pagkakahawak nya..Sinamaan ko pa sya lalo ng tingin pero mukhang nag eenjoy sya tengene yan!!!! Alam ko pulang pula nako di dahil sa mga ngiti at kinikilig sa kanya,kundi sa inis. Nararamdaman ko na ang aurang bumabalot sa kin.

  Di nako makakapagpigil dito pag may nangyaring masama kala Jaime wala akong ibang sisisihin kundi sya lang.

"San ka nga ka----"di ko na sya pinatpos wala nakong oras dalawang minuto na lng.

"Pwede ba CHARLIE!!!!Bitawan mo nako sinabi ko namang may pupuntahan ako diba?!!!!At importante yun!!!!Kaya please lang bitawan mo nako!!!!"Sigaw ko sa kanya nagulat pa sya sa pagsigaw ko pati sila Maverick sa likod nya dahil napasinghap pa ang mga ito.

   Naiiyak nako pero kailangan kong pigilan di nila pwedeng makitang umiiyak ako.

  Nag-aalala ako kala Jaime takteng yan wag naman sanang may mangyaring masama sa kanila.

  "Hyung bitawan mo na"-Maverick habang nakahawak na sa balikat ni Charlie.

   Lumuluwag naman ang pagkakahawak nya sa braso ko.

   Tiningnan ko ang relo ko at isang minuto na lang kaya agad akong napamura ng malakas kaya napasinghap na naman sila at kahit di pa nya natanggal ang pagkakahawak sa braso ko ay hinablot ko na agad ito at nag madali sa motor ko at agad pinaharurot wala akong paki kong gaano kabilis ang pagpapatakbo ko ang mahalaga maabutan ko sila dun.

    Pagkadating ko sa park agad kong hinanap sila Jaime pero wala.....wala akong makita maski gamit man lang nila--------

    Naputol ang pag-iisip isip ko ng biglang may humampas sa likod ko and everything went black...

.

.

.

.

.
Charlie's POV.
   Hanggang ngayon andito pa rin kami sa may gate ng school.Mag tw-twenty minutes na mula nung tumakbo na si Jassy.

    Di ko alam kung bakit di ako nagalit sa kanya nung sinigawan nya ko.

   Nung tumayo sya at hinawakan ko sya sa braso nakaramdam ako ng takot dahil sa aurang nilalabas nya...kakaiba......kakaiba yung aura nya kanina at nung tignan ko sya sa mga mata nya,Inis,galit at ang hindi ko maintindhan bakit sya nag-aalala?

  Oo nkangiti ako kanina pero sa kalob looban ko natatakot ako sa kanya.Hindi sa bakla ako pero yun yung nararamdaman ko nakakatakot sya first time kung maramdaman yun.

"Hyu-hyung laway mo tumutulo na oh"-Jobim sabay turo sa may bibig ko agad kong tinakpan ito baka nga meron pero.......

"YOSH!!!Effective"-Jobim sabay apir pa sila ni Maverick...

"What the f*ck?"kunot noong sabi ko.

"Tss.Kanina pa kami daldal ng daldal ee nasa Pluto pala ang kinakausap namin nagmukha kaming baliw"-Maverick

"Mga T*ng* matagal na kayong baliw aiissshhh*sabunot sa sarili*mga bwisit!!"sabay walkout ako magpapahangin muna ako.aisshhh...

.

.

.

.

.
Jamie's POV.

     Mga bwisit na mga unggoy to ang jujunget takte....

     Bigla ba naman kaming kidnapin kainis waaa si-----

   Bago ko pa maituloy ang sasabihin ko si Jovie na ang tumuloy tss..kainis epal.

"Waaaaa....Si Jassy baka galit na yun!!!!Hoy bwisit na pangit na mga unggoy.Pakawalan nyo kami dito!!!!"-Jovie sabay nagpapadyak pa at pilit na tinatanggal ang kadena na nakatali sa kamay nya.

  Oo takte nakakadena kami pati mga paa namin.Pero kung inaakala nyong nasa sahig kami o nasa isang stool na upuan pwes hindi andito kami nakaupo sa isang SOFA!!Oo SOFA sosyal ng nagpakidnap samin at kung iniisip nyo rin kung nasa abandonadog bahay o warehouse kami pwes hindi rin dahil mansyon ang pinagdalhan para samin at andito pa kami sa sala.. p*t* ang yaman yaman kailangan pang mangidnap kainis...

   Biglang tumigil si Jovie sa kakasigaw sa mga unggoy na walang pakialam sa kanya at pareho kaming napatingin sa taong pumasok sa loob malamang

-___-

  At nung pagkakita namin sa kung sino ang pumasok...

O.O ganyan itsura nmin ni Jovie ng makita ang pumasok at ang buhat buhat nito.

"JASSY/REY!!!!!"Jovie/ako.

Like A FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon