"I think this is the right time to surrender my flag. Mahirap pero kailangan. Sinubukan kong pasukin ang puso mo. Dobleng effort ang ginawa ko sa pagkatok pero kadalasan walang sumasagot. Minsan may sumasagot pero kahit kailan hindi bumukas ang pinto."
"Dimp..." mahinang usal ni Nieve. Nakatingin sila sa isa't isa. Nasa parking area sila. Hindi pa sila umaalis. Niyaya ng lalaki si Nieve na kumain sa labas. Mamayang hapon pa ang pasok ni Aries at vacant naman ni Nieve.
"Ayoko ng pahirapan ang sarili ko. Ayoko na rin pahirapan ka, Luna. Ayoko ng guluhin ang isip mo, kayo. Masaya na ako sa ginawa ko. Hindi ko pagsisisihan ang araw na nagdesisyon akong ligawan ka kahit walang kasiguraduhan makukuha ko ang matamis mong 'oo'. Masasanay din ako. Mawawala rin itong sakit na nararamdaman ko sa tamang panahon. Sapat na sa akin makita kang masaya kahit hindi sa piling ko. Alam kong mas higit pang saya ang maibibigay niya sayo kaysa sa 'kin." Halo-halong emosyon ang nakikita niya sa mga mata nito pero mas nangingibaw ang sakit.
"Sorry."
"Pigilan mo ang luha mo, Luna." Tumango si Nieve at kinurap-kurap ang mata. "Ayokong makita kang umiyak sa huli natin pagkikita."
"A-Anong ibig mong sabihin."
Ngumiti si Aries at hindi sinagot ang tanong ng babae. "Salamat. Salamat dahil hinayaan mo ako sa gusto ko. Hindi ko makakalimutan ang mga masasayang pinagsamahan natin. Ang mga tawanan na pinagsaluhan natin."
"Magkikita pa naman tayo, diba?" Masakit na ang lalamunan ni Nieve dahil sa pagpigil niya sa kanyang luha. Sumisinghot na rin siya. "Oo naman. Hindi ko lang alam kung kailan. Huwag mo munang isipin 'yon. Ang mahalaga ay ang ngayon. Hindi kita makakalimutan. Lagi kang parte ng puso ko. Huwag mo rin akong kakalimutan, ha?"
"Oo naman. Ikaw ang first crush ko. Sa lahat ng may dimple. Sayo ang pinakagusto ko." Natawa ng mahina si Aries at ginulo ang buhok ni Nieve. "Sana hayaan mo na ang sarili mong sumaya. Sana maging masaya ka sa kanya. Maging masaya kayong dalawa. Mahalin niyo ang isa't isa. Huwag mo na siyang pakawalan. Ngayon, unahin mo naman ang sarili mong kaligayahan. Mangako ka, Luna."
"O-Opo. Pangako."
"Good girl." Niyakap pabalik ni Nieve si Aries. "Mamimiss kita, Dimp."
"Me too. I will miss you so much." Bumitiw ito mula aa pagkakayakap at muling nagkasalubong ang kanilang mata. Pinagmasdan nito ang mukha ni Nieve. Sinasaulo ang bawat detalye ng mukha. Hinalikan nito ang noo ng babae. Napapikit naman si Nieve. Tumagal ang labi ng lalaki sa noo ni Nieve ng ilang segundo.
"For the last time. I really really like you—no, I love you, Luna. Bibitawan na kita," senserong sabi nito. Nagulat si Nieve sa sinabi nito. Alam niyang gusto siya ni Aries pero hindi niya inaasahan na mas lumalim pa ang nararamdaman nito sa kanya. "Pwedeng mag-request?"
Tumango si Nieve. "Basta kaya kong gawin o ibigay, Dimp."
"Yung puso mo sana, joke lang. Kaya mo 'to." Lumayo si Aries kay Nieve ng isang metro. Humahakbang ito patalikod. Naguguluhan naman pinagmamasdan ni Nieve ang lalaki. "Pwede bang ikaw ang maunang umalis? Gusto kitang panoorin naglalakad palayo sa akin. Para sa ganon hindi ko maisipan kumapit pa. Huwag ka rin lilingon, Luna. Please lang. Mangako ka." Parehong pinipigilan ng dalawa ang kanilang mga luha.
"Dimp, paano ka?"
"Huwag mo akong isipin. Tumalikod ka na at humakbang. Hinihintay ka na niya. Huwag kang lilingon, ha."
"P-Pangako, hindi ako lilingon. Alam kong makakahanap ka rin ng isang babae na magmamahal sayo ng higit pa. Hanggang sa muli nating pagkikita," sabi ni Nieve at tumalikod na. Sa pagtalikod niya kasabay nito ang pagtulo ng mga luha niya. Luhang kanina niya pa pinipigilan at ganoon din si Aries.
BINABASA MO ANG
"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under Revision
Teen FictionABM X STEM When a Senior High Student get into a 'fake relationship' will there be a real feelings? Nieve Luna Ravana is a grade 11, ABM student. She is no boyfriend since birth. But what if one day, her status 'single' will turn into a 'in a relati...