Chapter 3

134K 3.5K 876
                                    

Dedicated to Isha Riego

Chapter 3

"Nakakainis! Sobrang nandidiri ako sa sarili ko."

Mariin ang kagat ko sa aking pang-ibabang labi habang naglalakad palayo sa lugar na 'yon. Wala akong pakialam kung nakahiga pa rin ang lalaking 'yon dahil sa pagsipa ko sa kinabukasan niya.

Mabaog na sana siya sa kamanyakan niyang taglay!

"Sieana! Anong nangyari sa 'yo? Para kang ginahasa sa hitsura mo."

Hindi ko napansin na nakalapit na pala sa 'kin si Audrey.

"Malakas lang ang hangin kaya magulo ang buhok ko," pagdadahilan ko kasi ayokong sabihin sa kanya ang totoong nangyari.

Siguradong tatawanan niya lang ako.

"Bakit ka ba nagpunta roon sa field? Malayo naman doon ang building natin. Hindi mo ba maintindihan ang map na binigay ko sa 'yo?"

"Hindi ko maintindihan kung saang direksyon ako pupunta kaya dinala ako ng mga paa ko sa field."

Kung saan may lalaking nagmanyak sa 'kin. Nakakainis!

"Hanggang ngayon ba naman ay nahihirapan ka pa rin umintindi ng direksyon?" she chuckled.

"Sobrang lawak kaya nito, wala rin naman akong matanungan kasi halos lahat ng estudyante ay mukhang nasa klase na."

Pero may isang manyak na nagtatago sa likuran ng puno na mukhang export na mag-cutting.

"My god, Sieana! Late na tayo. Terror pa naman ang prof natin sa unang subject."

Bigla niya akong hinila kaya wala na akong nagawa kundi ang magpatangay sa kanya. Kinabahan naman ako kasi terror daw ang prof namin.

Ayoko pa naman ng terror na prof lalo na kapag pang-una. Baka hindi kami papasukin sa oras na late kami. Sa tingin ko ay 20 minuto na ang lumipas nang magsimula ang unang klase namin.

"Wusho! Safe! Wala ang prof," nakahingang sabi ni Audrey.

Tama nga siya, wala ang prof kaya kakaunti na lang ang estudyante sa loob ng room. Napansin kong nakatingin sila sa 'kin kaya nginitian ko sila.

"Hello guys! I want you to meet our new classmate." Hinila ako ni Audrey sa gitna kaya halos lahat sila ay nasa 'kin na ang atensyon.

Napansin ko ang pagtaas ng kilay ng ibang kababaihan habang pinapasadahan ako ng tingin. Siguro napansin nila na sobrang ikli ng palda ko.

Dapat pala ay nagdala ako ng jacket para maibalot sa aking likuran kasi minsan ay nililipad ang palda ko nang dahil sa hangin.

"Hi, my name is Sieana, Sieana Claire Atienza."

Nakangiti pa rin ako habang nakamasid sa kanila. Wala ni isa sa kanila ang umimik kasi nakatitig lang sila sa 'kin na para bang hinuhusgahan nila ako.

"Sigurado ka na ba na 'to ang gusto mong course?" tanong ng isang babae habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok.

Tumingin naman ako kay Audrey at nakita ko ang kanyang pagtango.

"Yes, bata pa lang ako ay gusto ko na maging engineer katulad ni Papa."

"Good luck!" sabi niyong babae.

Napangiti ako nang maalala ko si Papa. Sobrang dami raw ang napagdaanan niya bago siya naging isang engineer. Alam kong hindi biro ang kursong 'to pero kakayanin ko kasi 'to ang pangarap ko.

"May magtatanong pa po ba?" tanong ko.

Wala nang umimik sa kanila kaya hinila na ako ni Audrey palabas ng room. Kunot noo ko naman siyang tinignan.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon