Welcome to my world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely Fictional Writer of Purely Fictional Stories. Hi guys, I'm Naya. Of course I'm a blogger. Ang Mama ko ay isang hamak na taga silbi lang sa isang mayamang angkan. Ang angkan ng mga Recuerda at El Farma. Pero kahit hampas lupa lang ako ay sa Manila ako nag-aral. Iniyakan ko si Mama na gusto ko doon mag-aral para naman matulad ako sa mga anak na Recuerda. Kaya ayon, pinag-aral ako ng mga Amo ni Mama na sina Senyorita Kammee at Engineer Xan. Mabuti nalang at sobrang bait nila sa amin kaya hindi halatang poor ako. Oo, social climber talaga ako sa school. Ayaw ko kase magpa behind. Kaya go na kahit butas ang bulsa. So ito na nga fast forward. After ko mag graduate ay ayaw ko muna magtrabaho dahil gusto kong magpahinga at halos buong buhay ko ay nasa pag-aaral lang ako nakatutok. I need a new invironment. So diba nga ay uso ang blogging. Since na mukhang pera naman ako ay kinarer ko 'to over my diploma. Marami kase akong napapanood na blogger at naiinggit ako kase marami silang mga branded at signature items. So gusto ko rin ang mga iyon. Hanggang sa maka-encounter ko ang pakialamero na si Justin Valderama. Sobrang nakakainis sya! Promise! You know what guys? Sinisira nya ang diskarte ko! Kase baka takot sya na yumaman ako at mahihigitan sya. Insulto nga naman iyon sa kanya since na mini-minos nya ang pagiging blogger ko. Sayang, gwapo pa naman pero nakaka-turn off. Feelingero, Pakialamero at siguro...siguro, crush nya ako at ayaw nya lang aminin at dinadaan lang ako sa pang-iinis? Ewww! Nakakapanindig ng balahibo. Kahit sya nalang ang lalaki sa mundo ay hindi ko sya papatusin. Pero pwede naman. Perahan ko lang sya pag nagkakagipitan talaga. Mukha naman syang uto-uto e. So bye muna guys. Please, follow, share and subscribe para updated kayo sa mga susunod na walang kwentang video na i-a-upload ko. Bye guys! 💚 Mahal ko kayo, fighting 😘