Nagising ako dahil sa nag iingay kong orasan.Kinuha ko ito at pinatay.Lunes, balik eskwela.Tumayo ako at hinawi ang kurtina.Binuksan ko ng kaunti ang sliding door na kumokunekta sa teresa.Linipad ang ilang hibla ng buhok ko dahil sa hangin. Napakatahimik at banayad lang ang simo'y ng hangin.Hindi ko alam kung maganda ba ito o hindi.Sinara ko uli ito at pumunta sa banyo para maghilamos.Kinuha ko ang aking cellphone na nasa bedside table.Umaasang makikita and pangalan niya sa screen ngunit nabigo ako.
Akala ko panaginip lang ang nangyari kahapon.Ngayon,sinampal ako ng katotohanan na hindi iyon isang panaginip.Naghintay ako kagabi na kahit isang text man lang sa kanya pero wala akong natanggap.Sinanay niya ako na tatawag siya o magte-text para mag goodnight at may karugtong pang sweet dreams.Iniisip ko na lang na baka tulog na siya dahil sa pagod sa practice.Hindi ko maiwasan na mag isip negatibo.Alam kong may karapatan ako dahil nanggaling mismo sa kanyang bibig na meron,ibinigay niya.Ngunit sino ba naman ako para pigilan ang kasiyahan niya.
*Beep*beep
'Akala ko siya na,si Au lang pala.'
Insan: Snow nakabihis na ako hihi.I'm so excited naaa! Ligo ka na.Btw,gandang umaga😘
Ilinapag niya ang kanyang cellphone sa bedside table upang gawin ang daily routine niya kapag may pasok.
Pababa na si Au habang dala-dala ang bag niya.Hindi pa niya nakuha ang uniform na pinagawa ng Tita Winter niya kaya naka civilian lang siya.Black pants wet t-shirt na kulay pink na may imprenta.Naka tuck-in ito at rubber shoes naman sa paa.Yung off shoulder niya sana susuotin kaso ang pinsan niya ay susuotin ang department shirt nila.Gusto niya na rin makatanggap ng department shirt na may logo ng school at sa baba nito at ang strand na kinuha niya.
Napahinto siya sa kanyang pakanta-kanta ng may naamoy na parang nasusunog.Dali-dali siyang pumunta sa kusina at naabutan sa harapan ng kawali ang kuya Zaicky niya na nakatulala at parang ang lalim ng iniisip.
"Kuya yung priniprito mo."Hindi parin ito gumagalaw.Pinatay night ang apoy at humarap sa kuya niya habang nakapamewang.
"Kuya!,"sinabayan niya ito ng isang palakpak habang ang kuya niya ay napatalon sa gulat."You startled me."
"Hindi ka na kasi gumagalaw at yung linuluto mo.Tignan mo."
"Oh..." Napabuntong hininga na lang si Au dahil sa reaction nito.Knuha niya ang laddle rito at pinaupo ito.Siya na lang ang gagawa.Napailing na lang siya ng sulyapan niya ito. Malalim na naman ang iniisip.Naiwan ito ng eroplano kahapon may pinapabili kasi si Ruiz sa kanya sa labas at bigla na lang may babaeng humalik sa kanya.Sa gulat hindi siya nakagalaw at kita niyang nakapikit na ang babae.Ilalayo na sana niya ang kanyang labi pero hinawakan ng babae ang kanyang batok para palalimin ang halik.Wala siyang nagawa kundi magpaubaya at tumugon sa halik nito.
"Kuya yung babae parin ba ang iniisip mo?" Napasabunot ito was sariling buhok. "Hinalikan niya dahil may humahabol sa kanya.Ano ako,bullet proof?"
"Duh! Syempre,hindi 'no."
"Hindi ko pa nakita ang buong mukha niya.Mata,buhok at likod lang," pag-aalburuto nito.
"FYI,hindi mo nakita yung mata kasi nakapikit."
"Anong gagawin ko? Na kiss and run ako.'Nak naman ng tokwa."
'Ang dami niyang alam at kung makapagsalita parang hindi nanirahan sa Italy,'anang isip ni Au.
"Ano pa nga ba,edi umuwi ka na Venice,"saad niya at inahon ang bacon.Nauna niya ng prinito ang hotdog synod ang bacon.Ngayon naman ay gagawa siya ng omelette.Sa susunod gagawa siya ng omurice at spanish omelette.
BINABASA MO ANG
"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under Revision
Novela JuvenilABM X STEM When a Senior High Student get into a 'fake relationship' will there be a real feelings? Nieve Luna Ravana is a grade 11, ABM student. She is no boyfriend since birth. But what if one day, her status 'single' will turn into a 'in a relati...