Lodge Thirty-Four: Haunting Memories

44 10 0
                                    


Mahigit 10 minutes nang nakaupo si Welman sa may sala. Hindi pa rin bumababa si Hellix. Ito na ang gumusing kay Kelvies. Lunes ngayon at kailangan nang pumasok nito dahil kung hindi ay pupunta dito sa bahay ng binata ang kanilang guro na si Kelly. Pinalabas din sila agad nito pagkatapos mapa-airdrop ang recorder sa cellphone nito. Sa tingin niya sapat na ang ibinigay nilang araw para rito. Hindi pwedeng lagi itong magmumukmok sa kwarto. Babagsak ito kung hindi pa ito papasok.

Nagpaalam siya sa ina ni Kelvies na susunod siya kay Hellix sa kwarto ng anak nito. Pagdating niya sa tassa agad niya tinungo ang kwarto ni Kelvies. Nakabukas ito ng konti kaya rinig na rinig niya ang reklamo ng binata sa paggising ni Hellix.

"Hell, natutulog 'yong tao. Huwag kang maingay."

"May pasok ngayon, Kelv."

"10 minutes more." Napabuga na lang sa hangin si Hellix. Kanina pa ito sa 10 mins. more nito. Pinagbigyan niya ito kanina kaya natagalan siya. Lumingon si Hellix sa may pinto nang maramdaman niya ang presensya ni Welman. Tumingin siya dito na nanghihingi nang tulong.

"Wake up, Kelv." Nakatangap din ng 10 mins. more so Welman. "Bibisitahin ka ni Nay Kelly dito. Kakausapin niya rin sila Tita't Tito kapag hindi ka pumasok." Wala siyang natanggap na sagot o anong ingay galing kay Kelvies. "Hanggang  kailan ka magiging ganyan? Binigyan ka na namin ng isang linggo. Hindi pa iyon sapat?"

"Ayoko pang pumasok." Nanatili pa rin itong nakapikit. Gustuhin man magtanong ni Welman ng bakit pero hindi niya ginawa. Hahaba lang ang usapan at baka barahin pa siya nito. "Babalik si Nieve, Kelv. Hindi porket wala siya dito ay titigil ka na rin sa buhay mo. Hindi porket umalis siya ay aalis ka rin sa mundong kinagagalawan natin at magtatayo na naman ng sariling mundo."

"I need space."

"We already gave you that to you." Palipat-lipat ang tingin ni Hellix sa dalawa. "Just leave. Leave me alone."

Umayos nang tayo si Welman at humarap kay Kelvies. Kanina ay nakasandal lang siya sa may gilid ng pintuan. Ngayon ay kita niya ang kabuoan ni Kelvies. Nakapatong ang isang braso nito sa may mata.

"I have connection in Italy. We can—"

"Connection?" Inalis nito ang braso. Nakatutok na ngayon ang mata nito kay Welman. "Ano ang nagawa niyan sayo? Ginamit mo nga pero may nakalusot pa rin. Wala naman naidulot iyon sayo ng maganda."

"Kelv," pag-awat ni Hellix. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Kita niya rin kung paano kumuyom ang kamao ni Welman. Nakaupo na rin sa kama si Kelvies.

"Bakit hanggang ngayon hindi ka pa rin masaya? Bakit wala pa rin kayo ni Au?"

Kinakabahan si Hellix sa maaaring mangyari. Kahit nakayuko ang kaibigan ay kita niya pa rin kung paano magtagis ang bagang nito. Napaatras si Hellix nang tumingin ito kay Kelvies. Walang emosyon ang makikita sa mga mata nito.

"Do you remember what you told to me a long time ago?" Ang lamig ng boses nito. "W-Welm.." Hindi mapigilan ni Hellix na hindi mag panic bang humakbang ito. Tahimik naman si Kelvies habang nakatingin sa kaibigan.

"Sabi mo—"

"Welm!" Napasigaw si Hellix nang lumipad ang kamao ni Welman kay Kelvies. Naisangga niya ang kamay sa may ulo ni Kelvies upang hindi ito tumama sa may headboard. Alam niyang masakit iyon.

"—suntukin kita kapag nagiging tanga ka na naman."

"Welm, tama na." Nakaalalay pa rin ang isang kamay ni Hellix sa ulo ni Kelvies. Ang isa naman ay nakaharang kay Welman. Kita niya rin dumugo ang gilid ng labi nito. Alam niyang malakas ang suntok ni Welman lalo na kapag gamut. Pumutok ang labi nito.

"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon