Lodge Thirty-Nine: Secret Admirer

34 6 0
                                    

Tatlong araw na ang lumipas simula nang makausap ko si Tita Kiera sa cellphone. Ang ina ni Araw. Akala ko galit siya sa akin. May binitawan pa naman akong salita sa kanya. Pangako na sinira ko. Nangako ako kay Tita na hindi ko iiwan ang anak niya kahit sabihin pa nitong iwan ko na siya. Kahit sabihin ko na nagpaalam or alam niya na aalis ako, iniwan ko pa rin siya. Kaya nahihiya akong tawagan siya at isa pa wala akong cellphone. Mabuti na lang nakapag-usap kami no'ng isang araw.

📱: "Hello. Who's this?"

"Tita..." mahina kong sambit. I bit my lower lip. Hinahanda ko ang aking sarili sa kanyang mga sasabihin. Nakaupo ako sa may mini sofa na nandito sa may pool area.

📱: "N-Nieve! Ang baby Luna ko ba ito?"

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "O-Opo. Ako po ito." Hindi ko na rin napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Ang sarap sa feeling na tinawag niya ako sa kung ano ang tawag niya sa akin dati. Dumagdag pa ang boses niya. May halong gulat at hindi makapaniwala sa una. Tapos sa huli may halong lambing at pangungulila.

📱: "I'm happy dahil tumawag ka. Kamusta ka na? Hush. Don't cry, ok? I'm not mad, baby Luna. I'm not mad."

Hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak lalo na sa sinabi niya. Hindi siya galit at kinakamusta niya pa ako. Deserve ko ba 'yon?

"Tita, I'm sorry. I broke my promised. Hindi ko natupad. Iniwan ko rin ang anak niyo." Gamit ang isang kamay ay pinunasan ko ang aking luha. Hindi pa rin kasi siya tumitigil sa pag-alo sa akin. Mas lalo akong naiiyak.

📱: "Oh, baby Luna. Hush now. I'm not mad, ok? Yes, I'm dissapointed but I'm not mad. Welman and Hellix told me everything from the start hanggang sa pag-alis mo. I understand. Your reason is uunderstable."

"Still...I left your son."

📱: "I know, hija. You have a reason. Sa kwento ni Hellix at Welman, naiintindihan ko kung bakit ka umalis. Binigyan mo ng space ang anak ko para makapag-isip. Mapagtanto ang dapat natanto niya no'ng una pa lang. Hangad mo lang ay malinawan ang anak ko. Malinawan sa kanyang totoong nararamdaman. Kung sino na ba ang nagpapatibok ng puso niya at kung sino nang may hawak ng susi
sa kanyang puso."

"Tita..."

📱: "Sinabi mo rin kay Welman na hindi pa ito ang oras para sa inyo. May kailangan pang ayusin ang anak ko. Kailangan mo rin makapag-isip at ipahinga ang puso at utak mo sa lahat ng nangyari. Alam kong hindi naging maganda ang epekto nang pag-alis mo kay Kelvies. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pangungulila. Ang mga luha na hindi ko mabilang na tumulo sa kanyang mata no'ng gabing nag-open up siya sa akin."

"Sorry po."

📱: "Don't. Hindi kita sinisisi o sinusumbatan. Gusto ko lang ipaalam sayo na mahalaga ka, importante ka sa kanya. Lagi ko rin siya nahuhuling nakatulala. Pasensya na baby Luna kung pinapagod ka ng anak ko dahil lagi kang tumatakbo sa isip niya."

"Ayos lang po. Pareho lang po kami. Hindi ko siya pinapahinga dahil lagi siyang laman ng isip ko."

Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.

📱: "Kung marinig niya 'yan paniguradong mamumula na naman iyon."

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Tita. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Masaya ako dahil nakausap ko na si Tita Kiara at nauunawaan niya ako. Nabawasan na ang mga alalahanin ko.

📱: "Baby Luna, uuwi ka pa naman diba? Babalik ka pa rito diba?"

"Yes po. Babalik ako, Tita."

"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon