Lodge Thirty: Unmasked

64 12 0
                                    

Banayad na hinahaplos ni Winter ang buhok ng kanyang anak. Ingat na ingat siya dahil baka magising ito. Alam niyang hindi pa ito kumakain at kahit siya. Wala siyang pakielam kung nagugutom na siya, ang mas mahalaga ay ang muling matitigan ang kanyang munting Snow habang natutulog. Nang tumawag sa kanya si Au at sinabing umiiyak ito ay minadali niya ang kanyang ginagawa at ang iba ay hindi pa tapos. Gayunpaman, nag paalam siya sa kanyang boss na uuwi na siya at sinabi niya rin kung bakit. Mabuti naman at pumayag ito at sa tingin niya may namumuong ideya sa isipan nito.

Inayos niya ang kanyang posisyon dahil nangangalay na siya. Tuluyan na siyang tumabi sa kanyang anak. Magkaharap silang dalawa. Itinukod niya ang kanyang siko at ipinatong ang ulo sa kamay niya. Matagal niya na rin itong hindi nagagawa dahil sa trabaho niya. Halos hindi niya na ito maalagaan kahit malaki na ito. Alam niyang kahit hindi siya mag trabaho ay mabubuhay pa rin sila. Ayaw niyang umasa na lang sa kompanya nila na pinapatakbo ngayon ni Ricky ang kapatid ng kanyang asawa. Sa pangtustos sa pag-aaral ni Nieve ay hindi siya ang gumagastos kundi ang lolo nito kahit ayaw niya. Ang pera na kinikita niya sa trabaho ay napupunta sa pagkain nilang pang-araw-araw at pang pa sweldo sa apat na kasambahay. Malaki ang iniwan na pera ng kanyang asawa sa kanilang mag-ina ng mawala ito.

"Babawi ako, Snow."

Noon lagi niyang sinusuklay ang buhok nito tuwing gabi bago matulog, siya rin ang nagtitimpla ng gatas nito.
Minsan bago ito natutulog ay kinukwentuhan niya ito pero ang kanyang asawa talaga ang madalas gumagawa. Daddy's girl so Nieve kaya alam niyang napakasakit dito ang pagkawala ng ama nito kahit siya hanggang ngayon nasasaktan pa rin. Hindi ito nagkukulang ng oras sa kanilang mag-ina kahit busy ito sa trabaho. Nakapang-hihinayang dahil nawala ito ng maaga.

"Love." Tumingin siya sa labas at ang kurtina ay gumagalaw dahil sa hangin. Nakabukas ng kaunti ang glass door kaya may hangin na nakakapasok. Pakiramdam niya pinapanood sila ng kanyang asawa. "Ang laki na ni Snow. May boyfriend na siya pero may peoblema. Sana nandito ka. Ilang buwan na lang ang bibilangin kaarawan niya na. I-Ikaw sana ang first dance niya, Love."

Pinunasan niya ang kanyang luha na lumandas sa pisngi niya. Napapikit siya ng may tumamang ihip ng hangin sa kanyang mukha. Pakiramdam niya ay nasa loob ng kwarto ang asawa niya, kasama nila.

"Mom..."

Minulat niya ang kanyang mata. Sumalubont sa kanya ang bagong gising na mukha ni Nieve. Hinaplos niya ang pisngi nito at pinakatitigan. Niyakap siya nito at hinalikan ang tuktok ng ulo. Nanatili sila sa ganoong posisyon.

"Kumusta ang Snow ko?"

Dumistansya ito ng konti dahil doon kita niya na buo ang mukha nito. Kita niya ang luha sa mga mata nito. Luhang pinipigilan na pumatak. "I'm not ok, Mom."

"Magiging ok ka rin anak."

"Alam niyo po?"

Ngumiti siya rito. "Ruiz told me everything. Sinabi niya sa 'kin kung ano ba talaga ang meron sa inyong dalawa ni Kelvies."

"I'm sorry, Mom. I lied to you."

"Sshhh...it's ok. Don't be feel sorry. Naiintindihan ko. Naglaro rin ako ng ganoon kahit ang Dad mo. Alam ko ang patakaran ng larong iyon. Ang mas inaalala ko lang ay ikaw anak. Ang nararamdaman mo, ang puso mo."

"Nahulog ho ako. Ang sakit po dito." Tinuro nito ang dibdib kung saan ang puso."Hindi ko po akalain na mahuhulog ako. Ang sakit pala kapag walang sumalo sayo. Yung nasa taas ako tapos unti-unti akong nahuhulog sa direksyon niya. Nagpatuloy pa rin ako sa direksyon niya kahit alam kong maliit ang tsansa na ako ang sasaluhin niya at hindi ang dahon na kasabay ko."

"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon