Hindi niya alam kung ano ba ang dapat gawin kapag nagkita sila ni Kelvies sa school. Tatlong buwan lang naman siya magiging girlfriend nito. Sa totoo lang naririnig niya ang pangalan ng tatlo sa kanyang mga kaklase at sa labas ng room. Well, they are handsome at mukhang mababait naman. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari sa mga oras na 'yon.
Kung hindi sila inutusan ni ma'am Serio, ay hindi sana mangyayari iyon. Kung paano magbangayan ang kaibigan niya at si Hellix. Kung paano pinatahimik ni Kelvies ang dalawa. At wala sana ang dare kung hindi naisipan ni Welman na laruin ang truth or dare with a twist.
"Truth or dare?" tanong niya kay Nieve.
"Dare," matapang na sagot ni Nieve.
"Magiging girlfriend ka ni Kelvies sa loob ng apat na buwan."
"What?"
"Ano?"
"Kung hindi mo gagawin, mamili ka na lang sa tatlong option."
"First option ang piliin mo," sabat ni Hellix.
"Huwag mong piliin 'yung una," sabi ni Dame at tinapunan ng masamang tingin si Hellix.
"Are you serious about this, Welm?" Tanong ni Kelvies
"Yeah."
Napailing na lang ito sa sinagot niya.
"What's your decision?"
"Pwedeng tatlong buwan lang?" tanong niya rito. Wala siyang dalang pera at panlibre. Bahala na si Cat woman.
"Ok. Deal."
"Deal."
Hindi pa rin siya makapaniwala na pinili niya ang dare at pumayag. Tatlong buwan lang naman silang magpapanggap. Wala man siyang karanasan pagdating sa relasyon ay alam niyang kakayanin niya.
"Snow, are you ok?"
"Yes, Mom. I'm ok."
"Yung mga bilin ko, huwag kakalimutan. Tatlong linggo lang ako mawawala. Kasama mo naman sa bahay si manang Aurora kapag may problema tawagan mo ako, ok?"
"Opo, Mommy. Mag-iingat po kayo. Basta yung keychain ko po, ah." Isang executive secretary si Mommy sa isang kompanya at may business trip sila ng boss niya. Hininto ni Mom ang sasakyan at nagpaalam na kami sa isat isa. "Ingat ka po. I love you, Mom."
"I love you too, Snow. Take care." Iba-iba ang palayaw niya. Ang tumatawag lang sa kanya ng Snow ay ang pamilya niya at iba pang relatives nila. Ang kaibigan niya na si Dame ay tinatawag siyang Niyebe at Nieve kapag hindi niya close o hindi mga gaano ka kilala.
"Niyebe!" sigaw ng kaibigan niya. Pakapasok niya sa gate lahat ng estudyante na nandoon ay napatingin sa may direksyon niya.
"Namiss kita," sabi nito at niyakap siya. "Kahit papano namiss din kita."
"Papano? Dalawang araw tayo, hindi nagkita."
BINABASA MO ANG
"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under Revision
JugendliteraturABM X STEM When a Senior High Student get into a 'fake relationship' will there be a real feelings? Nieve Luna Ravana is a grade 11, ABM student. She is no boyfriend since birth. But what if one day, her status 'single' will turn into a 'in a relati...