Lodge Fifteen: Meet the Ravana's Family

59 12 0
                                    


Nakaupo lahat sila habang nakikinig sa seremonya ng pari.Nasa puntod sila ngayon ng kanyang ama.Nagsipuntahan rin ang mga kaibigan at ka trabaho ng kanyang ama nung nabubuhay pa ito.Ang ibang relatives ng kanyang ama ay nagpaiwan sa bahay nila para mamahala at sasalubong sa mga bisita na dederetso na lang sa bahay nila.

Quarter to nine dumating sila Kelvies sa bahay nila Nieve.Hindi nila alam na sa sementeryo ang misa kaya dito sila dumeretso.Natagalan din sila sa kaiisip kung ano ang dadalhin pero sa huli ang mga sarili lang ang dala nila.

Nasa may sala silang tatlo.Hindi sila dumeretso sa may pool area kung saan doon lahat ng bisita ay nandoon.May hawak na cell phone so Hellix at ka-text nito si Dame.Si Brylian naman ay sinusuyod ng tingin ang buong kabuuan ng sala.

"Nasa cemetery daw sila.Doon ginanap yung misa,"ani Hellix.Hindi umimik ang dalawa.

'Wala man lang sila reaksyon.Nasa cemetery yung mga babae nila.Bahala sila basta ka text ko siya,' anang isip ni Hellix.

Nagsimulang magtipa si Kelvies sa kanyang cell phone.

To Buwan:Buwan we're here.Pauwi na ba kayo?

Naghintay siya ng ilang segundo pero wala parin siyang natanggap na reply.

'Hindi pa siguro tapos.'

To Buwan:I miss you.

"Hell tanungin mo nga si Dame kung tapos na at sabihan si Buwan na nag text ako." Inangat ni Hellix ang kanyang ulo para magkasalubong ang mga mata nila at ang loko tinaasan siya ng kilay.

'Magdusa ka! Hindi niyo ko pinansin kanina,' anang isip ni Hellix.

Binalik ulit ni Hellix ang paningin niya sa kanyang cell phone.Hindi niya rin natiis sinunod niya parin ang utos ni Kelvies.

"Welm gutom na ba yan nagagawa niya na akong taasan ng kilay,"pagsusumbong niya. "Don't mind him."

'Ang sama talaga sa'kin ni Welm my man pero lab ko parin yan,' anang isip ni Hellix.

Nag vibrate ang cell phone niya Kelvies.

Buwan ko:Pasensya na kung hindi ko agad napansin.Sorry din kung nakalimutan kong sabihin na dito sa cemetery gaganapin yung misa.

Buwan ko:Pauwi na kami.Magkasama pa lang tayo nung sabado pero namiss din kita konti✌😁🤣

Napanguso siya sa ikalawang text nito.

'Namiss niya lang ako ng konti.'

To Buwan ko:Ok lang.Konti lang talaga?

Her replied:Demanding ngayon ang araw ko.Malapit na kami.See you☺

Napangiti na lang siya sa ginamit nitong emoji.May narinig silang dumating na sasakyan."Baka sila na yan."

Tumayo silang tatlo at si manang Aurora ay lumabas sa kusina para pagbuksan ang pinto.Ang kanilang nararamdaman na excitement at kaba ay bigla na lang nawala ng ibang mukha ng lalaki ang bumungad pagkabukas ng pinto.

"Tuloy ka hijo."May dala itong isang maleta.Naka black jacket at naka ripped jeans.Matangkad at may maipapagmamayabang na mukha. "Thank you po.Is Au here?"

Lumipat si Hellix sa kinauupuan nila Kelvies at Brylian.Nasa isang single sofa kasi siya kanina."Bakit kaya niya hinahanap si Au?"bulong na tanong nito.

"Ewan,"sagot ni Kelvies.Tahimik lang si Brylian at umupo ulit.

'Boyfriend niya ba ito? Bakit hindi nila kasama kahapon?' anang isip ni Welman.

"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon