Lodge Twenty-Three: Threat and Marking

62 12 0
                                    

Twenty minutes na silang naghihintay sa cafeteria.Ang dalawang ay umoorder nang pagkain.Parehong nakatingin ang dalawang babae sa may bukana ng cafeteria.Nag-aalala sila para kay Nieve.

"Ba't ang tagal nila,"saad ni Dame at dumausdos sa upuan. "Nandito na sila."

Napaayos ng upo si Dame.Kumaway sa kanila ni Nieve.Ngumiti lang si Au at siya naman ay kumaway pabalik.Magkahawak ang kamay ng dalawa.

"Tingin mo ayos lang sila?,"tanong ni Dame kay Au.

"I hope so."

Nakita nilang pinisil ni Kelvies ang pisngi ni Nieve bago pumunta sa dalawang kaibigan na nakapila para umorder ng pagkain.Pagkaupo pa lang nila Nieve ginisa na siya ni Dame at Au.

"Anong nangyari Niyeb?"

"Is everything ok? Did you cry?"

"Oo nga.Ba't parang namumula mata mo?"

"Pinaiyak ka niya?"

"May sinabi ba siya sayo?"

"Shhh,"inilagay ni Nieve ang kanyang hintuturo sa may labi niya.Tumahimik naman ang dalawa. "Ok lang ako.Naghilamos kasi ako kanina bago pumunta dito. Nasobrahan sa tubig.Hindi ako umiyak."

Parehong pinanliitan siya ng mata ng dalawa at dahan-dahan linalapit ang mukha sa kanya. "A-Ano ba...nakakatakot kayo."

Napatingin ang tatlo sa bukana ng cafeteria ng may narinig na nagtitilian na babae.Nanlaki ang mata ni Dame at medyo bumuka ang kanyang bibig.Gulat rin ang makikita sa mukha ni Nieve.Nagtataka naman si Au sa nakikita niyang reaksyon sa dalawa.

"RIESSS!,"sigaw ni Dame at kumaway
sa lalaki.Kumaway naman ito pabalik habang nakangiti.Nagtama ang mata nila nito mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ni lalaki.Kitang kita ang dalawang dimple nito.Niyugyog naman siya ni Dame habang tumitili.Si Au naman ay pasimpleng tinakpan any mukha dahil sa hiya.

"Niyeb nandito siya! Nandito siya!," sabi nito.Natatawa na lang siya sa reaksyon nito.Isang taon na rin nila itong hindi nakikita.Lumipat na kasi ang binata sa ibang unibersidad. College na ito at sa kursong BS of Architecture.Lumapit ito sa table nila.

Tumayo naman si Dame at niyakap ang binata.Naging malapit silang dalawa rito nung dito pa ito nag-aaral. Alam din ng binata na crush siyang ni Nieve kaya kung minsan tinutukso siya nito noon at tinutukso silang dalawa ni Dame.

"Namiss kita kuya Riesss."

Trip lang talaga ni Dame na tawagin itong kuya minsan Ries lang.Niyakap siya nito pabalik. "Namiss din kita little Dame."

Magkasalubong naman ang kilay ni Hellix na nakatingin sa dalawa.Kanina pa sana siya nakalapit kung hindi lang siya pinigilan ni Welman.

"Sino ba yan?"

"I don't know,"sagot sa kanya ni Welman.

"He is Aries Perks.Dito siya nag-aral mula high school hanggang senior high."

"Friend mo?"

"No.Anak siya ni Mrs.Perks subject teacher natin sa English noong grade 10.Nakasalubong ko na siya dati,"saad ni Kelvies.Napatango naman si Hellix.Hinawakan agad ni Hellix ang braso ni Kelvies ng hahakbang na ito.

"Kalma lang Kelv,kalma lang,"saad niya rito.Niyakap kasi ng binata ni Nieve at pakatapos pinisil ang pisngi.Nakita nila itong namula dahil may sinabi ang lalaki rito.

"Who gave him permission to pinch my moon cheek?"

Tinapik siya sa balikat ni Welman at sinabing kunin na ang kanilang order para makabalik na.

"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon