Lodge Thirty-Two: Jeopardy

48 9 0
                                    

Ngiti muna bago magbasa^_^
Enjoy!

*****

"Sinong b*bo ang nagpaulan sa ulan?" Tinignan ni Welman mula sa rearview mirror si Kelvies. Nakaupo ito sa backseat at nakasuot ng jacket mula sa kanilang dalawa.

"Sinong b*bo ang nagpulan, sinong b*bo wag nagpaulan, sinong b*bo ang nagpaulan, e may puno naman." Kanina pa ito kinakanta ni Hellix. Ang tono ay nakuha nito sa awitin pambata na 'kung ikaw ay masaya, tumawa ka'.

"Tumpak, Welm!" Napasuntok pa ito sa hangin nang sulyapan ni Welman ulit si Kelvies. Kanina pa niya gustong tumawa dahil sinasakyan niya ang pang-aasar ni Hellix dito. Sumasakay siya ng patago. "Sinong b*bo ang-"

"Tama na, Hell. Nagmumukha kang tanga riyan," saad ni Kelvies at ang mata nito at nakapikit. "Ikaw din Welm, h'wag ka ng mahiyang sambitin ang pangalan ko. Nagmumukha kang rapist dahil sa patingin-tingin mo."

"Gising pala siya, Welm," bulong ni Hellix at parehong natawa ang dalawa.

Napabuntong-hininga na lang si Kelvies. Giniginaw pa rin siya pero nakatutulong naman ang jacket na suot niya para magbigay ng init kahit konti. Nakapatay din ang aircon sa loob ng sasakyan at lahat nakasara ang bintana ng sasakyan. Alam niyang hindi pa tapos ang klase ng dalawa pero sinundo pa rin siya. Ang kwento pa ni Hellix sa kanya ay halos paliparin na ni Welman ang sasakyan
para lang mahabol at maunahan ang sasakyan nila Zaicky. Hindi kasi agad nito nabasa ang text ng watcher nila sa labas at kahit sagutin ang tawag dahil nasa gitna sila ng klase. Bawal ang cellphone at kung sasabihin man ni Hellix na emergency call ay hindi maniniwala ito dahil sa bad record niya pagdating doon.

Nang maihatid siya nito sa bahay nila ay bumalik din agad ang mga ito sa skwelahan. Ang totoo niyan ay ayaw siya nitong iwanan mag-isa as kwarto dahil baka maabutan nila ay hindi na siya humihinga.

'Ano tingin nila sa akin suicidal person?'

Pinilit niyang maligo kahit tinatamad siya. Binilin sa kanya ni Nieve na maligo agad pagdating as bahay dahil baka magka sakit siya.

'Kahit hindi ako naulanan parang lalagnatin ako sa mga nangyayari. Damn, this life.'

Parehong nakatukod ang kanyang dalawang kamay sa dingding para maging suporta sa bigat niya. Nakayuko siya at nakapikit. Hinayaan niya lang bukas ang shower. Gusto niyang akyatin kanina ang teresa ng babae. Hindi rin nito alam kung kailan babalik sa Pilipinas. Kung iisipin maaaring apat na buwan ang ito mawawala o pwedeng higit pa kung sa araw ng recognition ito uuwi. Ngunit, may posibilidad na abutin ito ng taon kapag hindi ito inuwi ni Ruiz. Nakalimutan niya rin itanong kung kailan ang alis nito.

"Trigo."

•••

Sa pag-alis ni Kelvies ay pumasok na rin si Nieve sa loob. Sumiksik ito sa gilid ng mini sofa na nasa loob ng kanyang kwarto. Pumasok naman si manang Aurora at isinauli ang cellphone. Nagpasalamat siya sa matanda. Sabay na bumaba ang dalawa ng may marinig silang huminto na sasakyan. Lumabas si manang Aurora ma may dalang payong upang buksan ang gate. Nakaupo naman si Nieve sa single sofa. Nakataas ang dalawa paa at yakap-yakap any tuhod. Kailangan niyang umakto ng normal sa harap ng dalawang lalaki.

"Kumain na po ba ng lunch si Snow?," rinig niyang tanong mula sa kuya Zaicky niya.

"Hindi pa, hijo," sagot ni manang Aurora.

"Kuya." Tumayo siya at lumapit dito para hagkan ang pisngi nito. "Kumusta ang lakad niyo?" Binati niya naman ng 'hi' si Ruiz at tinanguan lang siya nito. "Everything's fine. Don't think about it. Let's eat first. Gutom na ko."

"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon