Lodge Twenty-One: First Strike

59 11 0
                                    

Ngayon na ang alis nila lolo,as in silang lahat.Ihahatid namin sila sa airport at pakatapos tutuloy kaming tatlo sa mall para mamili.Nagkasya kaming lahat sa iisang van.Maraming iniwan si Tita Alendra na bilin kay Au kahapon at ngayon meron pa.

"Au call us kapag may problema,ha.Wag matigas ang ulo.Huwag kang pasaway sa Tita Winter mo."

"Yes,Mom,"nakangusong saad nito."Huwag na kayong mag-alala Tita,Tito,"sabi ni Zaicky at inakbayan siya."Si Snow ang kasama niya kaya hindi ito mapapaaway." Inakbayan na rin nito si Au.Nakatanggap naman siya ng siko kay Au.Napapagitnaan kasi ng dalawa si Zaicky at ito rin ang pumili ng pwesto.Tahimik naman si Ruiz na pinagmamasdan ang nadadaanan.

"Panatag din ako dahil may isa pa na magbabantay sa kanya,"saad ng Daddy ni Au. "Pumayag ba siya,Honey?"

"Oo.Alam mo naman hindi iyon makakatanggi sa'kin." Nagsitawanan ang matatanda.

"Sinong 'siya' Mom and Dad?" Masama ang kutob niya doon sa tinutukoy ng magulang niya.

'Sana hindi siya,'anang isip ni Au.

"It's a secret,anak.Ayaw din niyang ipasabi sayo,"saad ng ama at may kakaibang ngiti sa labi."Mukang kilala ko kung sino yon.What do you think,Snow?"

Tumango ng dalawang beses si Nieve na may mapang-asar na ngisi sa labi.Hindi na lang ito pinansin ni Au. "Si Callus po ba?"

Nginitian lang siya ng ama habang ang kanyang ina sa si Alendra ay umiwas ng tingin.Nabaling ang atensyon niya sa nag-aasaran magkapatid na sina Zaicky at Raizy.Sumali din si Nieve sa mga ito at si Ruiz na nananahimik sa tabi ay nadamay dahil kay Dame.

Nakarating na sila sa airport.Gusto pa sanang sumama ng tatlo sa loob pero hindi na sila pinasama kaya ang ending sa labas sila nagdramahan. Pakatapos ng yakapan at mga salitang pamamaalam ay sumakay na sila sa kotse na dala ng driver nila Dame. Nakasunod lang ito sa kanila kanina.Sa may backseat umupo ang tatlo.

Ilang oras ang lumipas nakarating na sila sa kanilang destinasyon.Una nilang pinuntahan ay ang school supplies.HUMMS ang kinuha ni Au.Bumili rin ng gamit ang dalawa.Pakatapos nilang bayaran ang pinamili pumunta naman sila sa boutique para mamili ng damit at iba pa.

"Upo muna tayo,pagod na ako,"saad ni Au.Kanina pa sila lakad ng lakad sa loob ng mall.Ang dami pa nilang bitbit.Tinawagan naman ni Dame ang kanyang driver para ipakuha ang iba nilang pinamili para konti na lang ang dala nila.

"Yung tatlo ba yon?,"hindi siguradong sabi ni Dame at isinilid ang cellphone said dala niyang purse.
"Oo,sila nga.Sino yung babae na napapagitnaan nila Kelvies at Brylian?,"tanong ni Au.

'Raisha...'

"Tama ba ang nakikita ko Niyeb? Si Raisha yung nasa gitna nila at nakakapit pa sa dalawa.Aba! matindi,"asar na saad ni Dame.Hindi siya umimik.Papasok ang apat sa bookstore.Napapagitnaan ng dalawa si Raisha habang nakahawak ito sa braso ng dalawa.May tig-isa din na dalang paper bag ang dalawang lalaki at si Hellix naman ay nasa likod nila na may limang paper bags na hawak sa kaliwang kamay.Ang kanan naman nito ay hawak ang cellphone at mukang may pinapanood.

"Naging chaperon si Impyerno,"natatawang saad ni Dame."Sino yung Raisha?"

"Ex ni Araw,"sagot ni Nieve sa tanong ng pinsan niya."Ano?!"

"Yeah,ex siya ni Kelvies."

"Kung ganon..."tumayo si Au sa pagkakaupo."Resbakan natin." Pinigilan ito ni Nieve pero sa huli wala rin siyang nagawa dahil sumang-ayon si Dame kay Au.Ang kinalabasan,nagtatago sila ngayon sa isang shelf na malapit sa apat.

"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon