Lodge Thirty-Five: Missing Her

50 10 0
                                    

"Good morning, Soldevilla."

Napahinto si Kelvies sa pagpasok. Nakayuko lang siya habang naglalakad kanina. Lumilipad din ang isip niya. Tinignan niya ang relong pambisig ng sabihin nito na late na siya ng 5 minutes. Napakunot ang noo
niya dahil may dalawang minuto pa bago ang nakatakdang oras.

"Where's your manners, Soldevilla?"

Inangat ni Kelvies ang kanyang ulo. Striktang nakatingin sa kanya si Kelly. "Good morning, nay."

"How dare you to call me 'nay', Soldevilla."

Kumunot ang noo ni Kelvies. Napasinghap naman ang iba niyang kaklase lalo na ang mga babae. "Absent ka ng isang linggo. Hindi ka man lang nagsabi. Hindi mo man lang nagawang mag text, tumawag o mag chat. Anong silbi ng messenger mo kung hindi mo naman ginagamit." Hindi nagbaba ng tingin si Kelvies. Alam niyang hahanapin na naman nito ang manners niya kapag yumuko siya. Ayaw nito ng ganoon lalo na kung pinagsasabihan o pinapangaralan.

"Hindi ko alam kung patay ka na ba o ano." May pag aalala sa boses ni Kelly pero nawala rin bigla at binalik sa dati. "Hindi ko pa malalaman na iyon pala ang nangyari sayo kung hindi dahil sa mga marites mo na kaklase."

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Kelly. May ilan na nag reklamo at sinabi na hindi marites ang tawag doon kundi nagbabalita. Umiling naman ang iba kay Kelvies na nakataas na ngayon ang kilay. "Quiet!"

Mabilis na naitikom ng lahat ang kanilang bibig. Ibinalik rin ni Kelvies ang kanyang tingin kay Kelly. Sanay na sila sa ganito. Hindi na sa kanila bago ang nangyayari ngayon. Kung noon ay nakaramdam ang ilan ng galit, tampo at sinasabing pinapahiya sila ni Kelly sa buong klase pero ngayon, hindi na. Naiintindihan nila ito. Para na itong nanay nila at anak naman ang turing nito sa kanilang lahat.

"Hindi ka ba papasok at hanggang pintuan na lang?" Umabante si Kelvies hanggang sa makapasok siya sa room. Hindi siya ganoon kalapit sa mesa ni Kelly.

"Blankong upuan. Blankong mata. Blankong tingin. Blankong puso. Baka gusto mo rin na blankong grado." Tinaasan ng kilay ni Kelly si Leo dahil sa paghagikhik nito.

"I'm sorry, nay."

"You got 10 sa huling test mo sa akin." Doon na napayuko si Kelvies. "What happened to our King?"

"I-I don't know, nay." Lumapit si Kelly kay Kelvies. Hinawakan niya ang pisngi nito. "Look at me, 'nak."

"N-Nay..." May nagbabadyang luha na sa mga mata nito. Niyakap ni Kelly si Kelvies. Doon sa balikat niya ay tahimik na binubuhos ang luha ng binata. "Anak nag aalala ako sayo. Lahat kami dito ay nag aalala sayo. Sama-sama tayo rito diba? 'Wag mo naman kaming iwan sa ere."

"Sorry po," mahinang sabi ni Kelvies. Tanging si Kelly lang ang makaririnig. "How are you?"

"I'm not ok, nay." Kinalas ni Kelly ang pagkakayakap kay Kelvies. Pinunasan naman ni Kelvies ang luha niya sa pisngi na hindi pa tuyo. "Do you love her?"

"Yes, I do. I found the right temperature to her. I found the exact pressure and volume to her."

"Mahal ka ba niya?"

Sumeryoso ang mukha ni Kelvies. "Isa lang ang sigurado ko, nay."
Palipat-lipat any tingin ni Kelly sa dalawang mata nito. "Ano iyon?"

"The chemical bond exist between us."

•••

Umirap si Au kay Dame ng ngitian siya nito. Sanay na ito sa katarayan niya. Well, hindi naman siya mataray konti lang. Nakatayo siya sa may harap ng room ni Dame. Hindi na kasi sila sinipot ng last subject nila bago ang recess. Pinadalhan niya ng text message so Dame na may bakante siya at deretso na sa cafeteria. Ang kaso nag reply naman ito sa kanya na hintayin niya ito sa labas ng room nito at sabay na sila. 20 minutes na siyang nakatayo roon. Hindi siya pumunta ng maaga para hindi siya magmukhang t*nga sa kahihintay. Ang kaso ang tagal pa rin ng labasan nila Dame.

"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon