We're here. Finally, I'm home. Nasa Pilipinas na rin ako. Pinayagan na ako ni lolo umuwi at wala ng nagawa si Ruiz. Ang gusto ni Ruiz ay 2 years akong mananatili sa Italy or pagka-graduate ko sa college. Hindi na rin kinunsinti ni tito Ricky ang kagustuhan ng anak at ganoon din si kuya Zaicky. Uwing-uwi na kasi 'yon dito sa Pilipinas. Para naman may ibang pamilya or someone na gusto niyang uwian dito. Malakas ang kutob ko roon sa 'someone' kaso ayaw naman sabihin ni kuya ang totoong dahilan. Ako pa ang ginamit niyang dahilan kila lolo at sa magulang niya para makauwi rito sa Pilipinas. User talaga si kuya.
Gusto rin sana sumama ni Ruiz sa amin dito kaso hindi siya pinayagan. Grabe rin ang iyak ni Raizy at ayaw na niya humiwalay sa akin. Mas lalo pa kami naging malapit sa isa't isa. Miss ko na agad ang batang 'yon. Mamimiss ko ang mga tao roon. May naging kaibigan din ako roon. Hindi ko rin akalain na iiyak siya nang magpaalam ako sa kanya. Nakikita ko si Dame kay Lathany kaya siguro naging close kami. Half Italian and half pinay siya. Mamimiss ko rin ang isang 'yon. May contact naman ako sa kanya kaya anytime pwede kaming mag-usap at mag-kwentuhan.
"Mas lalo uminit ang Pilipinas nang tumapak ako rito."
Napanguso na lang ako sa sinabi ni kuya. Lumapag na ang eroplano na sinakyan namin. Narinig ko naman tumawa si Dimp sa may gilid ko. Isa pa 'to. Nahahawaan na siya ni kuya Zaicky dahil sa lagi silang nag-uusap. Pero konti lang naman. Mabuti nga hindi siya nahahawaan ng pagkainipin ni Ruiz dahil close silang dalawa.
Hindi tinuloy ni Dimp ang sasabihin niya dahil sinamaan ko siya nang tingin. Alam kong magbubuhat din siya ng sariling bangko tulad ni kuya. Iyon ang virus na kanyang nakuha kay kuya.
"Hey, ang sama agad nang tingin mo. Wala pa nga akong sinasabi," saad nito.
"Ewan ko sayo," sabi ko at nauna ng lumakad. Narinig ko siyang tumawa.
"Tss. LQ na naman kayong dalawa?"
Hindi ko pinansin ang tanong ni kuya kay Dimp dahil nakita ko sila Dame, Au at Mom. Kumaway akong pabalik sa kanila. Nang matapos kasi ang New Year umuwi na sila Mom at Au kinabukasan.
"Hey, Snow! Be careful!" sigaw ni kuya. Hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko na tumakbo papunta sa kinaroroonan ng tatlo.
"Luna, don't run!" sigaw din ni Dimp.
Una kong niyakap si Mom. Tinawanan ko lang ang sermon niya dahil sa pagtakbo ko. Naka heels kasi ako. Sunod naman si Au dahil siya ang nasa gitna. Nagpalitan kami ag I miss you. Ganoon din kami ni Dame at kinamusta niya ako.
"Omy! Ries!"
Natawa kaming lahat dahil parang bata si Dame na yumakap sa kanyang ama. "You really missed me that much, ha?" sabi ni Dimp na may ngiti sa labi.
"Luh! Sino ka? Pasalubong ang habol ko sayo," sabi ni Dame pero hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayapos. Tumawa naman si Dimp sa sinabi ni Dame. Sabay-sabay kaming napalingon sa likod dahil may tumikhim.
"Bro, spell boundary."
Mabilis naman lumayo si Dame kay Dimp dahil sa sinabi ni Hellix. Hindi ko inaasahan na narito siya. Tumingin naman sa akin si Hellix. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiwas nang tingin o hindi ko na lang siya pansinin. Gagawin ko na sana ang huli sa choices ko pero nagsalita siya.
"Lunababe, namiss kita," nakangiting sabi nito at dinipa ang dalawang kamay.
"H-Hellix..." bulong ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Kinulong niya rin ako sa mga bisig niya. "Pinapakain ka ba roon? Ba't parang mas pumayat ka?"
Natatawa akong kumalas sa yakap namin at sa reaksyon ni kuya Zaicky. Nagsimula na rin silang magbangayan. Lumabas na kami sa airport. Nakayapos ako kay Mom habang naglalakad. Nakahawak din ang isa niyang kamay sa aking kaliwang braso. Parang nakayakap rin siya.
BINABASA MO ANG
"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under Revision
Teen FictionABM X STEM When a Senior High Student get into a 'fake relationship' will there be a real feelings? Nieve Luna Ravana is a grade 11, ABM student. She is no boyfriend since birth. But what if one day, her status 'single' will turn into a 'in a relati...