Hinatid siya kanina ni Kelvies pauwi.Hindi siya makapaniwala na nagawa niya iyon sa harap pa talaga ng mga kaibigan nito at sa kaibigan niya.
'Sa ilong lang naman.'
Napasabunot na lang siya sa kanyang sariling buhok.Alam niyang aasarin na naman siya bukas ni Dame.
'Kanina nga todo ang pang-asar niya sa'kin.'
"Hija,ano bang nangyayari sayo?" Napaayos siya ng upo."Kanina pa po ba kayo diyan Manang?"
"Kakalabas ko pa lang ng kusina.May problema ka ba?"
"W-Wala po,"sagot ko.Mukang kakatapos niya pa lang mag-luto para sa dinner."Inaalala mo ba kung paano sasabihin sa Mommy mo na may nobyo ka na?"
'Oo nga pala.Nawala sa isip ko.'
"G-Ganon nga po.Paano ko po sasabihin?"
"Huwag kang kabahan hindi ka naman kakainin ng Mommy mo dahil lang may pinto ka na.Basta kapag sinabi mo walang paligoy-ligoy,deretso agad para isang sermon lang." Napanguso siya dahil sa huling sinabi nito."Manang naman,e.Tinatakot niyo po ako pero salamat po." Tumayo siya at niyakap ito. "Itong batang 'to,wala yon." Kumalas siya sa pagkakayakap rito at ngumiti.
"Mukang narito na ang Mommy mo.Pagbubuksan ko lang ng gate." Pinigilan niya ito at sinabing siya na lang ang magbubukas.
"Good evening,Mom."Humalik siya sa pisngi nito ng makababa na ito sa kotse."Good evening,Snow."
"How's your work,Mom?" Pumasok sila sa loob ng bahay. "Hay,ok naman.Wala ako masyadong trabaho ngayon dahil tinapos ko na yong iba habang nasa Baguio kami ng Boss ko." Umakyat muna ang mommy niya para magbihis.
Mabait naman talaga ang boss ni Mommy.Isang beses ko pa lang siya nakita nung nasa junior high pa ako.Sinundo ako noon ni Mom sa school kasi half day lang ang loaded namin tapos ayoko pang umuwi sa bahay.Pinilit ko siya na doon na lang ako muna mag stay sa company ng boss niya.Nangako aking hindi mag-iingay.Well,pinuri ako ng boss ni Mom na maganda daw ako at nagmana kay Mommy.Pinahatiran niya rin ako ng pagkain.Ngayon hindi na masyadong malinaw ang mukha ng boss ni Mom pero kapag nagkita kami ulit siguro maaalala ko pa ang mukha niya.Binigyan niya si Mom ng rest day para daw makapag-pahinga at makapag bonding kami.Nakatanggap rin siya ng bonus nito bihira na lang ang mga ganyan.Ang sabi ni Mom may asawa at isang anak na lalaki yung boss niya.
Hinintay niyang bumaba ang kanyang ina para sabay na silang pumunta sa dining area para kumain.Dati apat silang kumakain pero ngayon tatlo na lang sila.
"How's your exam,Snow?"
"Matataas po ang nakuha kong resulta.Dala ko rin po yung mga answer sheet ko ipapakita ko po sa inyo mamaya."
"Good to hear that.Kung nandito lang ang Daddy mo siguradong matutuwa iyon." Ngumiti siya at tumango.Napatingin siya kay Manang Aurora at nginitian siya ng makahulugan bago siya sinabihan ng 'congratulation hija.'
"Thank you po,Manang." Nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ba o hindi."M-Mom."
"Hmmm."Huminto ito sa pagkain at tumingin sa kanya."May sasabihin po ako."
"Ano yon?"
"May....." Nag ring ang phone nito kaya hindi niya naituloy ang nais niyang sabihin."Sandali lang,anak.Sasagutin ko lang ito." Tango lang ang naitugon niya.Ilang minuto ang lumipas bags bumalik ang kanyang ina para hapag kainan."Ano nga yong sasabihin mo,Snow?"
"Ahm.Ano po...may...."
"May?"
"Boyfriend na po ako." Hindi niya kayang tignan ang kanyang ina sa mga mata nito."Hindi ko naman po papababayaan ang pag-aaral ko,"saad niya habang nakatingin sa sariling plato.Hindi naman ganon ka strikto ang ina niya pero kinakabahan parin siya.
BINABASA MO ANG
"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under Revision
Teen FictionABM X STEM When a Senior High Student get into a 'fake relationship' will there be a real feelings? Nieve Luna Ravana is a grade 11, ABM student. She is no boyfriend since birth. But what if one day, her status 'single' will turn into a 'in a relati...