Lodge Forty: Move on?

44 6 10
                                    

Mabilis lumipas ang araw at buwan. Ilan araw na lang ay Christmas break na nila. Ramdam nang bawat estudyante ang holidays. Sa simo'y pa lang ng hangin ay hindi nila maiwasan ma-excite. Walang pasok at makakapagpahinga sila. Pero sa STEM 12 may alalahanin pa rin sa bakasyon. Research paper nila na kailangan gawin. Lalo na ang mga experimental research ay kailangan simulan na para walang problema sa oras.

Minsan may ibang estudyante na mabilis makalimot sa lesson. Isa sa mga kahinaan na kailangan bigyan solusyon. "Guysss, I need help," saad ni Carlo. Medyo magulo ang buhok, may hawak na papel at ballpen. "Guys! Woohoh!"

Sa wakas, liningon na siya ng mga ito.

"Saan?"

"Chemistry," sagot niya kay Alexa.

"Hindi ko pa pala tapos ang assignment ko sa Bio. Pass muna." Nag peace sign pa ito sa kanya.

"Mahina ako sa chemistry," saad ni Paul at may pahimas pa sa batok.

"Bobo ako d'yan! Trigo! Malapit na akong mainis dito sa Franco na 'to, a," saad ni Aldrich. Naglalaro ito ng ML kasama ang ilan kaklase niya. Ang iba naman niyang classmate ay umiling sa kanya at sinabing hindi siya matutulungan. Linibot niya ng tingin ang buong classroom at tumigil ito kay Travies. Ang munting pag-asa niya ay biglang nawala dahil natutulog ito sa may arm rest. Wala silang klase kaya malaya sila kung ano man ang gusto nilang gawin.

"Mukang nagkakasayahan kayo, a. Naglalaro kayo ng ML? Pasali ako."

Nabuhayan ang kanyang loob ng pumasok si Hellix sa room nila at kasunod pa nito si Welman.

"Hellix," tawag niya rito.

"Oh, Carl. Bakit?"

"Patulong ako rito." Pinakita niya ang hawak na papel kay Hellix. Kumunot ang noo nito at kinamot ng dahan-dahan ang kabilang kilay.

"Welm, paano nga ito? Tinalakay na ito natin noong first sem, diba?" Inabot nito ang papel kay Welman. Kinuha naman ito ng binata at tinignan. Tinapik ni Hellix ang balikat ni Carlo. "Nasa tamang landas ka Carl. Wala pa akong kain na tsokolate at isa pa hindi kami magkasing dikit ng chemistry."

"Ayos lang. Salamat." Nginitian siya nito at tumango. Kumuha siya ng upuan para itabi kay Welman. Naging magulo na naman ang loob ng room nila.

"Do you remember the steps in solving the formula mass of a compound?"

"H-Hindi," nahihiyang saad niya. "Yung notebook ko rin sa Gen. Chem naiwala ko na kaya wala na akong mabalikan. Pasensya na talaga Welm. Hindi ko na talaga tanda yan, e."

"It's ok." Pareho silang napatingin sa may pintuan ng pumasok si Kelvies at deretso lang itong umupo sa upuan nito. "May dala kang periodic table?"

"Wala, e. Hindi ko rin memorize hehe."

"Same. Hindi ko memorize ang mass number ng chemical elements. Iyon ang kailangan para ma-solve mo 'to."

"Ahh, ganoon ba. Google ko na lang."

"No need. Nandito na si Kelvies, siya na ang tutulong sayo," saad nito at tinapik ang balikat ng kaibigan dahilan para lingunin sila.
Nahihiya talagang lumapit si Carlo rito dahil alam niyang galing ito sa heartbreak pero hindi niya alam kung 'yon ba talaga ang tawag dahil hindi naman totoo ang naging relasyon nito sa babae na taga ABM.

"Help him." Liningon naman siya ni Welman pakatapos sabihin iyon kaibigan. "Don't worry, you are in a good hands."

"S-Sige." Binuhat niya ang upuan para ilipat sa may tabi ni Kelvies. "Kelv, pasensya na sa aba-"

"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon