Lodge Thirty-One: Heartbreaking Punishment

54 10 2
                                    

Enjoy!
>>>>>>>

"Dito na lang, Welm."

Hininto naman nito ang kotse. Lahat sila naka uniporme. Papasok ang dalawa habang siya ay hindi. Tanaw niya ang bahay nila Nieve mula sa kanyang kinatatayuan. Ang akala niya ay hindi siya papapasukin sa subdivision nila Nieve pero nagkamali siya. Ilang distansya na lang ang kanyang lalakarin bago marating ang mismong gate ng bahay nito.

"Kelv baka hindi ka papasukin sa loob ng bahay nila."

"Ayos lang, Hell. Makita ko lang siya sapat na."

"Paano kung hindi siya lumabas."

"Maghihintay pa rin ako. Gagawa ako ng paraan para lumabas siya." Nakatingin lang ito sa bahay ng mga Ravana habang ang kamay ay nasa loob ng kanyang bulsa. Hindi lumabas ang dalawa sa loob ng sasakyan.

"Kelv hindi ka talaga papasok? Pwede mo naman siya puntahan mamayang recess at lunch. Pangalawang absent mo na ito sa klase." Tahimik lang si Welman at hinayaan lang magsalita si Hellix. Sa kanilang tatlo si Hellix ang mas nag-aalala sa pagliban sa klase. Ayaw nitong lumiliban maliban na lang kung may sakit ito at may ginawang kalokohan sa school. Pagdating sa pag review ito naman ang pinakatamad sa kanila.

"I'm sorry. I dragged you two again in this kind of situation. Lagi akong pabigat pagdating dito. Alam kong may kanya-kanya rin kayong problema at hindi ko man lang kayo matulungan," saad niya habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa.

"Kelv kaibigan ka namin at kaibigan mo kami. Magka-kaibigan tayong tatlo parang magka-kapatid na nga tayo. Huwag mong isipin na hindi ka nakakatulong at isa pa ang liit kaya ng problema ko. I can handle it with myself." Ngumiti pa si Hellix para iparating sa kaibigan na kaya niya talaga i-handle mag-isa. Napa 'tsked' naman si Welman sa huling sinabi ng kaibigan.

"Alam ko pero nahihiya na ako. Don't worry, kapag naka recover ako o kahit hindi pa tutulungan kitang makuha siya."

"Hala siya. Hindi babae ang problema ko, Kelv." Sinamahan pa nito ng iling.

"Don't deny it," saad naman ni Welman na naka cross armed at nakasandal said back rest ng driver seat.

"Hindi lang naman iyon," bulong ni Hellix.

"Napapansin ko pa rin Hell kahit naging abala ako sa amin dalawa ni Buwan. Kapag nalinis ko na lahat at habang ang Soldevilla na ito naghihintay magugulat ka na lang suma-sideline na pala sa pagiging kupido."

Hindi nakapag-salita si Hellix habang nakatingin sa kaibigan. Parang gusto niyang maiyak at yakapin ang kaibigan. "Ikaw ang bunso sa ating tatlo." Tumawa ito ng mahina. "Tapos ikaw pa-"

Hindi nito naituloy nang dambahin siya nito ng yakap. Nasa loob pa ito ng sasakyan kanina pero ngayon nakayakap na sa kanya. Tinapik-tapik niya naman ang likod nito ng mahina at isang kamay ay nanatiling namamahinga sa kanyang bulsa.

"Pinapaiyak mo naman ako kuya."
Parehong napangiti ang dalawa sa sinabi nito. "Kung may makakakita sa atin dito iisipin nilang mag syota tayo tapos si Welman naman yung kabit ko at nagparaya ka."

Nagawa pa nitong mag-biro.

"Papasukin mo na 'yan dito bago ko pa maisipan na iwan siya rito."

"Pasok na baka iwan ka talaga niyan."

"Call us kapag nagka-problema."
Tumingin siya kay Welman at tumango. "Sandali lang, Welm. Nakalimutan kong mag goodbye kiss." Bumaba ulit ito at pagkasara ng pinto ay pinaandar ni Welman ang sasakyan.

"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon