Naging mainit ang pagwelcome back ng mga classmate ni Nieve sa kanya. Kahit ang tres marias ay hindi siya tinarayan. Mukhang cease fire muna pero pakiramdam niya may nangyari na hindi niya alam. Kahit kasi ang ibang estudyante ay hindi na tulad noon kung makatingin. Ilang months lang naman siya nanatili sa Italy at parang nakalimutan nang lahat ang nangyari. However, she's happy because everything is back to normal. Isang bagay na lang ang hindi.
Napabuntong hininga si Nieve at hinawakan ang kaniyang labi. Pakiramdam niya naroon pa rin ang labi ng binata. Nakalapat pa rin. Hindi talaga siya makapaniwala na hinalikan siya nito. Alam niyang may ilan mga estudyante sa paligid. Sana naman ay hindi maging headline ang pangalan nilang dalawa ng binata bukas. Sa ngayon, wala pa naman siyang naririnig. Hindi niya pa iyon naikukwento kay Dame. Mabilis niyang inalis ang kamay sa kaniyang labi nang mapansin nakatingin sa kanya si Dame. Parang agila ang mga mata nito. Nginitian niya na lang ito. Umiling ito sa kanya at 'mag-uusap-tayo-mamaya' look.
Naggugupit kasi ito ng hugis na puso. May mga kasama rin ito. Hinati-hati kasi sila ng kanilang president sa mga gagawin. Siya nakasama sa grupo na magdidikit. Gamit ang glue ay ididikit nila ang ginupit na puso sa stick. Sa isang stick dapat may apat na iba't ibang sizes ng puso. Ilalagay nila ito sa paso na may lupa. Kulang pa kasi sila ng limang paso. Sa loob ng room, sa bawat kanto ay meron na. Kulay pink at red na cartolina ang gagamitin nila.
May nakasabit na rin sa kanilang kisame pero kulang pa. Sa hulihan wala pang nakalagay. Hearts na nilagay sa string tapos mga kupido. Ang mga lalaki na classmate nila ang nakatoka sa pagsabit at sa pagdrawing ng kupido. Sa pinakagitna, doon nakasabit ang babae at lalaking kupido tapos sa gitna nila ay may heart. Sa may pinto naman nila ay may nakalagay ng Happy Valentine's Day. Binili iyon ng kanilang adviser. May nakalagay din na love quotes. Doon sa isang pinto nila ay puro hugot lines ang nakalagay.
"Wala na tayong white and red na cartolina." Ang white cartolina ay ginamit sa paggawa ng kupido konti lang ang red. Lahat kasi ng puso na nakasabit sa kisame ay red. Naisip pa nila na gumawa ng parang kurtina. Hindi talaga siya totally kurtina kasi hindi tela. Iniimagine ko pa lang ay na eexcite na ako sa kalalabasan.
"Ano pa ang wala?" rinig kong tanong ni Dame. Siya ang may hawak ng pera na pinagkontribusyonan namin. Hindi naman lahat naubos kaya may pambili pa kami.
"Konti na lang ang glue natin," sabi ko.
"Yung string din kulang na 'to. Hindi na kakasya," saad ni Temy.
"Sige. Niyeb samahan mo ko bumili." Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa lapag. Nagpalpag ako at kinuha ang wallet ko sa bag. Baka magkulang na ang pera na hawak ni Dame.
"Nieve," tawag sa akin ni Pres. Lilac.
"Po?"
"Paalalahanan mo si Dame na sa area ng school supplies kayo pupunta. Hindi sa cafeteria. Bu—"
"Uy, ang sama mo sa akin. Hindi naman ako ganyan, Pres."
"Talaga lang, ha?"
"Minsan lang," sabi nito at nagpacute kay Pres. Lilac. Minsan kasi kapag may inuutos ang Pres. namin kay Dame matagal siyang makabalik. Tapos itong si Pres. naman ay pinasundan si Dame. Ayon, nakita nila sa cafeteria kumakain. May isang beses din na nagpasama siya sa akin sa cr. Nagtuturo no'n si Ma'am Rosal. Alam niyo kung saan kami dumeretso? Sa cafeteria. Gutom na raw siya.
"Alam mo Pres. may napapansin na ko, e. Crush mo ako, ano? Hay, kung naging lalaki ka lang jojowain kita," saad ni Dame. Napabungisngis kami pero deadma lang iyon kay Pres. Lilac.
"Sixto samahan mo ang dalawang 'yan. Alam kong hindi matitiis ni Nieve si Dame at sana ikaw ay hindi magpadala sa charm ni Dame." Nakita kong namula si Sixto sa sinabi ni Pres.
BINABASA MO ANG
"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under Revision
Teen FictionABM X STEM When a Senior High Student get into a 'fake relationship' will there be a real feelings? Nieve Luna Ravana is a grade 11, ABM student. She is no boyfriend since birth. But what if one day, her status 'single' will turn into a 'in a relati...