Alas otso ng umaga nagising si Nieve. Today is February 14. Pwedeng hindi pumasok. Pwedeng pumasok sa kahit anong oras na gusto mo. Parang tulad lang ng foundation day sa school nila. May program mula umaga hanggang hapon at aabutin ito ng gabi. Ngayon araw din ang awarding para sa mga nanalo sa mga contest.
Alas otso nang umuwi ang tatlong lalaki kagabi. Eleven na rin sa gabi natulog si Nieve kagabi. Binuksan niya na ulit ang kaniyang social media. Ang daming messages at notification. Nagchat siya ng 'I'm back' sa gc nilang Dare Squad. Sa dalawang salita na chinat niya ay napahaba pa iyon. Hindi pa pala tulog ang lima. Nakita niya rin maraming unsent messages sa gc. Sinabi naman ni Dame kung ano 'yon. Kay Dame ang mga unsent. Marami silang napagkuwentuhan.
Isang oras din silang nag-usap ni Kelvies sa call. Akala niya matutulog na ang lalaki dahil nagpaalam na ito sa gc at nag good night na. Tapos nakita niya na lang nag ring ang kaniyang phone.
Pagkatapos maligo, magbihs, at mag-ayos ng kaunti ay lumabas na siya ng kwarto. Pumunta siya sa dining area. Binati ni Nieve ng good morning ang kanyang ina at ganoon din ang kanyang kuya Zaicky. Bihis na bihis ito at mukhang may pupuntahan. Wala siyang idea kung ano ang pinagkakaabalahan nito lately. Hinayaan niya na lang at hindi nag-usisa pa dahil nakikita niya itong masaya.
"Good morning!" sigaw ni Au at nagulat si Winter doon. "Nakung batang 'to. Nakakagulat ka, Au."
Mahinang tumawa ito. "Sorry, Tita. Morning po." Binati naman ito pabalik ni Winter. Nagbeso naman ito kay Nieve at kay Zaicky. Hindi rin nagtagal ay dumating na rin si Ruiz. Nakaligo na rin ito at nakabihis. Sabay-sabay silang nag-almusal.
"Ruiz saan ka pupunta? Bihis na bihis ka," saad ni Nieve. Curious talaga siya kung saan ito pupunta baka may kinalaman ito doon sa deal na sinasabi nito kahapon.
"At your school, ate. I heard from ate Au that outsider is welcome at your school today. So I've decided to come with you. Kuya don't want to tag me along with him. So, I'll go with you."
"Ayoko ng makulit at pasaway na kasama, Ruiz," saad ni Au. "I'm not a kid anymore, ate. I can handle myself. I have a friend there."
"Don't flirt to girls nor the another way around. You're just 15," paalala ni Zaicky. Seryoso ang mukha nito at tapos na rin kumain. Nagsalubong ang kilay ni Ruiz. "As if naman. That's not my thing, kuya. Isa pa, Mom told me that at your 7 years of age maaga kang lumandi at nagpalandi." Napaawang ang bibig ni Zaicky at napatingin sa kanya ang dalawang babae. Tumawa naman si Winter.
"Darn. Sinubukan ko lang magseryoso at magpakuya. Naungkat na nakaraan ko," bulong ni Zaicky. Kalaunan ay nagpaalam na ito sa apat. May lakad daw ito. Sumunod din nagpaalam si Winter dahil may pasok ito sa opisina. Naghanda naman ang tatlo dahil aalis na sila papunta sa University.
•••
February 14, Araw ng mga Puso.
Kapansin-pansin ang ngiti at tuwa sa mukha ng bawat estudyante. May nag-uusap, nagkukwentuhan, at iba pa. Maganda rin ang panahon. Hindi madyadong mainit at mahangin. Napakagaan ng atmosphere at masarap sa pakiramdam. May ilan booths sa paligid tulad ng marriage booth, confession booth, photo booth, truth or dare booth, at iba pa. Halos lahat ay nakasuot ng red kahit ang lahat ng miyembro ng officials. May ibang section or strand na nag-usap kung ano ba ang susuotin nila ngayon.
"Hindi naman tayo nagmumukhang bitter, ano?" tanong ni Hellix sa dalawa. Napag-usapan ng STEM na black ang susuotin nila at white pants. Binagay nila ito sa kulay na ginamit nila sa kanilang classroom.
BINABASA MO ANG
"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under Revision
Roman pour AdolescentsABM X STEM When a Senior High Student get into a 'fake relationship' will there be a real feelings? Nieve Luna Ravana is a grade 11, ABM student. She is no boyfriend since birth. But what if one day, her status 'single' will turn into a 'in a relati...