Chapter 9

94.3K 2.9K 959
                                    

Dedicated to Jordana Ashley Lopez

Chapter 9

"Simula ngayon, Sieana, ikaw na ang babaeng mag-aayos ng necktie ko."

Nanatiling magkapako ang tingin naming dalawa. Hawak ko pa rin ang kaniyang necktie. Hindi ko maintindihan kung bakit pigil na ang aking hininga.

Siguro dahil sa kaniyang pabango na humahalimuyak sa ilong ko. Halatang mamahalin. Sabagay, kapag mayaman talaga. Kahit gaano pa kamahal ay kayang bilhin.

Hindi ko magagawang gumastos ng malaki para lang sa isang bagay. Pagtitipid ang nasa isipan ko.

"Shit."

Hindi ko namalayan na napahigpit na pala ang pag-buhol ko sa kaniyang necktie kaya halos masakal na siya.

"Huh? Siraulo ka ba? Bakit ko naman gagawin iyon?"

Umatras na ako palayo sa kaniya. Hinawakan niya naman ang kaniyang leeg na mukhang nasaktan sa ginawa ko. Mabuti nga hindi ko siya tinuluyang sakalin, e. Mayroon pa naman akong awa kahit papaano.

Pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niyang paghawak sa dibdib ko.

"We're friends, right?" he smirked.

Napaawang ang aking bibig sa kaniyang sinabi. Hindi ko akalain na tototohanin niya nga na maging magkaibigan kaming dalawa.

"Hindi porket tinanggap ko ang pakikipag-kaibigan mo'y responsibilidad na rin kita. Ang kapal din ng mukha mo matapos mong hawakan ang dib---"

"Edi responsibilidad na rin kita, Sieana."

Natulala ako sa kaniyang sinabi. Hindi kaya nakikipaglaro lang talaga siya sa 'kin? Nagsisisi tuloy ako na tinanggap ko ang alok niyang maging magkaibigan kami.

Paano na ang buhay ko nito? Kung bawat araw ay palagi ko siyang makakasama. Mukhang puputi talaga ang buhok ko sa kaniya.

"Gago!" Naiililing pa ako.

Patuloy lang siya sa paglalakad habang nakalagay ang kaniyang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. Naiwan naman ako mula sa kinatatayuan ko.

"Sieana!"

Mabilis na lumapit sa 'kin si Audrey habang nababakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Hindi ko man lang napansin na tulala na pala ako habang naglalakad sa hallway.

Nawala na rin sa paningin ko ang lalaking iyon. Mabuti pa ngang hindi magtagpo ang landas naming dalawa dito para naman matahimik ang buhay ko.

"Anong ginagawa mo?"

Hindi niya ako pinansin. Patuloy lang siya sa pagsuri sa braso ko na para bang tinitingin kung may natamo akong sugat.

"Okay ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan? Humanda talaga sa 'kin ang lalaking iyon!"

Kumuyom ang dalawa niyang palad. Mukhang pinapatay na niya sa kaniyang isipin si Dave.

"Don't worry, okay lang ako. Wala naman siyang ginawang masama sa 'kin saka hindi ko hahayaan na apihin lamang ako ng isang tulad niya."

Nakahinga naman siya nang maluwag sa sinabi ko. "Aba dapat lang, kung kinakailangan mong suntukin ang lalaking iyon, talagang gawin mo. Sobrang sama ng ugali!"

Naglalakad na kami sa hallway. Nakakapit na siya ngayon sa aking braso. Mukhang nasa klase na si Allysa kasi hindi ko nakikita.

Malayo pa naman ang building niyon sa amin kasi Accountancy ang kaniyang course.

"Wait! May napapansin ako sa 'yo!"

Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. Pumunta siya sa harapan ko at pinagmasdan ang aking kabuuan.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon