Lodge Thirty-Eight: Missing him

51 9 1
                                    

Mahigit isang buwan nang lumipas simula nang umalis ako. Medyo nahirapan akong makisabay sa mga tao rito dahil hindi ganitong environment ang nakasanayan ko. Nanibago rin ako sa routine ko araw-araw. Miss ko na ang nakasanayan kong routine dati. Miss ko na ang pagpasok sa school, room, ang mga kaklase ko at ang teachers ko. Miss ko na ang bahay at sila manang. Kahit si Mom ay namimiss ko na kahit nung isang araw pa lang siya bumalik sa Pilipinas.

Miss ko na rin ang kaibigan ko kahit lagi kong sinasabi sa kanya na mamimiss ko lang siya kapag dalawang taon siyang wala. Miss ko na rin si Au, ang kaingayan ni Hellix, ang presensya ni Welman, at siya.

I missing him.

I miss his voice, his smile, and his hug. Miss ko na rin ang pang-aasar niya at ang mga banat niya. Lahat...lahat namimiss ko.

"Kumusta na kaya siya?"

Tinaas ko ang isa kong kamay. Ginalaw ko ng dahan-dahan ang aking mga daliri. Sa bawat paggalaw ko ay tumatagos dito ang sinag ng araw. Hawak din ng isa kong kamay ang kwintas na binigay niya. Gusto ko siyang makita. Napailing na lang ako sa gusto kong mangyari. Mahigit isang buwan pa lang pero ang rupok ko na. Sa kanya lang naman ako marupok.

Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto dahil may kumatok sa labas. Sa uri nang pagkatok ay alam kong si Ruiz iyon. 'Yung katok na ang bigat at parang napipilitan. May isang uri pa siyang katok at iyon ay ang katok na parang tinatamad. Kapag si kuya Zaicky naman ay parang may hinahabol. Sa tuwing gigisingin ni kuya si Ruiz, iyon lagi ang ginagawa niyang katok kaya naman laging nakabusangot ang pinsan ko kapag lumalabas siya ng kwarto. Kahit ako ay naaasar din ako sa katok ni kuya. Minsan naman kapag ayaw ni kuya na kumatok ay pinaglalaruan niya ang sedura ng pinto. Huwag lang siya magpapahuli kay Tita at kay manang Kori dahil lagot talaga siya. Mayordoma dito si manang Kori at certified Filipina siya. May ilan kasambahay din kasi dito na tagarito talaga sa Italy. Minsan nahihirapan akong makipag-usap sa kanila. May communication barrier.

"What is that face of yours? Nakabusangot ka na naman."

"They want to talk to you," sabi nito.

"Who?"

📱: "Last-last week pa namin siya gustong makausap. Ngayon mo lang kami pinayagan."

Nanlaki ang mata ni Nieve nang marinig ang boses ni Au. Iniharap sa kanya ni Ruiz ang hawak na tablet. Doon, nakita niya ang dalawa.

📱: "Niyebe! Snow!"

Ngumiti siya sa dalawa at kumaway. Binigay sa kanya ni Ruiz ang tablet. Pagkabigay ay nagpaalam na itong bababa na. Sinara ni Nieve ang pinto nang umalis na ang kanyang pinsan. Patakbo siyang pumunta sa kama at humiga. Kinamusta siya ng dalawa at ganoon din siya sa mga ito. Masaya siya dahil sa wakas ay nakausap na niya ang kaibigan at pinsan. Tulad ng sinabi ni Dame sa kanya ay marami nga itong kwento. Napuno nang halakhak ang buong silid ng babae.

"I miss you, guys."

📱: "Miss na miss ka na rin namin, Niyebe."

Napangiti si Nieve sa sinabi ni Dame. Natawa rin siya ng mahina nang sabihin ni Au na isang miss lang raw sa kanya.

📱: "Uwi ka na. 'Di na ko galit. Kiss kita agad, baby."

Pare-pareho silang natawa sa sinabi ni Dame. Mas malakas pa nga ang tawa nito kaysa sa kanilang magpinsan. Tinanong din sa kanya ni Au kung kumusta ang pamilya nito at ang kanilang Lolo. Napakwento na rin si Nieve sa mga nangyari sa kanya simula nang dumating siya sa Venice, Italy.

"Si mommy, kumusta?"

📱: "Ok naman siya Snow pero parang gusto niya ulit lumipad papunta diyan."

"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon