Chapter 22

78K 2.4K 1.2K
                                    

Dedicated to Jeraldine Zilabbo

Chapter 22

"Isa na lang pasikat ng lalaking iyon. Tatamaan ko na talaga iyon ng bola! Nakakainis na!" Masama ang tingin nito kay Kenneth.

Magkaharapan kaming dalawa para mag-practice ng volleyball. Kanina pa kami pinupuna ni Kenneth kung paano ba ang tamang pagtira ng bola.

Marunong naman ako kahit papaano. Hindi ko lang maintindihan kung bakit mainit ang mga mata sa amin ng lalaking iyon lalo na kay Audrey.

Mukhang kahit sila'y hindi close na dalawa kahit pa iyon ang President ng aming block. Ganoong inis din ang nararamdaman nito kay Zion.

Kapag ayaw niya talaga sa isang tao, ayaw niya talaga. Hindi siya mapakali kapag nakikita ito ng kaniyang paningin. Para siyang bulate na nilagyan ng asin.

"Hayaan mo na, mag-practice na lamang tayo."

She took a deep breath. Tumango siya bago sinimulan na tirahin iyong bola papunta sa 'kin. Mabilis ko naman na-spike kasi napalakas ang kaniyang tira.

"Ang tanga naman ng bola!" Mabilis siyang nagtungo sa pinuntahan ng bola. Hindi niya kasi natira.

Nandito kami ngayon sa field para sa aming P.E. Sobrang aga pa naman nitong subject tuwing friday. Pawisan na kaming lahat kahit na umaga pa lang pero wala naman kaming magagawa pa.

Isang beses lang naman ang aming P.E. Iyon nga lang, two hours. Puro pagawa pa si Sir sa amin. Kailangan talagang marunong sa mga sports para mas mataas ang makuhang marka.

Jersey ang suot namin. Mabuti na lang mayroon ako palaging suot na cycling. Tinali ko rin ang mahaba kong buhok para hindi ako masiyadong mainitan lalo na't pagpapawisan talaga kami.

Isa rin sa hilig ko ang sports, dito ko rin kasi nililibang ang sarili ko. Hindi naman ako mahilig sa mga mobile games. Lumabo pa ang mga mata ko roon.

"Sieana!"

Nilingon ko si Audrey. Hawak na niya iyong bola. Malapad pa ang kaniyang ngisi. "Bakit?"

"Nasa sariling lungga ang isang unggoy."

Nginuso niya iyong malaking puno. Natigilan ako nang magtama ang tingin naming dalawa ni Dave. Kanina naman ay wala siya roon, ah.

Wala ba siyang klase? Nakasandal siya sa katawan ng puno habang nakaupo sa damuhan. Kahit na malayo kami sa lugar niya'y alam kong nakatingin siya sa 'kin.

Anong problema niyon? Kanina niya pa ba ako pinapanood?

"Kenneth!"

Tinaas pa ni Audrey ang kaniyang kamay para agawin ang pansin ni Kenneth. Mabilis naman itong lumapit sa kaniya.

"Bakit?"

Nilingon ako ni Audrey, malapad ang ngisi. Tinaasan ko siya ng kilay. Mukhang mayroon siyang binabalak.

Hindi niya naman tatawagin si Kenneth kung wala siyang kailangan lalo na't kinaiinisan niya ito. Masyado raw pabibo sa lahat kahit na ito ang aming President.

Gwapo naman si Kenneth, singkit. Moreno ang kulay ng balat. Maganda rin ang pangangatawan na mukhang athlete. Bukod doon, sobrang talino rin nito. Bagay sila ng kaniyang girlfriend.

"Hindi kasi marunong si Sieana pumalo ng bola, pwede mo bang turuan ang kaibigan ko?"

My lips parted. "Hindi totoo ang sinasabi—"

"Sige, tutal tapos ko na rin naman turuan iyong iba."

Sinamaan ko ng tingin si Audrey. Hindi ko talaga alam kung anong binabalak niya. Marunong naman akong maglaro! Hindi ko na kailangan pa ng tulong ng iba.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon