Chapter 23

69.1K 2.5K 1.4K
                                    

Dedicated to Chalea Quereza

Chapter 23

"No, Sieana... imposible iyang nararamdaman mo."

Isinubsob ko ang aking mukha sa unan. Hindi mabura sa isipan ko ang nasaksihan kanina. Isa pa sa gumugulo sa isipan ko kung bakit parang nasaktan ako nang makita silang magkasama.

Hindi ba't dapat maging masaya ako? Na tinigilan na rin ako ng lalaking iyon kasi natatakot talaga akong tuluyan nang mahulong sa kaniya.

Pero ano ito? Nahuhulog na ba talaga ako sa lalaking iyon? Nagseselos ba ako kay Elaine kasi nagiging close na silang dalawa?

Hinahawakan din ba niya ang kamay nito? Natutulog din ba ito sa kaniyang balikat? Ginagawa rin ba ni Dave ang mga iyon kay Elaine katulad sa 'kin?

Bakit parang ang sakit isipin na posibleng ginagawa nga rin niya iyon sa babaeng iyon?

"Hindi ko na alam..."

Umupo ako at niyakap iyong unan. Mariin din akong nakapikit. Paano kung tanungin ko si Audrey tungkol sa nararamdaman ko? Siguradong marami siyang alam lalo na't mahal niya si Terrence.

Mabilis akong napailing. Siguradong aasarin lamang ako ng babaeng iyon lalo na't ilang beses kong itinanggi sa kaniya ang totoo kong nararamdaman.

Hindi naman ganoon kadaling aminin na lang.

"Hindi mo siya gusto, Sieana... Imposible talaga..." Marahan kong hinampas ang aking dibdib para pakalmahin. Sobrang bilis ng tibok.

"Sieana naman! Umayos ka!"

Humiga ako sa kama, tumitig sa kisame. Nanatili ang hawak ko sa aking dibdib. Malakas din ang aking paghinga. Mapait akong napangiti.

Paano nangyari ito? Na sa mabilis na panahon ay mukhang nahulog na nga ang loob ko sa lalaking iyon. Dahil ba sa mga ginagawa niya?

O siguro nasanay na ako sa presensiya niya? Anong ginawa niya sa 'kin? Bakit niya nagawang pabilisin ang tibok ng puso ko?

Nababaliw na ba ako?

"Tama!" Mabilis kong inabot ang aking phone at itinipa ang number ng gago kong ex.

Gusto kong malaman kung maaapektuhan pa ba ako sa oras na marinig ko ang kaniyang boses... kung mararamdaman ko muli ang sakit nang dahil sa kagaguhan nila ng itinurin kong kaibigan.

Na isang ahas pala na pasimpleng lumilingkis kapag wala ako.

"S-Sieana..." His voice is shaking.

Mukhang nagulat siya sa biglaang pagtawag ko. Napahigpit ang hawak ko sa aking phone. Ngayon ko na lang ulit narinig ang kaniyang boses. Na minsan ay naging musika sa pandinig ko.

"David..." I bit my lower lip.

Naririnig ko ang tawanan ng mga kalalakihan. Mukhang wala sila sa kanilang bahay. Nangingibabaw din ang malakas na tugtog na mukhang nasa bar siya ngayon.

Hindi agad siya umimik. Mukhang humanap siya ng lugar na hindi maingay para magkarinigan kaming dalawa.

"W-Where are you? Please tell me... kahit saan pa iyan. Pupuntahan kita, sobrang miss na mis--"

"Alam ko naman na miss na miss mo na ako..." Mas lalong humigpit ang hawak ko sa aking phone. "Sobra, babe, so--" I cut him off.

"Miss mo na akong lokohin! Magsama kayo ng alaga mong ahas! Gago! Bye!"

Mabilis kong pinatay ang aking phone kasi alam kong tatawagan niya ako. Ang sakit pala sa pandinig ang kaniyang boses. Isang boses ng manloloko na minsan kong pinaniwalaan na akala ko ako lang ang babae sa buhay niya.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon