Chapter 11

83.2K 2.9K 2.2K
                                    

Dedicated to Leona Lynn Bandes

Chapter 11

"Ano nang balak ninyo? Sino ang bibili ng pagkain natin? Wala tayong mapapala kung tutunganga lang kayo riyan!"

Palipat-lipat pa ang tingin ni Audrey sa dalawa. Napatikhim naman si Terrence habang umiwas ng tingin si Zion. Napataas tuloy ang kilay ni Audrey sa kanila.

"Tol, ikaw na. Masakit ang kamay ko sa paglalaro ng basket-"

"Why me? Pagod din ako," putol agad ni Terrence.

"Saan ka naman napagod? Anong ginawa mo? Ni hindi nga kita nakita kanina!" Naniningkit pa ang mga mata ni Audrey kay Terrence.

Napailing na lang ako sa kanila. Napapatingin na rin iyong iba sa pwesto namin. Makikita talaga ang pagiging close nila sa isa't isa.

Narinig kong tumikhim iyong isa kaya napadako ang tingin ko sa kaniya. Nakangiwi ito habang hinahaplos ang gilid ng kaniyang mga labi.

Mayroong sugat doon dahil sa lakas ng tama ng bola sa kaniya. Hindi pa rin nagagamot iyon kasi ayaw niya naman pumunta sa clinic.

Malakas akong napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Parang may gusto akong gawin na hindi ko maintindihan.

Ilalabas ko na sana aking panyo para ibigay sa kaniya nang biglang may humarang sa harapan ko. Napaatras tuloy ako.

"Masakit pa ba?" nag-aalalang tanong ni Allysa.

Hinila niya ang isang upuan at dinala iyon sa harapan ni Dave. Magkaharapan na silang dalawa habang nakaupo. Napansin ko ang dalang pouch nito na sa tingin ko'y ang laman ay first aid kit.

Kahit na nakaupo si Ally, makikita pa rin ang magandang kurba ng kaniyang katawan. Sobrang hapit ng kaniyang uniform na bumagay sa kaniya. Nakapuyod na rin ang mahaba niyang buhok.

"Pag-ibig nga naman..."

Mahina akong siniko ni Audrey kaya napalingon ako sa kaniya. Tahimik na naman iyong dalawa na kanina lang ay nagtuturuan kung sino ang bibili ng pagkain.

Nakamasid na rin sila sa dalawa.

"Ako na lang ang bibili ng makakain natin." Presinta ko.

"Sama ako!" biglang sabi ni Zion.

"Damn you, tol! Akala ko ba pagod ka?" Mahina pang sinuntok ni Terrence ang braso nito.

"Nakapagpahinga na ako. Kaya ko nang bumili ng pagkain." Ipinakita pa nito ang kaniyang muscle sa braso.

"Plastic." Naiiling na bulong ni Audrey.

Tinalikuran ko na sila. Hahakbang na sana ako nang marinig ko ang isang malakas na sampal. Wala sa oras na napalingon ako sa kanila.

Narinig ko rin ang malakas nilang 'woah' na mukhang gulat sa nasaksihan. Maging ako'y nakaawang ang bibig habang nakatingin kay Allysa na ngayon ay kaharap na si Frank.

"Anong karapatan mong gawin iyon, ha?!"

Nanatiling sa ibang direksyon ang tingin ni Frank dahil sa lakas ng sampal ni Allysa sa kaniya. Ibig ba niyong sabihin...si Frank ang bumato ng bola kay Dave?

Tumingin lang si Frank kay Allysa bago ito tinalikuran. Akala ko'y palalampasin na iyon ni Ally pero inis niya pa rin itong sinundan palabas ng cafeteria.

Habol ang tingin ng karamihan sa kanila. Nakaawang pa ang kanilang bibig.

"Wow! Si Allysa na talaga ang may kayang harapin ang red flag na lalaking iyon," mangha pang sabi ni Audrey.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon