"Shh..."
"Bakit..." Nakatayo ang dalawa at magkayap. Sa balikat ni Welman ay malayang umiiyak si Nieve. Hinahaplos naman ng lalaki ang buhok nito. "A-Ang sakit, Welm."
"Because you're in love. Pain is part of love. Kapatid ng saya ang sakit."
"I love your best friend, Welm. I love him. I don't know when it started."
"I know. Tahan na."
"Mali bang minahal ko siya?" Kumalas ito sa pagkakayakap. Tinulungan niya itong punasan ang luha. "Hindi. Walang mali sa pagmamahal. Hindi mali ang magmahal ng isang tao."
Inabutan niya ito ng panyo upang doon suminga. "Walang mali kung magmahal ka ng masamang tao, magmahal ng isang preso o magmahal ng may kapansanan. Alam mo kung bakit at kailan ito nagiging mali?"
Tumingin ito sa kanya. "Kapag ang ibang tao ay humusga. Nagiging mali ito dahil sa makikitid na utak ng ibang tao. Iisipin mong mali na minahal mo siya dahil sa sinabi ng iba, iisipin mo dahil nasaktan ka."
"W-Welm..."
"Hindi rin mali kung magmahal ka ng mas bata o mas matanda sayo. Ang naging deperensya lang doon ay mali ang panahon at oras para sa inyo. There's no perfect timing.
"Kaya h'wag mong tatanungin ang iyong sarili kung mali bang minahal mo siya."
'Kailan pa ang huli sa pagsalita ko ng mahaba. Naninibago panga ko. Taena,' anang isip ni Welman.
"S-Sorry." Niyakap niya ulit ito dahil nagsimula na naman bumuhos ang luha niya. "Don't say sorry. It's normal."
"I'm sorry. I failed you, Welm. I failed to make him fall in love with me."
'No. You didn't failed me,' anang isip ni Welman.
Gusto niya man isatinig iyon pero hindi niya ginawa. Nais niya ang kaibigan mismo why magsabi nito. "Ako lang ang nahulog, Welm."
"Nagsisi ka ba?"
"Hindi. Hindi ko pinagsisisihan na nahulog ako sa kanya lalo na mahalin siya. Ang pinagsisisihan ko lang ay yung hinayaan ko ang aking sarili na umasa na masusuklian niya ang nararamdaman ko. Edi sana hindi ganito kasakit ang nadarama ko.
"Bakit kasi nawala sa isip ko si Raisha. Ang babaeng mahal niya. Matagal ang pinagsamahan nila. Masyado ako-"
"Anong sinabi sayo ni Raisha?" Hindi na nakayakap si Welman sa babae. Magkaharap na ang dalawa at nakatingin lang sa isa't isa. "Binabawi niya na si Araw."
"Ibibigay mo?"
Yumuko si Nieve habang kinakalikot ang daliri. "They love each other. I'm letting him go."
"W-What?"
"Yes, I'm letting him go," she said with the thought of making him the happiest man. Yes, she loves him and care for him. Yes, her world crumbled. Yes, it bankrupt her.
"I saw the love on his eyes but it is not for me."
"What if, the love you saw on his eyes is not what you think."
Umiling si Nieve. "Ikaw na nga nagsabi, hindi mali kung magmahal ka ng mas bata o mas matanda sayo. Ang naging deperensya lang doon ay ang pahanon at oras. Hindi perfect ang timing."
'Why did I said those lines?' anang isip ni Welman.
"Baka hindi pa ito ang tamang oras para sa 'min. Wala sa timing ang pagkakahulog ko sa kanya. Wala sa timing ang lahat."
BINABASA MO ANG
"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under Revision
Teen FictionABM X STEM When a Senior High Student get into a 'fake relationship' will there be a real feelings? Nieve Luna Ravana is a grade 11, ABM student. She is no boyfriend since birth. But what if one day, her status 'single' will turn into a 'in a relati...