Chapter 44

86.2K 2.4K 3.2K
                                    

Dedicated to Christine Joy Yadao

Chapter 44

"P-Please tell me the truth! Hindi totoo ang sinabi n'yo! Bawiin n'yo, parang awa n'yo na! Hindi niya ako magagawang iwan!"

Umiiyak na ngayon sa harapan ko sina Ally at Audrey. Habang sina Zion at Terrence ay nakaupo sa sofa at sapo ang kanilang mukha.

Naririnig ko ang mahina nilang paghikbi. Pilit ko namang pinapaniwala ang sarili ko na hindi totoo ang sinabi nila at ng nurse kanina kasi alam kong imposibleng mangyari iyon.

Mahal niya ako kaya bakit niya ako iiwan? Malaki ang tiwala ko sa kaniya.

Hindi kaya may surpresa lang ito kaya sinasabi nila ito sa 'kin? Na baka makita ko na lang siya sa harapan ng altar habang hinihintay ako?

Sana nga iyon nga ang dahilan. Sana talaga kasi hindi ko kakayanin sa oras na malamang totoo nga ang sinasabi nila.

Na wala na talaga ang lalaking mahal ko.

"S-Sieana..." Sinalubong ako ng yakap ni Audrey. Mas lalong lumakas pa ang kaniyang pag-iyak.

"H-Hindi totoo ang sinabi n'yo, 'di ba? Hindi totoong patay na si Dave! Kasama ko pa siya kanina. Sinabi niya pa na hindi niya ako iiwan at sasamahan niya ako sa lahat kaya imposible ang sinasabi n'yo..."

Pinakita ko sa kanila ang suot kong singsing. "I-Ikakasal na kami pagdating niya rito, sabi pa nga niya isasama niya ang kaniyang Dad. Mamaya lang ay nandito na sila. Papatunayan ko sa inyo na mali ang sinasabi n'yo."

Panay ang iling ko nang maramdaman kong humigpit ang yakap niya sa 'kin. Nakiisa na rin sa amin si Ally.

"S-Sana nga, Sieana... sana nga hindi totoo pero lolokohin lang natin ang ating sarili kapag iyon ang pinaniwalaan natin."

Nilingon ko si Ally. "A-Anong ibig mong sabihin?"

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at tumitig sa aking mga mata. Hindi ko naman magawang maalis ang tingin sa kaniya habang nanatiling rumaragasa ang aking mga luha.

"W-Wala na siya, Sieana. Patay na si Dave... Maraming bala ang tumama sa kaniya at hindi na nito nagawang umabot pa sa ospital."

Para namang akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Muli naman akong niyakap ni Audrey habang mas dumoble pa ang pagbuhos ng mga luha sa aking mga mata.

"I-I'm sorry, Sieana... pero hindi na babalik pa rito ang lalaking mahal mo. Kahit masakit, kahit na mahirap... Wala na tayong magagawa pa kundi tanggapin ang katotohanan na wala na siya sa mundong ito... Iniwan na niya tayo at kahit na kailan ay hindi na siya babalik pa sa atin!" Audrey cupped my face and wiped my tears.

Agad kong tinapik ang kamay nito na kaniyang ikinagulat. "H-Hindi pa rin ako naniniwala... Maniniwala lang ako sa oras na makita siya mismo ng aking mga mata."

Pinasadahan ko sila ng tingin. Hindi ko na napigilan na hampasan ang aking dibdib sa sakit na nararamdaman ko sa oras na ito.

Ramdam ko rin ang pag-kirot ng ulo ko pero wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ng puso ko ngayon. Para bang sinasaksak ng maraming beses ng matilos na kutsilyo.

Na mas nanaisin ko na lang na mamanhid para lang matapos na ang sakit.

"P-Pakiusap, dalhin niyo ako sa kaniya.. Gusto kong makita ang lalaking mahal ko..."

Hinawakan ni Audrey ang aking kamay, nababakas sa mukha niya ang sobrang pag-aalala. "Kakayanin mo ba?"

Natigilan ako. Kakayanin ko nga bang makita ang lalaking mahal ko na totoong wala na ngang buhay?

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon