Mabilis lumipas ang araw hindi mamamalayan na sabado na. Kagabi pa inihanda ni Nieve ang kanyang susuotin ngayong araw. Pinaghalong kaba at excitement ang nadarama niya. Alas otso ng umaga ang usapan na susunduin siya ni Kelvies sa kanilang bahay. Ngayong araw din ipapakilala niya ito sa kanyang ina."Snow bilisan mo na sa pag-aalmusal. Limang minuto na lang bago mag alas otso. Handa na ba yung susuotin mo ngayon?"
"Opo." Tinulungan siya ni manang Aurora sa pagliligpit ng kanyang pinagkainan. Nakita niyang nakabihis na ang kanyang ina at handa ng pumasok sa trabaho. "Mom hindi po kayo pagagalitan ng boss niyo kung lagpas alas otso na kayong papasok?"
Ngumiti ito sa kanya. "Hindi. Nagpaalam din ako at pumayag ang boss ko. Gusto kong makilala ang nobyo mo. Sigurado napaka-gwapo na ng batang iyon." Nagtaka siya sa huling sinabi nito.
'Kilala kaya ni Mom si Kelvies?"
"Mom kilala ni----"
"Maligo ka na at mag-ayos. Akyat na sa kwarto." Tumango siya at sinunod ang utos nito.
'May ideya kaya si Mom kung sino kaya niya nasabi iyon?'
Tinignan niya ang kanyang susuotin na nakalatag sa kanyang higaan. Simpleng white dress na pinaresan niya ng sapatos na bumagay rito. Hindi siya mahilig magsuot ng heels. Pumunta siya sa banyo at naligo.
••••••
"Mom, Dad aalis na po ako.""Ang pogi talaga ng baby Elvies ko. Mag-iingat ka sa pagmamaneho lalo't na may kasama kang magandang dilag." Napangiti na lang siya sa tinuran ng kanyang ina."Opo."
"Sige na, huwag mong paghintayin ang magandang dilag dapat ang makisig at gwapong lalaki ang naghihintay." Natawa silang tatlo sa sinabi ng kanyang ama. "Sige po." Lumabas siya ng bahay at sumakay sa kanyang kotse. Pinaandar niya ito at tinahak ang daan papunta sa bahay nila Nieve.
Hininto niya ang sasakyan at bumaba. Nag door bell naman siya at nakita niyang lumabas si manang Aurora para pagbuksan siya ng gate. Nabanggit na sa kanya ito ni Nieve. Natatandaan niya rin na nakita niya na ito ng isang beses no'ng hinatid niya si Nieve.
"Good morning po."
"Magandang umaga rin, hijo. Pasok ka."
"Salamat po." Hinintay niya ito ng maisara ang gate at sabay silang naglakad papasok ng bahay. "Napakagandang lalaki mo hijo."
"Hindi naman pero salamat po. Kayo ho ba si manang Aurora, nabanggit po kayo sa 'kin ni Nieve."
"Hahaha. Oo, pasok ka," sabi nito at pinagbuksan siya ng pinto. "After you, manang Aurora."
"Sige. Ano nga ang iyong pangalan hijo?"
"Kelvies po. Kelvies Soldevilla."
"Manang sino po 'yan?" Nanggaling ang boses kusina.
'Ang mommy siguro ni Nieve.'
"Ell nandito na ang nobyo ni Nyebe," sagot ni manang Aurora. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. "Maupo ka muna. Pupunta lang ako sa kusina. Relax ka lang, mabait ang mommy ni Nyebe." Ngumiti siya rito at umupo sa sofa. Pumunta naman ito sa kusina at nakita niya ang mommy ni Nieve na lumabas mula sa kusina at may dalang tubig at isang pineapple juice. Nang malapit na ito ay tumayo siya.
BINABASA MO ANG
"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under Revision
Novela JuvenilABM X STEM When a Senior High Student get into a 'fake relationship' will there be a real feelings? Nieve Luna Ravana is a grade 11, ABM student. She is no boyfriend since birth. But what if one day, her status 'single' will turn into a 'in a relati...