THAMARIE POV
Kakatapos ko lang ilagay lahat ng gamit sa luggage ko a, binaling ko ang atensyon sa asawa na nakatalikod, pumikit ako upang pigilan ang luha, hindi ko lang kasi matanggap na itinago niya lahat sa akin, I would be happy kung sinabi niya dahil hindi ko naman ito dadamayin sa galit ko sa ina niya, pero he choose to keep it at ginawa akong tanga.
"aalis na ako, take your breakfast, visit me after 1 month" huling paalam ko sa kanya at hinila ang luggage papalabas, pero bago ko sinara ang pinto nilingun ko muna siya and he still lay in bed na parang hindi ako nadinig. I closed the door, tinulungan naman ako ni devonne sa gamit ko.
"Are you sure about this?" tanong niya sa akin, "I already decide devonne, we both need time to think" tugon ko rito
"But leaving him is not an answer, pwede naman pag-usapan diba?" malungkot na tanong nito sa akin. Humarap ako sa kanya at inipit ang ilang hibla ng buhok sa tenga nito
"porket aalis ako hindi naman ibig sabihin na hindi na ako babalik, I just want to give ourselves a chance a rest, I love your kuya devonne and nothing change to that. Im expecting you after a month" I hugged her bago ito talikuran,.
Bago ako pumasok sa sasakyan nilingun ko muna ang veranda ng kwarto naming at gulat na nakatayo ang asawa habang titig na titig sa akin, isang ngiti ang ginawad ko bago ako pumasok. Nakasilip ako sa bintana ng sasakyan at pilit tinatanaw ang asawa, nakatayo pa din ito habang nagpupunas sa mata, umayos ako ng upo at napatitig kang dark na seryusong nagmamaneho ng sasakyan.
"Pwede ko pang ibalik ang sasakyan kung gusto mo" saad nito "No, just drive" utos ko sa kanya at patagong pinunasan ang luha sa pisngi ko, habang papalayo kami mas lalong bumibigat ang dibdib ko.
"Alam naman na masasaktan kayu pareho pero bakit kailangan mong lumayo? "malamig na boses na tanong niya, titiig na titig lamang ako sa kanya
"Do you even fall in love?" tanong ko rito, mapait itong ngumiti at tango
"I am, ginawa ko siyang mundo dahil ganun ko siya kamahal, but I need to hurt for her safety tulad din ng ginawa ni reinver, hindi niya sinabi sayo dahil ayaw ka niyang masaktan, pinaglalaban ka niya thamarie, pero hindi mo nakikita yun sana sa desisyon na paglayo mo ma realize mo ang bagay nayun, because I regret leaving her just to protect her" seryusong saad nito
"Pero bakit mo siya sasaktan kung mahal mo siya?" tanong ko muli sa kanya, ngumisi ito
"Pareho kami ng pinagdadaaanan ni reinver, I need to leave her para hindi siya ma trace ni lolo, dahil kapag nalaman ng matandang yun hindi ito magdadalawang isip na saktan niya ang babaeng mahal ko, I understand reinver, dahil alam niyang masasaktan ka niya and seeing our girl na umiiyak at nasasaktan unti-unti kaming pinapatay ng luha at hagulhul ninyo" natahimik ako sa sinabi niya, dahil tama ito. Tumahimik na lamang ako habang nakasilip sa labas hanggang makarating sa airport.
"Take care tham" paalam niya sa akin, tumango ako hinatid ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa paningin ko, bumuntong hininga ako at pumasok sa loob. Makalipas ng ilang oras nakalipad na ang eroplanong sinasakyan namin, napapikit ako ng sumipa ang baby sa tiyan ko, kanina pa sila napakagalaw parang ayaw umalis pero gusto ko, gusto ko munang mag-isip.
THIRD PERSON POV
"ikaw na bahala kung paano mo kukunin ang sanggol siguraduhin mong hindi ka makikilala" isang malutong na mura ang natanggap ng binata sa kausap niyang dalaga at inunahan siya patayan ng tawag.
Ngisi naman niyang inilapag ito sa mesa at kinuha ang baso na may laman na alak at lumapit sa glass window tanaw and kabubuan ng metro manila. Hindi mawala ang ngisi ng binata dahil sa nabalitaan niya tungkol sa pag-aaway ng pagitan ng lolo at pinsan niya."Ano kaya mararamdaman ng asawa mo reinver kapag nalaman niyang peke ang kasal ninyo" nasa isip ng binata at inisang lagok ang laman ng baso at napapikit ng maramdaman ang mainit na likido na nararamdaman niya sa lalamunan.
"Sigurado akong magiging masaya, pero makikipaglaro na muna ako bago ko kayo pahirapan" isang malakas na tawa ang ginawa ng binata, at muling nagging blanko ang mukha."makukuha ko din ang posisyon na dapat sa akin, papatayin ko muna ang mga hadlang" demonyong saad niya sa sariling isip.
Thamarie POV
Nakatayo ako sa harap ng gate ng bahay habang nakatanaw sa malaking bahay ng ama, humugot muna ako ng malalim na hininga at nag doorbell, napangiti ako ng si manang edna ang lumabas, kaagad niya akong pinagbuksan ng pinto habang sobrang sayang sinisigaw ang pangalan ko. Tinulungan niya ako sa gamit at inilalayan papasok dahil daw buntis ako.
"Sir, si maam tham" anunsyo ni manang bago kami iwan, nakita ko ang ama nan aka-upo sa wheel chair habang nakatitig sa akin, may luha sa mga mata nito habang titig na titig sa tiyan ko, ako na mismo ang lumapit at niyakap ang ama habang umiiyak.
"Dad" parang batang iyak ko, "Shhhh.. everything will be okay, daddy is here" tugon niya habang hinahagud ang likuran ko, tumango ako habang umiiyak pa din
"Tama na ang iyak tham? Buntis ka" paalala ni dad sa akin, pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at umayoos ng tayo
"Hi iha,"bati sa akin ng asawa ni dad, ngumiti ako sa kanya at niyakap ito
"Hi po tita" bati ko sa kanya "Kumain kana ba? After tawagan kami ni reinver kaagad akong nag plano na lutuan ka pagdating mo" may pag-aalala na saad nito
"Im hungry nga po, kaunti lang po kasi kinain ko dahil kaagad akong dumeretso dito paglabas ko ng airport " explane ko
"Thats perfect, pinagluto kita" hinila niya ako papunta sa kusina at pina-upo at pinaghain ako, ngayon lang kami ganito dahil ng dumating siya sa buhay namin ni dad, Ive never talk to her hindi dahil ayaw ko sa kanya, dahil ayaw kung mapalitan si mama. After I ate, nagpaalam na ako para magpahinga dahil kagabi pa ako walang tulog baka mapano ang mga anak ko.
YOU ARE READING
Sold to Mr. Reinver Ashton Montero (COMPLETED) |PUBLISHED UNDER RM
Storie d'amoreThamarie Dawson a spoiled brat, and obsessed woman who were in love to a married man calyx. Her life was changed when his dad sold her to Reinver Ashton Montero a cost of 50 million , a dashing business tycoon that falls in love with her, sumama...