"Pass the questionnaire to the front." Nang maipasa na ang lahat sinunod naman ang answer sheet. Medyo natagalan sila sa pagsagot sa subject ni Ma'am Rosal na Business Math. Nag-unahan naman sa paglabas ang iba nilang kaklase nang sabihin ng kanilang guro na pwede ng mag snack.
"Wala ata ang sundo mo."
"Baka hindi pa tapos." Sinukbit niya ang kanyang bag.
"Sabagay." Lumabas na sila ng room. Nag vibrate ang phone ni Nieve ng paulit-ulit.
Araw ko is calling...
"Araw ko pala," kantyaw ni Dame sa kanya at bahagyang sinundot sundot ang tagiliran niya. Pinandilatan niya naman ito at sinagot ang tawag. "Hello."
📱:"Hi, Buwan. Sa canteen na lang tayo magkita. Katatapos pa lang kasi namin at alam kong pababa na rin kayo."
"Hahaha..sige, papunta na rin kami sa canteen."
📱:"Sige, bye."
Tumungo na sila papunta sa canteen. Nakita nilang may pagkain na sa mesa. "Welm ilan lahat sa'kin?" tanong ni Dame.
"Libre." Napatingin silang dalawa kay Brylian dahil sa gulat. Hindi sila nakaupo ng tuluyan. "Sigurado ka?" Tumango ito bilang sagot. "May nangyari ba sayo na maganda kaya libre 'to?"
Umupo na silang dalawa. Tinignan niya si Kelvies ang mga mata niya ay nagtatanong. Nagkibit balikat lang ito at saka ngumiti. "Kain na baka magbago pa ang isip ng isang yan."
Tahimik lang sila kumakain. Napansin ni Brylian sa hindi nag-iingay sina Hellix at Dame.
'Nakakapanibago' anang isip ni Brylian.
Nagpatuloy na lang siyang kumain. "May namatayan ba?" Lahat sila napatingin Kay Kelvies. "K-Kasi ang tatahimik niyo." Sinulyapan pa nito sina Dame at Hellix.
"Kapag nag-iingay nagrereklamo at kapag tahimik reklamo pa rin."
"Oo nga," pagsang-ayon ni Hellix kay Dame. Umirap naman si Dame. "Nag-away na naman kayo?"tanong ni Brylian sa kanila.
"Hindi," sagot ni Dame.
"Ewan," sagot naman ni Hellix.
"Ewan, Llix?"
Hindi alam ni Hellix kung ano ang sasabihin niya. Hindi niya naman alam kung ano ba ang dahilan kung bakit ang sungit-sungit ni Dame sa kanya ngayon. Hindi rin ito nag-rereply sa mga text niya."K-Kasi...hindi ko alam kung bakit siya nagkaka-ganyan," nakatungong sabi niya.
"Manhid ka talaga. Bwiset."
"Paano ako naging manhid?" Hindi siya pinansin ni Dame nagtuloy-tuloy lang itong kumain.
"It's not a plant but has many page,it teaches you a well of knowledge." Nagpaulit-ulit sa isip ni Hellix ang sinabi ni Brylian. Naiintindihan niya ito.
'Hindi ko naman kasi alam kung seryoso siya sa sinabi niya na gusto niya ko. Hindi rin ako makapaniwala na ang sang tulad niya ay magugustuhan ang isang tulad ko.' anang isip ni Hellix.
"Book. Answer is book." Napatingin ang apat kay Nieve kahit si Dame ay natigil sa pagsubo. Nakatuon lang ang paningin ni Nieve kay Brylian na nakasandal sa backrest ng upuan nito. Habang nakakrus ang mga kamay nito at nakatingin rin sa kanya.
"Riddle pala yon," bulong ni Dame pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Hellix. Gusto niya itong barahin kaso mad lalo pa itong magagalit sa kanya. "Ikaw na ang magbibigay ng riddle Nieve." Ngumiti naman si Nieve at tumango.
"When he was young, he was harder, when he got older, he become tender."
Nabilaukan naman sina Hellix at Kelvies. "Tubig." Inabutan naman ito ni Dame nagkatinginan pa silang dalawa pero nag-iwas ng tingin si Dame. "Ikaw kailangan mo din ng tubig?" masungit na tanong ni Nieve kay Kelvies.
BINABASA MO ANG
"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under Revision
JugendliteraturABM X STEM When a Senior High Student get into a 'fake relationship' will there be a real feelings? Nieve Luna Ravana is a grade 11, ABM student. She is no boyfriend since birth. But what if one day, her status 'single' will turn into a 'in a relati...