Pinapa-kopya ni Ma'am Rosal ang binigay niya na coverage ng exam niya.Advantage na rin iyon sa'min para makakuha kami ng mataas na puntos.Five minutes na lang uwian na.Itinago ko na ang gamit ko sa bag dahil tapos na ako.Tinignan ko ang relo kong pambisig 10 seconds na lang bago mag 4:30 ng hapon."Sa wakas natapos rin,"bulong ni Dame at isinilid ang gamit sa bag nito.Tumunog ang bell hudyat na uwian na.
"Class good luck for tomorrow.Ang subject ko ang unang sasagutan niyo bukas.Good bye."
"Good bye Ma'am,"we say in unison.Good luck talaga sa'min.Ang iba sa'min ay mag-gro-group study at ang iba ay kanya-kanya.
"Niyeb sa bahay niyo na lang kaya ako mag review para maka-review talaga ako."
"Ikaw bahala."
"Bukas pa ng hapon uuwi si Tita,diba?"
She nodded.
"Doon ako matutulog at magrereview sa inyo,"nakangiting sabi nito."Huwag kalimutan ang ice cream,"paalala niya."Noted Ma'am." Natawa na lang silang dalawa.
"Ba't parang sumobra ang ingay sa labas?"tanong ni Dame.Nagkibit balikat lang siya.Lagi naman maingay kapag uwian na pero hindi katulad ngayon na parang mahihimatay ang mga babae sa kilig at ang ilang lalaki nagfe-feeling close kay-----"Sandali huwag mong sabihin na..."
Tinignan niya si Dame.Nakangiti ito at tumango tango pa habang nakatingin sa may likuran niya.Hinawakan siya ni Dame sa balikat at pinaharap siya.Nakita niya si Kelvies sa may bukana nang pinto at may hawak na sang rose.
"Kinikilig ako Niyeb para sayo."
Unti-unting humahakbang si Kelvies papunta kay Nieve.Naramdaman ni parang nanghihina ang mga tuhod niya.Humawak siya sa braso ni Dame para may suporta.Labis ang kabang nararamdaman niya at ang puso niya ay hindi mapakali.
"I'm sorry,"sinserong sabi nito at kinuha ang isang kamay niya na libre.Kilig na kilig naman ang mga nanonood sa labas at hindi mapigilan na tumili.
"I'm sorry hindi ko sinasadya Buwan."Linagay ni Kelvies ang dala niyang rose sa kamay ni Nieve.Hindi alam ni Nieve kung ano ang gagawin niya at kung ano ang sasabihin.
"Niyeb patawarin mo na."
Wala siyang sinabi kundi inisang hakbang niya ang pagitan nila ni Kelvies at niyakap ito."Thank you,"masayang sabi ni Kelvies at niyakap siya pabalik.
"Waahhhh!"
"Ang sweet."
"Walang forever."
"Mapapa-sana all ka na lang."
"Mas gusto ko parin ang RaiVies."
Iba-iba ang mga reaksyon o komento ng mga estudyanteng nakakita.May masaya at kinilig.May bitter,ang iba ay tutol.
Inalis ni Nieve ang pagkakayakap Kay Kelvies at ganoon rin ito."Umalis na kayo.Tapos na ang palabas,"sigaw ni Dame.
"Ok na tayo,ulit?"Tumango naman siya bilang sagot."Talaga?"
"Oo nga,ang kulit."
"Hahaha.Tara na,ihahatid na pa kita."
"Hmm."Kinuha ni Kelvies ang bag niya at sinukbit ito."Tara na." Hinawakan siya nito sa kamay at naglakad palabas.
"Hoy,love birds.Paano ako?"
"Naghihintay sa baba si Hellix.Siya daw ang maghahatid sayo,"sigaw na pabalik ni Kelvies na hindi man lang lumingon.
"Gentleman,"komento niya dahil pinagbuksan siya ng pinto nito."Inborn."Natawa na lang siya dahil sa sinabi nito.Tahimik lang sila habang nasa biyahe.Nagtataka siya dahil hindi man lang ito nagtanong kung saan siya nakatira.
BINABASA MO ANG
"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under Revision
Genç KurguABM X STEM When a Senior High Student get into a 'fake relationship' will there be a real feelings? Nieve Luna Ravana is a grade 11, ABM student. She is no boyfriend since birth. But what if one day, her status 'single' will turn into a 'in a relati...