Death cannot separate us apart. Come here at my grave, my love. Simula nang umalis si Risk patungong Germany, tanging komunikasyon na lamang nila ni Anna ay through text messages. Araw araw ay naguusap ang dalawa kahit hindi nagkikita. Simula din iyon nang misteryosong kaganapan sa buhay ni Anna; ang pagkamatay ng mga mahal niya sa buhay, ang palaging pagaaway nilang magkasintahan, ang pagkakaroon niya ng sugat sa di malamang dahilan, at ang pagpaparamdam ng itim na lalaki na tila sinusundan siya kahit saan siya magpunta. Habang tumatagal at dala ng kuryosidad ay marami siyang natutuklasan tungkol sa lalaking itim at sa lalaking minamahal niya na si Risk. Paano kung ang lalaking lagi niyang kausap ay hindi pala ang inaakala niyang kasintahan niya? Paano kung matagal na palang patay si Risk? Sigurado ka bang kilalang kilala mo ang lalaking iniibig mo? Who is Risk? Noobitah © 2018