Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito. Magagawa ko kayang masanay na wala siya? Kaya ko kayang hindi siya isipin kada minuto o segundo? Bakit, bakit pagdating sa pag ibig ay ang malas ko? Tanga nga ba ako sa pag ibig? Natuto na ako sa pagkakamali ko noon at sa pagkukulang ko nung kami pa ni Raisha. Hindi naman ako nagkulang ng oras sa kanya pero nagkamali na naman ako sa mga desisyon ko. Naging dahilan ng pag alis niya.
Nagkamali ako sa mga pinili kong desisyon. Nahuli ako sa pag-amin sa sarili ko na mahal ko siya. Pinaiyak ko siya at nasaktan. Naging kampante ako. Siguro hindi pa ito ang tamang oras para sa amin. Pero kailan ang tamang oras? Paano kung sa pagdating ng tamang oras ay may nagmamay-ari na sa kanyang puso.
Ginulo ko ang aking buhok at pumikit nang mariin. Ito na naman ako. Sumasakit lang ang ulo ko sa mga naiisip ko. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang rooftop. Linilipad ang buhok ko dahil sa hangin. Kaninang umaga ko lang napansin na humahaba na pala ang buhok ko. Hindi ko maalala kung kailan ang huling ginupitan ang buhok ko.
Iniwan ko ang aking bag sa locker ko. Tanging cell phone ko lang ang bitbit ko. Nilibot ko ang aking tingin sa buong rooftop. Walang pinagbago at mukhang hindi pumupunta rito ang dalawa. Maraming masasayang alaala rito. Sa pag-ihip ng hangin parang dinala ako nito sa nakaraan. Nakikita ko na sama-sama kaming kumakain dito sa rooftop pagkatapos ng exam. Ang pang-aasar namin ni Dame kay Hellix. Ang pagtulong ni Welm kay Hellix para makaganti sa amin. Ang pagkanta ni Hell kay Dame at ang ganti niya sa akin.
Ang unang pag-amin ko sa kanya na nagseselos ako. Dito ko siya niyaya na mag date kami. Dito ko rin inamin sa kanya na crush ko siya sa alam kong paraan. Alam kong hindi niya iyon naintindihan dahil elements ang ginamit ko.
Bumalik ako sa reyalidad ng tumunog ang cell phone ko. Ang ringtone nito ay ang kinanta niya. Mapa call or text, iyon ang ringtone ko. Ang P.I.O sa room namin ang nag text.
Hillarton: Yow, Kelv. Pasensya na sa abala. Gusto ko lang ibalita na nagkaroon ng biglaan meeting ang mga teachers kaya hindi tuloy ang klase natin sa Entrep. Pero nag-iwan si Sir ng susulatin. Naka pdf file ito. Send ko na lang sa email mo. Check your email after you received this text. Thank you!
Another mssg: Nandito pa rin kami sa canteen. Pasok ka sa next subject, ha. Kitakits!
Nag reply siya ng 'thank you' rito. Gaya ng sinabi nito ay cheneck niya ang kanyang email. Na i-send na nga nito ang file. Binalik niya ang kanyang cell phone sa bulsa.
"Kelvies."
Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses. Nakita niya si Nieve. Nakaupo ito sa makapal ba tela. Sinundan niya ang tinitignan nito. Siya ang tinitignan nito. Nakita niya ang sariling nakaupo at nakasandal sa dingding. Nakapikit ang mata.
"Kelvies."
Tinawag siya muli nito at nakita niya ang kanyang sarili ha hindi umimik at nanatiling nakapikit.
'Trigo! Anong iniisip ko noon?'
Hahakbang na sana siya para lapitan si Nieve pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Alam niyang hindi totoo ang Nieve na nakikita niya dahil alaala lang ito. Ayaw niya itong maglaho.
"Kelvies Soldevilla!"
Nagulat siya ng sumigaw ito.
"What?"
Napalingon siya sa kanyang sarili. Hindi makapaniwala si Kelvies na nagawa niyang sungitan ang babae noon.
"Ba't hindi mo ako pinapansin?"
"I don't have time. I need silence. Can you give me that?"
Gusto niyang sugurin ang sarili at suntukin.
BINABASA MO ANG
"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under Revision
Teen FictionABM X STEM When a Senior High Student get into a 'fake relationship' will there be a real feelings? Nieve Luna Ravana is a grade 11, ABM student. She is no boyfriend since birth. But what if one day, her status 'single' will turn into a 'in a relati...