Pumunta kami sa airport ni Mom. Dalawang sasakyan lang ang dala namin. Si manong Teddy ang magmamaneho ng van at kaming dalawa naman ni Mom ay nasa kotse. Ilang minuto kami naghintay bago namin sila nakita. Kumpleto sila, ang dalawang kapatid ni Dad at ang mga asawa nito kahit ang mga anak nila ay kumpleto rin. May ilan din na mga pinsan ni Dad ang sumama sa kanila. Higit sa lahat ang papa ni Dad si lolo Greg. Sinalubong namin sila ni Mom ng yakap."Lolo."
"My beautiful Snow."
"I miss you, Lolo. Welcome back to the Philippines."
"I miss you too, apo."
Si Tito Ricky ang katabi ni lolo kaya siya ang sunod kong niyakap. "Tito, kumusta po?"
"Ok naman, hija. Dalaga na ang pamangkin ko dati ang bata mo pa."
"Bata pa po ako, tumangkad lang." Natawa kaming pareho sa sinabi ko. "Ehem! I need welcome hug from my beautiful niece."
Tumalon ako papunta sa kanya at niyakap siya. "Kuyaaa Zaicky!"
"Dalaga na ang Snow namin. May manliligaw ka na siguro." Ngumiti lang ako sa kanya. "Tita Winter may mga manliligaw na ba si Snow?"
"May sinagot na siya sa mga manliligaw niya."
'Kung alam lang ni mommy. Hindi naman nanligaw sa'kin si Kelvies.'
"Sino?"
"Who's the lucky man?"
"Ruiz namiss kita," sabi ko at niyakap siya. Kapatid siya ni kuya Zaicky. Pangalawa sa magkakapatid si Ruiz at panganay si kuya Zaicky.
"Changed topic, ha."
Kumalas ako sa pagkakayakap. "Makikilala niyo rin siya bukas. Huwag excited."
"I'm sure, I'm more than handsome to him, Snow."
"Agree. We're the most," pagsuporta ni kuya Zaicky.
'Yabang.'
"Bakit wala na yung ate sa unahan Ruiz?" Mas matanda ako sa kanya. He is 15 while me, 17. "Coz I'm taller than you."
"But I'm older than you."
"That's enough. May naghihintay pa dito ng yakap ni Snow. Maraming nakapila," boses pa lang alam ko na kung sino.
"Au!"
Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya. "I miss you ate," dahil sa sinabi ko nakatanggap ako ng kurot mula sa kanya pero mahina lang. "Magka-edad lang tayo."
"Binibiro lang kita pero mas matanda ka sa akin ng ilang months," sabi ko at kumalas sa pagkakayakap. "Kahit na. Yakapin mo muna yung iba mamaya na tayo magkwentuhan." Ngumiti ako at tumango.
"Tita Alendra, namiss po kita."
"I miss you too, Snow."
Niyakap ko rin isa-isa ang mga tito at tita ko. Mga pinsan sila ni Dad. Well, hindi naman lahat ng pinsan ni Dad ay nandito yung iba lang.
"Raizy." Lumuhod ako para magkapantay kami. Siya ang bunso ni Tito Ricky. She is six years old. "Ate Snow, I miss you."
"Oww. I miss you too." Pinaulanan ko siya ng halik sa mukha niya and she giggled. "Ate Snow, it's my turn." Ngumiti ako at pumikit. Naramdaman kong hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinaulanan nang halik. Well, ganito talaga kami ka sweet sa isa't-isa.
"Mamaya niyo na lang ituloy ang pag bonding. Umuwi na tayo para makapaghinga na ang lolo mo, mga tita't tito mo at pati na rin ang mga pinsan mo."
Tumayo ako at sabay-sabay na kaming pumunta sa may sasakyan. Nagdagdag pa si Mom ng tatlong kasambahay dahil nandito sila lolo at isa pa may event bukas. Pagkarating sa bahay sa guest room agad ang bagsak nila. Si Au sa kwarto ko kasi sabi niya magkukwentuhan kami pagising niya.
BINABASA MO ANG
"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under Revision
Teen FictionABM X STEM When a Senior High Student get into a 'fake relationship' will there be a real feelings? Nieve Luna Ravana is a grade 11, ABM student. She is no boyfriend since birth. But what if one day, her status 'single' will turn into a 'in a relati...