Chapter 10

89.8K 3.1K 1.3K
                                    

Dedicated to Jerra Anne Tanalgo

Chapter 10

"Guys! Go back to your seat."

Kumunot naman ang noo nila sa sinabi ni Kenneth na kasalukuyang nasa unahan. Inayos pa nito ang kaniyang salamin habang pinapasadahan kami ng tingin. Nalaman ko na siya pala ang representative ng aming block.

"Heto na naman ang lalaking iyan, palagi na lang mahilig magpakaba. Ayaw pa agad sasabihin ang gustong ibalita." Naiiling pa si Audrey.

Hanggang ngayon ay wala pa ang sunod naming Prof. Napalitan ko na ang aking palda pero hindi pa rin ito dumarating. Hindi ko akalain na maging sa sukat ng bewang ko'y alam niya.

Manghuhula ba ang lalaking iyon? O talagang malakas lang ang human instinct niya? Napailing na lang ako.

Hindi ko na dapat pa iniisip ang ganoong bagay. Wala lang ibig sabihin iyon.

"Ano ba ang sasabihin mo? Kanina pa kami naghihintay dito! Nagugutom na kami!" Biglang sabi ng isa naming kaklase.

Hawak pa nito ang kaniyang salamin kasi kanina niya pa pinagmamasdan ang kaniyang sarili.

"Kalma, ano ba? Gusto ko lang sabihin na..."

Hinampas niya pa ang mesa na para bang isang drum. Napatakip tuloy ang iba sa kanilang mga tainga. Napailing na lang si Audrey.

"Siya kaya ang hampasin ko riyan, isang-isa na lang talagang tatamaan na iyan sa 'kin."

Siniko ko si Audrey. Ngumisi lang ito at muling ibinaling ang tingin sa unahan. Maging ako'y naiinis na rin kasi pwede naman niyang sabihin na agad ang gusto niyang ibalita.

Hindi iyong paghihintayin pa kami.

"Nagkaroon daw ng biglaang meeting ang mga Prof. Kaya isa lang ang ibig sabihin niyon."

Natigilan sila sa sinabi nito hanggang sa biglaan na lang nagsitayuan. Naghihiyawan pa iyong iba sa kasiyahan.

"Edi walang klase. Yahoo! Makakapag-date na rin sa library."

Natawa sila sa sinabi ni Kenneth. Mabilis naming sinakbit ang aming bag tutal wala namang klase. Mabuti pang umuwi na lang kami.

"Saan tayo pupunta? Hindi pa ba tayo uuwi?"

She chuckled. "Haler, ang aga pa kaya, Sieana. Wala naman tayong gagawin sa apartment. Mabuti pang dito na lang muna tayo para maging familiar ka sa bawat lugar."

Napatango na lang ako. Wala na rin akong magagawa kundi ang manatili muna kami rito. Totoo naman ang sinabi niya na wala kaming gagawin sa apartment.

Napadako ang tingin ko sa aking palda. Wala nang pangamba akong nararamdaman kasi hindi na tumataas nang dahil sa hangin. Mas mahaba sa nauna kong sinuot.

"Hindi mo pa sinasabi sa 'kin kung sino iyong kaibigan mo na nagbigay sa 'yo ng paldang iyan."

Napaubo naman ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang bagay na iyon. Alam kong magugulat siya kapag nalaman na si Dave ang tinutukoy ko.

"Bakit ang ingay? Anong meron?" pag-iiba ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. Hinawakan niya ang braso ko at bigla na lang hinila.

"Saan tayo pupunta?"

Nilingon niya ako. "Edi saan pa ba? Roon sa maingay. Siguradong marami nang mga tao roon. Hindi na rin nakakapagtaka kung gaano nga."

Hindi ko na ako umimik pa. Hinayaan ko na lang siya na hilahin ako. Wala rin naman akong ideya kung saang lugar nagmumula iyong hiyawan.

Pumasok kami sa loob ng gym. Mas lalo pang lumakas ang hiyawan.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon