Chapter 12

82.6K 3.3K 1.3K
                                    

Dedicated to Jona Louh

Chapter 12

Matapos kong katawagan si Mama, sumunod namang tumawag ang gagong iyon. Hindi ko pa pala napapalitan ang number ko kaya nakukulit niya pa rin ako.

Mukhang hindi niya ako titigilan hangga't hindi kami nag-uusap na dalawa. Panay rin ang kaniyang message. Para saan pa? Malinaw na sa 'kin na niloko nila ako, na pinagmukhang tanga.

Wala na ring kwenta kung makikinig pa ako sa kaniya na posibleng patungan pa niya ng panibagong kasinungalingan. Hindi na ako naniniwala pa sa lahat ng kaniyang sasabihin. Kailanman ay hindi ako magiging marupok.

Sobra ko siyang minahal pero hindi ibig sabihin niyon na madali ko siyang mapapatawad, na muli kaming babalak sa rating kami.

Ayoko na.

"Sieana."

Kumatok muna si Ally bago buksan ang pinto. Sumilip ito sa 'kin habang matamis ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Simpleng puting shirt lang ang suot niya at maong shorts. Naka bun ang puyod ng kaniyang buhok. Napaka-ganda niya pa rin kahit na sobrang simple.

"Busy ka ba?"

Nilibot niya ang tingin sa loob ng aking silid. "Hindi naman gaano. Malapit ko na rin matapos ang pagsusulat ng notes sa bawat subject. Gusto mo ba ng tulong?"

Mabilis siyang tumango. Niluwagan na niya ang bukas ng pintuan. Nanatili ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi.

"Ano ba ang maitutulong ko?"

Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kwarto ko at umupo sa gilid ng kama. "Pwede bang ikaw ulit ang magluto? Darating kasi sila, alam mo naman? Dito sila kumakain tuwing gabi."

Niyakap niya pa ang braso ko, panay din ang kaniyang tango para pumayag ako. Malakas akong napabuntong-hininga.

Nilingon ko ang ginagawa ko. Mamaya ko na lang siguro iyon itutuloy. Kailangan ko rin na aralin kung sakaling magkaroon na naman ng quiz. Mukhang hindi ko na rin naman matatanggihan pa si Ally.

"Sige na nga. Magluluto ako para sa kanila."

Napayakap naman siya sa kasiyahan. Wala na akong nagawa kundi ang magtungo sa kusina upang magluto. Isa rin naman ito sa paboritong gawin ko.

"Gusto mo ba ng tulong? Kahit taga hiwa man lang ng sibuyas nang may maiambag ako kahit papaano. Ang sarap mo kasing magluto. Walang wala ako."

Nilingon ko si Audrey na mayroong hawak na apple. Malaki na ang kagat niya roon na sa tingin ko'y kanina niya pa tinitira.

"Huwag na. Maupo ka na roon. Kaya ko na ito nang mag-isa."

Muli kong ibinalin ang tingin sa paghihiwa ng sibuyas. Hindi man lang ako naluha kasi sanay na akong maghiwa ng ganito.

Adobong baboy ang naisipan kong lutuin. Mabuti na lang talaga na kumpleto ang ingredients dito. Hindi na ako nahirapan pa.

"Ano? Napag-isipan mo na ba?"

Kunot-noo ko siyang nilingon. "Napag-isipan? Anong ibig mong sabihin?"

Sumandal siya sa countertop ng sink habang panay ang kagat sa apple. Nanatili pa rin ang pagtataka sa mukha ko.

"Na gusto ka talaga ng lalaking iyon."

Napaawang ang bibig ko sa kaniyang sinabi pero sa huli'y hindi ko napigilan na matawa.

"Imposible iyang sinasabi mo. Si Ally ang gusto ng lalaking iyon. Saka wala akong panahon para isipin ang bagay na iyon."

Ibinaling ko ang tingin sa ginagawa ko. Hindi man ako nakatingin sa kaniya, alam kong nagulat siya sa sinabi ko.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon