Lodge Forty-One: Dating?

40 6 0
                                    

Hindi makapaniwala si Kelvies dahil nauto na naman siya ni Abrenica. Papunta sila ngayon sa MOA. Hindi ito tumigil sa pangungulit sa kanya kahapon para pumayag sa gusto nito. Hindi siya makapaniwala na matatagalan niya ito. Well, subok na ang pasensya niya kay Hellix pa lang. Kabaliktaran ito ng pinsan niya. Kung si Welman ay tahimik ang babae naman ay madaldal. May dugong Hellix. Parang mas pinsan pa ito ni Hell pero sa pagtataray dugong Welman nga.

Simula bang magtagpo ang landas nila ay hindi na nito pinatahimik ang buhay niya. Hanggang sa nasanay na siya sa presensya ng babae. Minsan nagiging driver din siya nito. Kadalasan hindi siya makatanggi dahil si Welman ang nakikiusap sa kanya na sunduin ito sa pinuntahan ng babae. Akala niya hanggang bakasyon lang ito pero hanggang ngayon nandito pa rin sa Pilipinas. Sa kabilang banda, pasko pa lang naman ang tapos at may New Year pa. Kaya siguro hindi pa ito umaalis o baka naman may balak itong mag transfer sa school nila.

"I'm excited to our..." pambibitin nito. Sinulyapan niya ang babae at nakita niya itong nagbibilangsa kamay. Nasa front seat ito nakaupo. "...10th date."

Napailing na lang si Kelvies sa sinabi nito. Pinagpipilitan pa rin talaga nito na date ang bawat araw na magkasama sila pero hindi doon kasama ang pagtatambay nito sa bahay nila at kapag nasa bahay siya nila Welman. Minsan kapag sinusundo niya ito ay kumakain sila sa restaurant or sa sasakyan lang. Kahit ang pagsama nito sa kanya sa market ay tinuring na nitong date nila. Kahit 'yung pag celebrate ng pasko. Nakaplano na kasi ang mga magulang ng tatlo na sama-sama nilang i-ce-ceblerate ang pasko. Dahil doon nakatira kina Welman si Abrenica, kasama ito.

"Correction. It's not a date, little sis." Natawa siya sa naging reaksyon nito. Nakasimangot at masama ang tingin sa kanya. Naka-crossed arm pa.
"Don't call me 'little sis'. You're not my brother or cousin. We're not blood related. Baby na lang ang itawag mo sa akin."

Minsan niya na kami itong natawag na baby. Para sa kanya wala iyon malisya at walang ibang kahulugan. "Inaasar lang kita no'n. Isa pa, hindi na kita tatawagin baby dahil iisa lang ang baby ko."

"Where is she now?"

Natahimik si Kelvies sa tanong nito. Narinig niyang tumikhim ang babae. Mukhang na realized nito na mali ang tanong na ibinato. Naikwento niya rito ang nangyari sa kanilang dalawa. Mapilit din at hindi siya tinantanan hanggat hindi niya kinukwento rito.

"I'm sorry. Change topic," mahinang sabi nito. Naghintay si Kelvies sa susunod na sasabihin nito pero wala.
Tahimik lang ito habang nakatingin sa labas ng bintana. Nakita niyang pinaglalaruan nito ang sariling kamay. Naalala niya 'siya' pareho na pareho ang mannerism ng dalawa.

"W-Wala ba talagang chance?"

Ibubuka na sana ni Kelvies ang bibig niya pero pinigilan siya nito. "Wait. Baka sabihin mo na naman na mas bata ako sayo. Age doesn't matter. Huwag mo rin sabihin na dahil pinsan ako ni kuya Welman. Sasampalin talaga kita kahit gusto kita."

Natawa si Kelvies sa huling sinabi nito. Amusement was visible to his eyes. "Pwedeng mamaya na lang ako sumagot kasi wala pa akong naisip na bagong dahilan." Ang mga sinabi kasi ng babae ay totoo. Out of nowhere, nagtatanong ito kung wala ba talagang chance kaya iyong dalawa ang lagi niyang sagot.

"Don't talk to me."

"Ang cute talaga ng baby sis ko," sabi niya at gamit ang isang kamay he pinched her left cheek. Pinalo nito ang kamay niya. "Hey, stop. It hurts. Please, remove the word 'sis', just baby."

Tinanggal niya ang kamay dahil baka umiyak pa ito. 'Yari pa siya kay Welman. Blood is thicker than water. Sinulyapan niya ito. Hinahaplos nito ang kaliwang pisngi habang nakanguso. Napailing na lang si Kelvies sa naglalarong imahe sa kaniyang isipan.

"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon