Chapter 20

74K 2.5K 1K
                                    

Dedicated to Allyssa Rubi Granado

Chapter 20

"Hindi pa rin kayo nagpapansinan na dalawa?"

Kasalukuyan na kaming nasa labas para hintayin iyong tatlo. Nilingon ko si Ally na busy sa pagbabasa sa libro na mukhang mayroong exam mamaya.

"Hindi pa rin."

Iniwas ko ang tingin sa kaniya. "Isang linggo nang hindi kayo nagpapansinan, ah. Kahit na magkatabi pa kayong dalawa, hindi niyo man lang nagawang mag-usap. Ano ba kasing nangyari?"

Humigpit ang hawak ko sa strap ang aking bag. "Hindi ko rin alam."

She let out a heavy sigh. "Ano iyon? Para kayong mag-jowa na bigla na lang hindi nagpansinan tapos malalaman na lamang isang araw na break na pala. Hindi ko na alam sa inyong dalawa. Ini-stress niyo ako!" Naiiling pa ito.

Hindi ko naman kasi alam ang dahilan kung bakit bigla na lang ganoon. Mabuti na rin iyon para mailayo ko ang loob ko sa kaniya. Natatakot na talaga akong muling mahulog sa isang tao at masaktan.

"Andiyan na sila!"

Sumilay ang saya sa mukha ni Audrey. Sinarado naman kaagad ni Ally ang binabasa niyang libro habang ako'y tahimik lamang.

"Sieana!"

Kinawayan ako ni Zion, ginantihan ko lamang siya ng ngiti. Kahit papaano'y nasanay na rin ako sa kalandian niyang taglay.

Madalas pa rin talaga silang mag-away ni Audrey. Mukhang maninibago kami kapag nagkasundo iyong dalawa. Paano'y mga walang kwenta ang sinasabi ni Zion kaya palagi siyang binabara ni Audrey.

"Good morning, David..."

Matamis ang ngiti ni Ally kay Dave. Bukas ang pintuan ng sasakyan. Nanatili sa loob ang lalaking iyon. Ganito palagi ang nangyayari, sa tuwing pupunta sila rito. Hindi siya bumababa.

Mukhang iniiwasan talaga ako. Para talagang bata na nagtatampo.

Nasanay na rin akong David ang tawag sa kaniya ni Ally. Mukhang iyon ang pangalang nakasanayan niya. Kahit na magkaiba naman silang tao ng gago kong ex, naiinis pa rin ako sa tuwing naririnig ko ang pangalang iyon.

"Pupunta ba kayo mamaya sa apartment?" tanong ni Audrey.

Kasalukuyan nang nagmamaneho si Terrence. Nasa pinaka-dulo si Dave habang katabi ako, sumunod sa 'kin si Ally. Katabi naman niya si Zion.

Nakasandal ang kaniyang ulo sa likuran ng upuan. Nakapikit pa. Wala akong ideya kung natutulog ba siya o ginagawa niya lamang iyon para iwasan ako.

Dumako ang tingin ko sa palapulsuhan niya. Hindi na niya suot iyong bracelet, maging ako'y hindi ko na rin isinuot pa. Wala akong ideya kung itinapon niya na ba iyon.

"Pupunta ako mamaya. Tapos na ang gawain ko sa isang subject." Tugon ni Terrence.

Napangiti naman si Audrey. Ilang araw na rin kasing hindi sila pumupunta sa apartment kasi naging busy na sila. Mukhang fast food na ang kinakain nilang tatlo.

"Ako rin. Tapos ko nang landiin iyong tatlong chikabebes na tourism ang course. May oras na ako mamayang makipag-away sa 'yo." Humalakhak pa si Zion.

"Siraulong malandi ka!" Binato ni Audrey ng roll na tissue si Zion.

Mabilis naman nitong natakpan ang mukha ng kaniyang bag. Napailing na lamang ako.

"Ikaw, David? Makakapunta ka ba mamaya?"

Biglang tanong ni Ally. Napalingon naman ako kay Dave na nakapikit pa rin. Malayo ang distansya naming dalawa. Paano'y hinarang niya ang kaniyang bag sa gitna namin.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon